Kabanata 5...
The moment of Truth
"You shouldn't have come, Savy," with loud music and frisky club lights, Lorideth whispered."Lorideth, narito na tayo." I uttered with annoyance.
Para na s'yang sirang plaka sa paulit-ulit na sana raw ay hindi na ako pumunta, e narito na rin naman ako?!
"Pero alam mo naman na..." medyo tumaas ang boses nito pero natigilan nang titigan ko s'ya nang seryoso. "Okay... You stay here. Promise me you won't drink, and stay near me."
Ngumiwi ako pero tumango na lang.
"Dapat kasi ay sinabi mo na lang sa kanila," nag aalangang anas nito.
I knew that thought's coming.
"Ayaw ko nga. It's unnecessary."
I just don't want to tell them yet. Hindi pa naman sure. Besides, we just graduated. We should celebrate. I don't want to put everything to turmoil. I'll just feel more horrible... weak.
"Oo, hindi ako iinom. Sige na, mag party ka na. Alam kong gusto mo nang magsaya," I rolled my eyes at her.We're seated far away from the crowded part of the bar. Ang iba naming kaibigan ay malamang kung wala sa mga nagsasayaw ay naglilibot sa kung kani-kaninong table. Kami na lamang ni Lorideth ang naiwan dito.
"Hindi na. I'll just stay here,"
I glare at her. "Okay, ako na lang ang pupunta doon." I was about to stand up when she pulled my wrist back to our seat before standing up.
I crossed my arms.
Mukang nagdadalawang isip pa 'to. Pabalik-balik ang tingin n'ya sa'kin at doon sa mga nagsasayaw. Rinig ko ang pag buntong hininga nito.
"'Wag kang aalis dito. 'Wag ka ring iinom, babalik din ako mamaya,"
"Uy, Lori!"
"Sige na, umalis ka na, tinatawag ka na oh? Kahit 'wag ka nang bumalik," I rolled my eyes and rest my back on the sofa.
She just clicked her tongue before walking away.
Kinuuha ko na muna ang cellphone ko para i-text si Ace. Mama might search for me.
Ace:
Anong ginagawa n'yo?
Ako:
Basta sabihin mo na lang kay Mama na kasama ko mga kaibigan ko. 'Wag ka nang mag tanong, busy ako.
Papatayin ko na sana ang phone ko nang mabilis itong nag reply.
Ace:
Baka baby ang gagawin n'yo ha? Ingat.
Nag salubong ang dalawang kilay ko at walang amok-amok nang nai-block si Ace. Bwisit na bata. Hanggang ngayon ba naman ay ipinipilit na iyon?! Muka bang nasa isip ko na ang pagaanak?! God. I just graduated and I'm only 21!
"Savylene?" It was Edward. "I thought you wouldn't come?" Gulat nitong tanong. Sa gilid n'ya ay si Britney na nakasabit ang braso sa kan'yang nobyo.
"Napilit e," I shrug.
Sobrang sama na ng tingin ni Britney sa'kin. Feeling ko anytime, she would splash the liquor she's holding to my face. I don't want to go home dirty.
"You're alone right now, I suppose. Why don't you join us? Malapit lang ang amin diro, right?" He glances at Britney. She didn't answer and just glare at me. Hindi ko alam na may isasama pa pala ang titig n'ya kanina.