Chapter 2

7 1 0
                                    

Lavender's POV

Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Clyde ay sumakay na ako sa sasakyan at agad na nagpahatid sa school.

Habang nasa byahe ako hindi ko mapigilang hindi maiyak hindi ko maalis sa sarili ang pagtatanong kung saan ba ako nagkulang? Dahil sa katahimikan binuksan ni manong tonio ang radyo.

At parang nananadya talaga ang tadhana dahil ang tugtog na iyon sy naayon sa sitwasyon ko haha.

At kung masaya ka sa piling nya hindi kona pipilit pa~

Ang tanging hiling ko lang sa kanya~

wag kang paluhain at alagaan ka nya~

Ba't di ko naisip na mayroong hangganan~

Ako ang nauna, pero sya ang wakas~

"Manong pakipatay naman po ng radyo" agad nyang pinatay ito. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Siguro nga ako yung nauna pero hindi ako ang wakas nya.

"Ma'am andito na po tayo" hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa school. Dali dali akong lumabas tumungo na kung saan ang aking classroom.

Nang papasok na ako sa room namin ay nakita ko si Kathy sa hallway. Nang makita nya ako ay agad syang lumapit sakin at bumeso.

Tipid akong ngumiti sa kanya, hindi ko pa alam kung paano ko sya pakikisamahan matapos kong malaman ang lahat.

"Lav? May problema ba? Tsaka bakit ka naka shades ha? Loka ka ba?" Sabi nito sa akin pero hindi sya sya pinansin ay nag deretso nalang ako sa loob ng classroom at umupo na.

Patuloy lang syang nagungulit sakin tumigil lamang sya ng dumating na ang aming teacher.

Lakas naman ng apog nitong kulitin ako parang hindi nya ako pinag tataksilan ah very nice.

Nag umpisa na ang klase pero wala akong maintindihin. Masyadong okupado ang isip ko sa mga nalaman ko kahapon.

Nang matapos na ang klase ay dali dali akong lumabas agad naman syang nagtaka dahil kadalasan ay lagi ko syang inaantay.

Agad nya naman akong hinabol patuloy lang ako sa paglalakad habang naglalakad ako ay may naririnig akong bulungan mula sa mga estudyante.

"Diba sya umyung Lavender? Yung pinagpalit ng boyfriend sa kaibigan nya?"

"Haha kawawa naman kung tutuusin ay mas maganda si yung bestfriend nya kaysa sa kanya"

Patuloy lang ako sa paglalakad habang naiyak. Kalat na pala sa buong school haha.

Kung makapag bulungan sila ay parang wala sa harapan nila yung pinag uusapan nila tsk.

Hinarap ko yung dalwang nagbubulungan "OO NA AKO NA YUNG IPINAGPALIT NG BOYFRIEND SA BESTFRIEND KO HAPPY NA KAYO?!"

Pagkatapos non ay nilagpasan ko na sila, nag aaksaya lamang ako ng oras sa kanila.

"LAVENDER! TEKA LANG HINTAYIN MOKO!" narinig ko ang sigaw ni Kathy mula sa malayo. Tumigil ako sa paglalakad at inantay sya.

Tatapusin ko na itong lahat ayaw ko syang mag mukhang tanga sa pag kukunwari sa akin at ng nakalapit na sya ay agad nya akong konimpronta.

"Hoy babae iniiwasan mo ba ako? Kakainis ah kanina pa kita tinatanong e may problema ba??" Inis nyang sabi sakin.

Gusto kong matawa sa kanya haha pucha bakit ang galing mo umarte?

Tiningnan ko sya ng walang bahid na expression sa mukha. "Tinatanong pa ba yan Kathy? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit ako ganito?"

Wish You We're HereWhere stories live. Discover now