LEAN ON MY SHOULDER

103 5 0
                                    

CHAPTER 6

BRYLE'S POV

Dahil sa napapansin ko si Timmy na tahimik at di pa rin bumabalik ang dalwang kaibigan nya ay di ko napigilang tanungin sya.

"Timmy, are you okay?" Tanong ko sa kanya.

"Guato ko nang umuwi sa hotel. Can you go with me?" Sagot nya sa akin. May problema nga sya dahil halata sa kanyang boses at facial expression. Ano kaya ang pinag-usapan nila ni AJ? And should tell him the secret of his bestfriend?

Tumayo ako at hinila na sya. Gusto ko na syang iuwi dahil naaawa ako sa kanya. Pati ako'y nadadamay sa kanyang kalungkutan.

"Bro san kayo pupunta?" Tanong naman ni kuya Lloyd sa akin.

Gusto nang umuwi ni Timmy. Sasamahan ko sya" seryosong sagot ko sa kanya.

"Oooyyy! Kayo na ba?" Natutuwang tanong ni kuya Lloyd.

"Hindi" sagot ko sa kanya.

"Pero bakit napacaring mo sa kanya. Makahawak ka sa kamay nya wagas?" Tanong na naman ni kuya Lloyd.

"Because i like holding his hand" sagot ko at tuluyan ko nang hinila si Timmy papalabas ng bar. Pumara ako ng taxi at sumakay na kaming dalawa.

"May problema ka ba? Pwede mo bang ishare sa akin yan?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya na ikukwento. Kaya nga kita inayang umuwi para mailabas ko lahat ng sakit ng nararamdaman ko" sagot nya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang ulo at ipinatong ko ito sa aking balikat habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Kumportableng-kumportable akong alagaan sya at kasama sya. I like what doing for him. Masaya ako sa ginagawa ko.

Nang makarating kami kami sa hotel ay dumiretso kami sa aming kwarto at binagsak namin ang aming katawan sa kama.

"Bryle, can i hug you?" Tanong sa akin ni Timmy. Di pa ako nakakasagot ay agad na nya akong hinyakap. Yung puso ko ay nagsisimula na namang magwala. At ang mga labi ko'y nagkukusa na namang unuwang.

"Ano ba kasi nangyari?" Mahinahong kong tanong sa kanya.

"Nagagalit ako sa sarili ko. Nagiguilty ako kung bakit nasasaktan ngayon ang bestfriend ko. Naaawa ako kay Ramon dahil nagpaubaya sya para lang sa akin. Lahat nalang ibinigay nya sa akin. Lahat-lahat! Kaya pati feelings nya ay isinantabi nya para lang sa akin. Naiinis ako sa sarili ko dahil di ko man lang naramdaman na nasasaktan na pala ang bestfriend ko!" Kwento ni Timmy sa akin. Nag-uumpisa na rin syang umiyak.

"Shhhhh! Wala kang kasalanan Timmy. Wala, kaya wag kang magalit sa sarili mo" sabi ko sa kanya.

"Pero nasaktan ko sya ng di ko alam!" Sagot nya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha nya.

"Wala kang kasalanan Timmy. Ramon told me everything. Hindi sya galit sayo. Okay lang sa kanya ang lahat. Kaya wag ka nang umiyak" pagpapakalma ko sa kanya.

"He told you everything?" Tanong sa akin ni Timmy.

"Yes, sa CR kanina. Nahuli ko kasi syang umiiyak. At tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak. And he told me the reasons why he is crying" sagot ko kay Timmy.

"AJ told me also that. Sinabi nya sa akin kung bakit sya nagdesisyong pumunta dito sa Baguio para lang makausap ako. He just wanted to know the answers to those questions na gumugulo sa utak nya. He asked me again kung pwede nya akong ligawan" sabi naman ni Timmy sa akin.

"And what was your answer?" Tanong ko.

"Kailangan pang tanungin? Syempre hindi ako pumayag. Dahil iba ang dinasabi ng puso ko. Di ko rin alam pero alam kong hindi sya ang gusto ng puso ko" sagot nito sa akin.

LEAN ON MY SHOULDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon