Patawad, Paalam

143 5 0
                                    

"Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko" 

Ayan ang mga huling salitang binigkas ko bago ko siyang tuluyang iwan. Pilit niyang tinanong kung saan siya nagkulang, kasi ang alam naman daw niya masaya kami. Masaya siya sa akin.

Ilang taon na din ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko magawa na kausapin siya. Alam kong nasaktan ko siya sa paglisan ko pero hindi lang naman siya ang nasaktan. Inaabangan ko parin lahat ng projects niya para kahit man lang doon ay mabantayan ko siya. Kahit man lang sa ganung paraan ay maramdaman kong parte parin ako ng buhay niya. 

Nandito ako ngayon sa isa niyang concert, lagi naman akong nanonood pero patago. Sabi ko nga sa kanya dati ay "Day off" ko ang mga concert niya. Kita ko ang kaba niya habang nasa entablado, dati kasi bago siya sumalang ay lagi siyang nagpapalambing. Yakap at halik lang ang sagot at okay na siya. Ngayon ko binabalak na kausapin siya, pero sana bigyan ako ng lakas ng loob mamaya na makaharap siya.

Patapos na ang show ng biglang marinig ko ang tunog ng kanta na importante para sa amin dalawa. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay pakiramdam ko rinig na ng katabi ko ang puso ko. 

I guess you've heard

I guess you knowIn time, I might have told youBut I guess I'm too slow


Tuluyan namang tumulo ang mga luha ko at naalala ang unang beses na kinanta namin yan.

Flashback:

Kasalukuyan akong nagpipintura sa kwarto namin sa bagong bahay samantalang nagliligpit naman siya ng mga gamit at nililinis ang mga kalat. Napahinto ako ng maramdaman ko na binack-hug niya ako.

"Bakit hon? May kailangan ka ba?"

"hmmm? Wala. Namiss lang kita."

"Aysus, parang hindi tayo magkasama ah" pangaasar ko. Agad naman niyang tinanggal ang kamay niya at tumalikod para lumayo. Napikon ata.

"Huy hon, joke lang" hinila ko siya at kinulong ko sa mga bisig ko. Napakaswerte ko talaga sa babaeng to. Hinalikan ko naman siya ng paulit ulit hanggang marinig ko ang napakalakas niyang tawa

"Tsansing ka ah!" patawa niyang sabi. 

"Sayaw tayo?"

"Ha? Wala namang tugtog?"

"Ako bahala" niyakap ko naman siya at sumayaw kami ng mabagal habang kumakanta ako.

But you were there
You were everything I'd never seen
You woke me up from this long
And empty sleep
I was alone
I opened my eyes
And you were there


Present Day

Halos hindi ko namalayan na tapos na pala ang show. Agad agad akong tumayo at tumungo backstage. Hinintay ko muna na mabawasan ang mga tao bago ako tumuloy sa dressing room niya. Pagdating ko sa harap ng pinto ay para akong naestatwa. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at kumatok. Nakarinig naman ako ng mahinang Pasok.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad siya sa akin. Nakapantalon at tshirt nalang ito at natanggal narin niya ang make-up niya. Agad agad naman lumabas ang mga kapatid niya sa kwarto at iniwan kaming dalawa. Nabalot naman ng katahimikan ang kwarto.

"Upo ka " umupo naman ako sa harap niya at pinagmasdan lang siya

"Kamusta kana?" tanong ko

"Okay lang naman, medyo hectic nga lang ang schedules ko"

Katahimikan ulit

"Um, Martee. Hindi ko alam kung pano uumpisahan ito" tumango lang naman siya para sabihin na ipagpatuloy ko lang ang gusto kong sabihin

"Sobrang laki ng kasalanan ko sayo, nasaktan kita sa paglisan ko. Pero sana maintindihan mo na kinailangan kong umalis. Mahal kita, Martee. Mahal na mahal. Kaya lang ayoko na balang araw ay magiba nalang ang pakikitungo ko sayo. Ayokong isipin mo na hindi ka enough kasi  para sa akin ikaw ang buhay ko. Umalis ako kasi ayokong akuin mo din ang responsibilidad na buuin ako. Ayokong dumating ang punto na ikaw ang susuko at iiwan din ako."

"Kaya ka ba umalis dahil lang diyan? Lance naman! Handa akong tulungan ka sa mga panahon na yun. Pinipilit kitang sabihin sa akin kung saan may mali, saan may problema para lang maayos natin. Pero hindi. Ikaw ang unang sumuko, ikaw ang umalis. Ikaw ang nangiwan!"

Parehas na kaming umiiyak sa mga oras na ito. Nawasak na naman ang puso ko ng makita ko ang pag iyak niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya ganito ngayon. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nung una ay akala ko hindi siya papayag pero hinayaan lang niya ako na yakapin siya. Lumipas ang ilang minuto ay kumalma na kami. Inangat ko ang ulo niya at tinitigan siya habang hawak ang pisngi niya.

Sana sa susunod na panahon pwede pa, sana sa susunod tayo ulit. Mahal na mahal kita, Martee. Sana balang araw mapatawad mo ko hinalikan ko ang noo niya sa huling pagkakataon at lumabas na. 

Hanggang sa susunod kong buhay, mananatiling ikaw parin ang laman ng puso ko.













Sa aking paglayag, tiyak ika'y masasaktan hangad ko'y maintindihan na sa tamang panahon, hinding-hindi na iiwan kung 'yong pagbibigyang muli


ImaginesWhere stories live. Discover now