Saglit

88 4 0
                                    


"Ang daya mo naman eh, sabi mo lalaban ka. Sabi mo pa nga babalik tayo ulit ng Zambales diba? Bat ka sumuko agad hon?"  wika niya habang hawak ang kanyang kamay na ngayon ay malamig na. Hinahaplos naman ng isa niyang kamay ang pisngi nito na para bang kinakabisado ang bawat sulot ng mukha. Ang mga pisngi na dati ay mamula mula ay napalitan na ng putla. Ang malalambot niyang labi ay naging kulay asul na. 


"Hindi ko ata kaya, hon."






Lumipas ang ilang buwan ay hindi parin niya magawa umuwi sa bahay na tinirhan nilang mag asawa. Sa bahay ng kaibigan niya siya muna nakikituloy. Halos hindi siya kumakain at tila ba nawalan na ng gana mabuhay. Sobrang nag aalala na ang mga magulang at kaibigan nito dahil kahit pati ang mga business niya ay napabayaan na niya. Mabuti nalang talaga ay sinalo muna ng magulang niya ang pag handle ng mga ito.

Nawala naman sa pagkatulala si Lance ng may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto pero hindi niya ito pinansin hanggang sa nagkusa nalang pumasok sa loob ang kanyang kaibigan.

"Pare, ano ka ba. Tignan mo nga yang sarili mo!  "

Tingin lang ang binigay niyang sagot

"Sa tingin mo ba matutuwa si Martee na nagkakaganyan ka? "

Katahimikan. Dahil wala siyang makuhang sagot sa kaibigan ay naisipan nalang niyang lumabas ng kwarto. Habang nakaupo si Lance sa kama ay nilalaro niya ang sing-sing na nasa daliri niya. Maya-maya ay napagisipan niya na siguro ay dapat na siyang umuwi sa bahay nila. 



Nasa harap na siya ng pinto ng bahay nila, nang makaipon na siya ng lakas ng loob ay binuksan na niya ito. Pag pasok niya palang ay bumungad na agad ang litrato nilang mag asawa nung araw ng kasal nila. Umupo siya sa sofa at nilibot ang tingin.  Parang pinaglalaruan siya ng utak niya dahil kahit saang sulok niya ibaling ang tingin ay nakikita niya ang asawa niya. 

Pinapanuod lang niya ang lahat ng paglalaro ng utak niya. Pag tingin niya sa piano ay nandun ang asawa na tumutugtog at kumakanta. Tumayo siya at nagtungo sa kusina at nandun ulit ang asawa niya abala sa pagluluto. 

"Hon? " mahina niyang sabi. Lumingon naman ang asawa niya at nasilayan niya muli ang ngiti nito.

"Oh honey, andyan kana pala sakto tapos na ko magluto. Upo kana diyan at maghahain na ko." sambit ng kanyang asawa .Umupo nalang siya at agad naman nilapag ng asawa ang mga niluto. 

"Mga favorite mo yan hon! "Pag mamalaki niya. Pinagmamasdan lang naman niya ang asawa sa harapan niyang pinag sisilbihan siya. Di niya namalayan na umiiyak na pala siya at agad naman ito napansin ng asawa. Tumayo ito agad at lumapit sa asawa.

Agad agad siyang niyakap ng asawa niya. Nakasubsob naman ang ulo nito sa leeg ng asawa at umiiyak lang. Nang mahimasmasan ay pinilit siya patinginin ng asawa sa kanya. 

"Alam kong alam mo na hindi ako totoo. Palayain mo na ko Hon, huwag mo ikulong ang sarili mo sa lungkot. "

"Hindi ko kaya Hon. Hindi ko kayang wala ka."

"Kaya mo, kakayanin mo. Gusto ko lang magpasalamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin, sa pagaalaga mo sa akin sa panahong lumalaban ako sa sakit ko. Hindi ko naman hihilingin sayo na huwag kang magmahal ng iba. Buksan mo ang puso mo at magmahal ka muli hon. Hihintayin kita, hanggang sa muli nating pagkikita. "

Hinalikan naman siya nito at yumakap ulit. ''Paalam na hon, mahal na mahal kita."

Pag dilat naman ng mga mata niya ay wala na ang asawa sa harap niya. 

"Hanggang sa muli nating pagkikita"  sambit niya sa sarili.







-------Pagkalipas ng ilang buwan-------

Dinalaw ni Lance ang puntod ng asawa niya. Ngayon lang siya ulit nakapunta doon simula nung nilibing siya. Umupo ito sa damo at nilapag ang bulaklak na pasalubong sa kanyang asawa.

"Hi Hon, Kamusta kana? Alam mo dumalaw ako dun sa bahay ampunan at kinamusta ko sila Sisters pati narin ang mga bata. Miss na miss kana daw nila at lagi ka daw nilang pinagdadasal. Tas ako na ulit nag hahandle ng business natin tas sila Mom and Dad naman bumalik na ng Amerika. Lagi akong dinadalaw ng barkada sa bahay, napagkwekwentuhan namin yung mga kalokohan mo dati. Tanda mo yung muntik na tayong mapaaway sa Recto? Nung nakita mong dinudukutan yung babae kaya sumigaw ka para mapansin niys. Tas tanda mo nung nagrerenovate tayo ng bahay? Yung nilagyan mo ng pintura yung mukha ko tas naghabulan tayo hanggang sa napagod tayo? " natatawa ito habang inaalala ang kinukwento. Tinignan naman niya ang puntod ng asawa at pinunasan.

"Miss na miss na kita..." biglang humangin ng malakas at para bang niyakap siya ng asawa. 

"Pang hahawakan ko ang sinabi mo hon. Hanggang sa muli nating pagkikita."






















Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako'y di magsisisi
Kahit di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi sa minsa'y sandali kang naging akin







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ImaginesWhere stories live. Discover now