Simula

0 0 0
                                    

Simula

Life is too short, kaya habang buhay pa tayo, wag naging sayangin ang buhay natin sa pag iisip ng mga problema, problems are necessary in our life, araw-araw may problema tayong dumarating. Araw-araw tayong may papasanin sa buhay.

Ang problema nandyan lang yan palagi, hindi yan nawawala. But the happiness and fun...Minsan lang. Kaya kung dumating man ito. Might as well go and grab it.

Katulad ngayon, I'm here at the Mall strolling with my friends, kakatapos lang ng klase namin ngayong araw, it was so stressful so we decided to came here at the mall to relax.

Para naman mabawasan ang kabigatan ng ulo namin dahil sa mga mabibigat na lesson din pumapasok dito

Nakakahilo.

"Still no sign of your husband Jules?" My Friend Alison ask

I sigh before answering "nope, but I don't really care anymore" I shrugged my shoulder off and continue to look around.

Hindi masyadong crowded ang mall ngayong araw siguro dahil hindi naman weekend at may mga klase at trabaho din ang mga tao.

"Siguro pangit yung asawa mo, kaya ayaw mag pakita" sambit ni Chesca, kaibigan ko rin, apat kaming mag kakaibigan pero kaming tatlo lang ang nandito sa mall ngayon, busy kasi si Tiffany, at may klase parin siya. Iba kasi ang schedule namin eh at iba-iba rin ang course.

Nag kataon lang talaga na pareho kaming vacant tatlo nila Alison at Chesca, kaya mag kasama kami ngayong tatlo. Buti na rin yun para hindi ako mag isang mag lalakad dito. Boring kaya

"Siguro Bes, matanda na rin yun at nahihiya siyang mag pakita" napailing nalang ako dahil sa mga theory nila. Pang ilang ulit na nilang sinabi sa akin yun, pero hinayaan ko nalang.

Minsan napapaisip din ako, kung tama ba ang sinabi nila, siguro matandang hukbulan na talaga yung husband Ko o di kaya sobrang pangit.

The mere thought makes me flinch, Jusko wag naman sana po. Maawa po kayo sa akin.

"Iwan ko sa inyo, wala naman talaga akong pakialam kung ano at kung sino siya. Ang akin lang, mag pakita na siya sa akin ng mapag usapan namin ang divorce naming dalawa, tsk " saad ko naman, yun ang totoo. Gusto ko ng makita ang Husband ko para kausapin siya tungkol sa set-up namin, I bet he doesn't like to be married with me as well, ni ayaw nga siguro akong makasama nun, well ayaw ko Rin naman siyang makasama sa ganda kong to?

Tsk!

"Uy, bad yang divorce bes ah"

"Why? Eh sa mata ng batas lang naman kami ikinasal" I answered quickly

"Kahit na, mali parin yun"

Napailing ako at tumahimik nalang, tama naman ang kaibigan ko, mali talaga ang pag didivorce cause it's against the law of God, pero hindi ko rin maiwasang isipin iyon...

Pumunta kami sa isang restaurant dito sa loob ng mall at doon kumain ng lunch, pag katapos nun ay pumunta kami sa sinehan upang manood ng sine.

Umuwi din kami agad matapos iyon, madilim na at makulimlim na ang kalangitan, nag aagaw na ang dilim at liwanag ng makasakay ako ng taxi.

Isang maliwanag ngunit walang kabuhay-buhay na mansion ang sumalubong sa akin pag ka baba ko ng taxi, sandali akong napatitig dito habang naiiling.

Sayang ang bahay nato, napaka laki pero ako at ang mga katulong lang ang nakatira.

Bahay ito ng husband ko, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita. Matapos kong pumirma sa langhiyang marriage contract naming dalawa ay agad akong hinatid ng mga
Tauhan niya dito, wala namang sinabi ang parents ko doon, sila pa nga ang nag tulak sa akin para sumama dito eh.

Di ko lang alam Kung bakit.

Matapos kong titigan ang bahay ay agad akong nag tungo sa gate at pinindot ang doorbell ng isang beses.

Binuksan naman agad yun ng security guard.

