Sa unang beses ng ating pag uusap
Napahiya mo ako sa biglaang satsat
Aking dugo'y iyong pinalagablab
Pagkainis sayo'y hindi na kumupas.Sa tuwing tayo ay nagtatalastasan
Unang impresyon sayo'y di malimutan
Buti na lang at ako'y talampasan
Di inintindi iyong katauhan.Sa hindi inaasahang pangyayari
Isang balita na saki'y nagparindi
May estranghero na saki'y nawiwili
Ikaw iyon sagot ng nakararami.Matapos marinig biglang napaisip
Na sinundan ng maraming hagikhik
Pinaulit pa kanilang sinambibig
Tila bagay may sira aking pandinig.Kaganapang iyo'y saglit sinantabi
Sa kadahilanang may 'sang natatangi
Kahit kasaria' y di angkop sa uri
Ito'y bumagabag sakin ng matindi.Nang sumapit ang ikalawang pasukan
Nabigyang pansin na iyong katauhan
Ngunit ako'y nagulumihanan
Pag-ibig mo saki'y bigla ng lumisan.Marapatin mo munang isiwalat ko
At buong pusong magpapakatotoo
Na sa puntong ito di na ako nagbibiro
Natamaan man ng malakas na bagyo.Sige na nga, nagustuhan din kita
Hindi dahil sa mukha mong kaaya aya
Bagkus ako ay biglang isinalanta
Ng mga matitinding pang-aasar nila.Alam ko na hindi ako ang 'yong gusto
Dahil hindi naman ako ang' yong tipo
Pag-iisip ko'y iyo na ring ginulo
Sa loob ng halos labing 'sang linggo.Totoong pangyayari'y nalaman ko na
At ako'y pinaglaruan nyo lang pala
Kahit matagal ko ng naiproklama
Nakisabay pa rin sa lintik na saya.Maling pag-asa na iyong pinatamo
Salamat sa Diyos aking napagtanto
At sa wakas natauhan na rin ako.
Ako, bagong ito, di na papauto.Salamat sa iyo at natuto ako
Na wag basta magtitiwala sa tao
Kahit ito pa'y malapit saking puso
Hinding hindi na ako magpapaloko.Sana nga'y hindi na ako makatagpo
Ng mga kagaya mong sunod sa tukso
Na gawin akong isang malaking biro
Sa harap at likod ng maraming tao.