Chapter 1

0 0 0
                                    


"Good morning Everyone" malakas na sigaw ko habang patalon, talon na bumaba sa hagdan, sobrang lapad ng ngiti ko, hindi ko alam pero sobrang Gaan talaga ng pakiramdam ko ngayon.

Siguro dahil sa nangyari kagabi, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko, kahit simpleng bagay ay napapasaya na ako.

"Good morning Manang Sally!" Ngiting ngiti kong bati dito, nakita ko pa kung paano siya napalundag dahil sa gulat ng biglaan kong pag sulpot sa kusina

"Wala ka talagang matinong nagagawa sa buhay mong bata ka!" Agad na sermon nito at hinarap ako, nakahawak siya sa kanyang bandang dibdib habang humihinga pa ng malalim, calming herself from startling

"Ikaw naman Manang kay aga- aga ang taas agad ng altapresyon niyo, sige ka baka mas lalong lumaki ang mata niyo niyan" pang aasar ko dito

Manang Sally immediately looks at me with her piercing eyes na sinuklian ko lang rin naman ng isang malapad na ngiti, bakit ba? I'm in a good mood right now kaya walang makapag papawi ng mga ngiti ko kahit si Manang Sally the tarsier pa yan.

"Kung hindi ka lang talaga asawa ng amo ko, nako baka kanina pa kita nasampal'ng bata ka!" nang gagalaiti nitong sambit habang nakatingin sa akin ng masama

I chuckled "ipag timpla mo nga ako ng gatas na Choco ay Choco na gatas pala manang" 

Nalito naman si Manang dahil sa pinag sasabi ko kaya napa kamot ako ng ulo

"Ako nalang nga, baka lagyan mo pa ng lason eh"

May galit pa naman tong matandang to sa akin, baka maisipan pa nitong lagyan ng lason ang inumin ko, nako! Edi mamatay akong hindi man lang nasisilayan ang mukha ng misteryusong asawa ko, kuno.

Mabilis akong nag lakad patungo sa may counter, kumuha ako ng isang tasa para pag timplahan ng Gatas na Choco, ah basta Choco with milk nalang para sosyal.

Matapos kong mag timpla ay agad ko itong kinuha, humarap ako kay manang at sumandal sa counter

"Ilang taon na kayong nag tatrabaho dito manang?"

Napatingin si Manang si akin, yung tinging naninimbang, parang hindi ata makapaniwala na tinanong ko siya ng nga ganitong bagay.

Oh well, it's my first time to ask her anyway, ngayon lang rin ako makipag usap ng matino sa kanya, kasi most of the time palagi talaga kaming nag babangayan, halos sa isang taon kong paninirahan ko dito sa mansyon ng amo niya ay ngayon ko palang siya tinanong ng ganito.

Wala lang, ngayon palang kasi ako naging curious eh.

"Dalawang decada na" she answered tsaka kinuha isang gulay na green na kulubot ang balat, I think its a bitter gourd. Ang mapait na gulay.

"That long?" My eyes widened in surprise, wow...grabe naman pala ang loyalty nitong si Manang Sally, hindi Biro yung twenty years niyang pag tatrabaho dito ah!

"Ouh, tsaka mabait naman ang mga Tuazon, swerte ko nga at sila ang naging amo ko eh"

"Talaga manang?"

"Ouh, ikaw lang nga ata ang malditang amo dito eh"

Napasimangot agad ako dahil sa narinig, grabe tong manang Sally na to ah, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, napaka straightforward mag salita, ayos din to ah. Parang hindi niya ako amo.

"Grabe ka sa akin manang ha, kala mo naman mabait ka rin sa akin" tumungga ulit ako ng Choco na gatas mula sa baso ko

"Paano, eh pinapataas mo ang altapresyon kong bata ka" Singhal nito habang tumataas nanaman ang malnourish niyang Kilay, medyo napangiwi pa ako habang nakatingin doon.

Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon