Buhay at Hanapbuhay

21 1 0
                                    

March 16, 2020

kuha ito ni Rainier Mendoza na siyang nakapaskil sa Facebook

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

kuha ito ni Rainier Mendoza na siyang nakapaskil sa Facebook.

Social distancing o hindi makakapasok sa trabaho sa tamang oras? May choice ba ang mga manggagawang uri na nakatali sa trabaho nilang no work, no pay?

Ilan kaya sa napakaraming pasahero ng bus na yan ang pikit matang isisiksik ang sarili nila para makasakay lang? Kahit walang kasiguraduhan kung maexpose ba sila o hindi. Tipong susugal sila na, sana sa biyahe nila papasok sa trabaho ay hindi sila mahawa—dahil gaya ng pagkakasakit, mas matindi nga namang problema sa panahon ngayon kapag nawalan ka pa ng trabaho. Isipin mo ilang tagapagtaguyod ng kani-kanilang pamilya ang na sa loob niyan? Ilan ba ang regular na empleyado sa bus na iyan? Eh ang mga kontraktwal na lulan niyan? Ilan nga ba ang nakasakay diyan ang hindi nangangailangan ng pera?

Sabi ni Panelo, hindi naman nakakamatay ang gutom for 30 days. Hindi ko alam kung handa niyang itaya ang lahat ng kayamanan niya sa tinuran niya. Ang alam ko lang, we are not taking our chances. Hindi natin hahayaang magutom ang mga sikmurang nakakabit sa bituka natin. Maski isang araw.

sabay para ng pampublikong sasakyan na paparating

"Punuan pero pwede na siguro 'to. Laban na 'to. Mahuhuli na ako sa trabaho."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Teka nga, wait, sandali!Where stories live. Discover now