Chapter 1

17 5 0
                                    

Lavender's POV

"Hoy Lavender! pansin ko kanina ka pa tulala sa klase " usisa ni Kathy sakin habang papunta kaming cafeteria.

"Ah ayun ba puyat lang ako tsaka ang boring mag turo ni Mr. Pancio." pagdadahilan ko kay Kathy dahil alam ko na hindi nya ako titigilan.

Napansin kolang kasi this past few days nagiging cold sakin si Clyde.

Clyde is my long time boyfriend mag cecelebrate na kami ng 5th anniversary nextweek.

Gusto ko maexcite pero mas nangingibabaw ang pag iisip ko kung bakit ang cold nya saken.

"Weh true mamatay ka man yun talaga ang dahilan?" Ang kulit talaga ng babaeng to kahit kelan.

"Oo nga wag kana makulit!" pagkasabi ko non ay inirapan ko sya para malaman nyang naiinis na ako.

"Oh sya hindi na kita pipilitin alam ko namang may dinadamdam ka ayan jowa pa!" Aba't nang asar pa ang gaga.

"Kasi naman Kathy eh si Clyde ang cold sakin!" Niyugyog ko sya sa balikat at ngumawa ng parang bata.

"ARAY!!!" binatukan ako ni kathy ng malakas napadaing nalang ako at nakaagaw atensyon sa mga estudyante na nadaan.

Inirapan nya ako at nag umpisa ng mag sermon "Baka naman kasi may ginawa ka? Gaga ka pa naman oh kaya busy lang sa surprise para sa anniversary nyo haha".

"Eh Kathy wala naman akong ginagawa e! Tsaka hindi naman kami nag aaway baka nga may babae na yon Kathy huhu hindi ko kaya!!"

"Wag ka ngang nega sabunutan kita dyan e!" Nanahimik nalang ako at hindi na muli inisip ang cold treatment sakin ni clyde.

Tama si Kathy nega lang ako hay nako Lavender! Gumagawa ka ng sariling pampastress.

Natapos na ang klase at inaantay ko na ang sundo ko. Masyado kasing strict si na daddy kaya kahit College student na ako hatid sundo pa din ako.

Nauna na si Kathy sakin dahil may lakad daw sya, sasamahan ko sana sya pero ayaw nya kaya hinayaan kona lang.

Maya maya nakita kona si Manong Luke at sumakay na ako sa aming sasakyan.

Habang bumabyahe ako pauwi nahagip ng mga mata ko ang pulang kotse ni Clyde.

"Manong Antonio can you please follow that red car? wag muna tayo umuwi." Aangal pa sana sya pero sabi ko ako ang bahala sa kanya.

Tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang Mall. Hindi na ako bumaba ng sasakyan dahil baka makita nya ako.

Nagtaka ako kasi bakit hindi pa sya napasok sa loob sino pa kayang iniintay nya?

Maya maya pa ay may dumating na babae at sinalubong sya nito ng yakap at halik.

Teka parang pamilyar saken yung babaeng kasama nya. Pinagkatitigan ko ng mabuti ung babae at laking gulat ko na si Kathy ito!

Yung kaibigan ko na pinagkakatiwalaan ko! Ay pinagtataksilan ako kasama ang boyfriend ko.

"Manong t-tara na pong u-umuwi" pinipilit kong gawing normal ang boses ko pero nabigo ako.

"Maam okay lang po ba kayo?" Tanong nito sa akin.

"Ah opo tara na baka hinahanap na ako nina mommy"

Ligtas akong nakarating sa bahay pilit kong pinipigil ang pagpatak ng luha ko pero hindi ko nagawa. Nang makapasok ako sa bahay agad kong hinanap si mommy at niyakap ito.

"Oh do you have a problem? Why are you crying Lavender?" Agad na tanong nito sa akin.

"M-Mommy I s-saw Kathy and Clyde magkasama sila at mukhang may relasyon sila." Habang sinasabi ko iyon ay tuluyan ng bumuhos ang aking luha.

Wish You We're HereWhere stories live. Discover now