"Good evening po ma'am" kaagad na bati ni Kuya Edgar ng makita ako

Mabilis ko siyang nginitian

"Good evening din kuya Edgar" masigla kong bati pabalik, si Kuya Edgar ang isa sa pinaka mabait na guard sa bahay na to, bago palang siya rito nag trabaho, siguro kasabay rin nung pag lipat ko dito.

Ganoon din ang mga maids, lahat Bago, maliban nalang kay Manang Sally, ang matandang mayordoma dito sa bahay.

Matapos kong bumati kay Kuya Edgar ay agad akong nag lakad papasok ng bahay, natanawan ko agad si Manang Sally na nakatayo sa hamba ng pinto.

Sandali akong napatigil sa pag lalakad at napailing nalang, mukhang mayayari nanaman ako sa Malditang matandang to.

"Anong oras na?" Tinaas ni Manang Sally ang kilay niyang mas payat pa yata sa isang piraso na walis Tingting, isang daan ng ahit nalang ang kulang ay mawawalan na siya ng Kilay.

Super strict ang mukha ni Manang Sally habang nakatingin sa akin, ganito siya palagi, kung makaasta ay parang nanay o di kaya amo.

Hayss nandito nanaman tayo.

"Di ko po alam" kibit balikat akong sumagot

Agad na sumipat sa akin ang mala tarsier niyang mga mata, dapat talaga iuwi ko na to si Manang Sally, sa hometown niya eh, Bohol.

"Abay Wala ka bang relo para tingnan ang oras ha?"

"Nakita niyo po bang may relo ako?" Pabalang kong sagot, hindi ko alam.. pinalaki naman ako ng mga magulang ko ng tama, they teach me how to Respect elders pero pag dating talaga kay Manang Sally ay parang nawawala ang lahat ng natutunan ko. ang taray kasi ng matandang to eh di ko matantsa.

"Wala ka talagang galang bata ka! Isusumbong kita kay sir!" I silently mimicked, sa sobrang luma at pabalik balik na dialogue niyang yan, ayon nakabisado ko na.

"Luh, isumbong mo, buti nga yan para umuwi na yung pangit niyong amo dito"

Natigilan si Manang Sally dahil sa sinabi ko

"Hindi pangit si Sir Nikko!" Manang Sally burst out, giving me a dead pan look.

Oh I really hate it when she looks at me like that, parang nakikita ko kasi sa kanya ang tunay na mukha ng tarsier

"Kung Hindi po pangit ang Sir Nikko niyo, edi sana umuwi na siya dito at nag pakita sa akin, langhiya siya!" Sigaw ko at mabilis na nilagpasan si Manang Sally at pumasok na sa loob.

Pero Bago pa ako makalayo ay agad akong huminto tsaka bahagyang nilingon si Manang Sally, na naabutan ko namang nakatingin ng masama sa akin. Kung hindi lang siguro takot sa asawa ko itong si Manang Sally ay baka nasaksak na ako nito ngayon, parang ang laki kasi ng galit nito sa akin eh

"By the way manang Sally, may kalahi ka po ba sa Bohol?" Parang nagulat naman siya sa Tanong ko, hindi niya siguro inaasahan yun lalo na at galing palang kami sa sagutan session namin ngayong araw,  pero kalaunan ay agad itong tumango

"Oo, bakit?" Hahahah binggo, gusto kong tumawa dahil sa naiisip ko.

I will surely go to hell after this!

"Sabi ko na eh, may nakita kasi akong kamukha mo" I bit my lips to suppress my laughter.

"Talaga? Saan?" Parang excited pa nitong sambit.

I smiled evilly before fishing my phone on my skirts pocket, I immediately click the Google app at nag search ng picture doon.

"Ito po oh" sambit ko at ipinakita sa kanya ang picture ng isang tarsier na nakayakap sa sanga ng isang Puno habang nakatingin sa camera, sobrang zoom in nun, at alam kong klarong klaro iyon sa paningin niya.

Kita ko kung paano nag ngitngit sa galit si Manang Sally kaya hindi ko mapigilang matawa. Oh well

1 points for me and zero for Manang Sally, Jules for the win!

"Good night manang" sabi ko pa na may halong pang aasar atsaka kumaripas ng takbo paakyat sa hagdan, tawa ako ng tawa habang tumatakbo, narinig ko pa kung paano sumigaw si Manang Sally sa baba.

"Walanghiyang bata ka!"

I know right...

Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon