3

15 1 0
                                    

Blue's POV

*Knock knock*

Ayan na ata si Paris! 

Nagkandaripas ako ng takbo at binuksan yung pinto. Nakita ko si Paris na naka tuxedo na.

Dere deretso lang itong pumasok sa loob.

"So, did you like this room?" Tanong niya habang naupo sa couch.

"Oo. Ayos lang. E bakit ba kasi tayo andito??" Pagtataka ko.

"You will stay here for as long as you want. You don't have to worry about paying anything. All the foods you order here and eat downstairs are already payed. " Sabi nito.

"Hindi talaga. Wala talaga akong pambayad kahit sayo. Hindi ko alam kung pano ko susuklian." Sabi ko pa rito.

Tumayo ito at humarap sakin. Tinignan ko naman ito ng deretso.

"You saved my life back then. I owe this to you. And like you said before, we're friends." Nakangiti nitong sabi.

Ay jusko ayan nanaman yang ngiti niya! Narurupok ako.

"Pero---"

"Please don't refuse this. You can stay here as long as you want or until you find yourself a new apartment." Dagdag pa nito.

Tama siya, kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Wala na rin naman akong ibang matutuluyan.

"Sige. Pero utang to ha. Babayaran kita promise! Kaso, hulugan lang. " Sabi ko rito.

"I'm not charging you. It's all on me. Don't worry about it." Sabi nito.

"I'm hungry. Let's go downstairs."

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila palabas. Pumasok kami sa elevator. Pinindot niya yung button at saka sumarado.

"You'll love their buffet area. You can eat as much as you want " nakangiti nitong sabi.

"Teka, ikaw ba talaga may ari nito??" Pagtataka ko.

"Why do you think its named 'The Heart Of Paris'?"  Nakangiti nitong sabi.

"Grabe, sobrang yaman mo siguro." Mangha kong sabi.

"Yeah, kinda. "

Bumukas naman yung pinto. Lumabas na kami at dumeretso sa buffet area. Halos lahat ng staff ay napaoatingin samin---ay kay Paris pala. Hindi dahil siya yung may ari, pero ubod rin ito ng pagka pogi tsaka malaki rin ang katawan. Sino bang hindi mapapatingin sakanya.

Ewan ko ba, yung unang pagkikita namin ni Paris, nagwapuhan talaga ako sakanya. Kaya nakakapagtaka kung bakit may babaeng nangiwan sa kagaya niya. Mukha rin naman siyang mabait, yung tipong ibibigay lahat sayo.

Nakahanda lahat sa long table and iba't ibang putahe mula sa ibat ibang bansa. Hindi ako pamilyar sa mga ito. Walang ibang tao sa loob na kumakain, tanging hotel staffs lang ang andito at waitors.

Naglakad kami sa gilid ng long table para tignan Isa isa ang nga putahe

"Bakit parang walang tao na kumakain dito?" Bulong ko sakanya.

"I ordered them to close this for awhile so we could eat alone." Sagot niya

"Hindi mo na dapat ginawa yun. Okay lang rin naman kahit may kasabay tayo." Sagot ko.

"So, what do you want to eat?" Tanong niya. Kumuha ito ng tray na may plato .

Lumapit uli ako sakanya at bumulong sa tenga niya.

"Hindi ko alam yung mga pagkain dito. First time kong makita." Nahihiya kong sabi.

Natawa naman ito.

Lovers in ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon