Chinwag

1.7K 36 5
                                    

"I hate you for not saying na dumating ka na pala sa pinas, I still hate you for leaving us and I hate you because of what you've done to Karylle" Rinig kong sabi ng isang babae, kaya napalingon ako at nang makita ko siya ay niyakap ko ito

"Anne!!!" Sabi ko when I pull away from the hug "Hate na kung hate, pero may alam ka ba tungkol kay Karylle?"

Napakunot naman ang noo niya at lumakad palayo papunta sa sofa, kung saan nakaupo si Billy at Vhong na kumakain at hindi man lang pinansin si Anne kaya binatukan niya ang dalawa "Wala kong alam. Last na pagkikita naman nung nag-file siya ng resignation sa Showtime at sa pag-aartista niya, nagtatampo na nga rin ako sa kanya, pero naiintindihan ko siya. Hindi tulad sayo" Sabi niya at inirapan ako, napa-sigh na lang ako

"Anne, I'm sorry. Sana maintindihan mo din ako, yung ginawa ko din naman ay para sa kaligtasan niya eh"

"Kung sinabi mo na lang samin vice, edi sana natulungan ka namin. Pamilya nga tayo diba? Pamilya." Sabi niya, emphasizing the word 'Pamilya'

"Sus! Nagiinarte lang yang si Anne, kunyari galit sayo. Napatawad ka na niyan, Viceral" Sabi ni Billy habang ngumunguya

"Ugh!! Napatawad nga kita pero sa ginawa mo kay Karylle? No!" Sabi niya habang umiiling "Speaking of Karylle, Pinatawag niyo ko dahil sa kanya. Why?"

"Nakita siya ni Vice" Sabi ni Vhong at kinagat ang chicken na hawak hawak niya

Nagulat naman si Anne at tinignan ako "Is that true? And then, what happened?"

"Hindi niya ko maalala, pati si Billy at Vhong, hindi din." Sabi ko at umupo sa tapat ni Anne "Kaya ka namin pinapunta dito baka may alam ka. Sabi niya kasi, na aksidente daw siya at na apektuhan ang ibang part ng brain niya kaya She's suffering from Amnesia" Sabi ko

"Hindi ba dapat, issue agad yon? Kung na aksidente man lang siya?" Tanong ni Anne habang nakahawak sa chin niya

"Eh diba nga, hindi na siya artista" sabi ni vhong at uminom ng tubig na kinuha niya sa coffee table

"Kahit na din, syempre kilala padin si Karylle non. Galit lang yon" Sabi ni Anne at tinignan ako "Galit sayo" Tinuro niya ko at tinaasan ng kilay

"Yun nga din sabi ko sa kanya" Sabi ni billy habang pinupunasan ang kamay niya ng tissue dahil puro oil

"Baka din naman may Kasamang Boyfriend" Sabi ni Anne, emphasizing the word 'boyfriend' at inismiran ako

"Yun nga din sabi ko sa kanya" Sabi naman ni Vhong at napa-burp sa sobrang busog "Excuse me"

"Oh eh nasabi na pala lahat eh, bakit pa tayo nag-uusap" Sabi ni Billy kaya tumawa naman silang tatlo samantalang ako ay nakikinig lang sa kanila at nag-iisip pa din

"Eh paano kung totoo?" Tanong ni Vhong "Sabihin mo ng totoo diba? Sino satin dito nagkakilala, may amnesia?" Napatingin naman ako kay Vhong

"Wala, pero hindi ibig sabihin na hindi totoo" Sabi naman ni Billy

Nagkaroon naman ng katahimikan "Amnesia is a severe blow to the head or a traumatic experience" Sabi ulit ni anne, emphasizing the word 'traumatic' at tinignan ako

"Sabi niya naman, na aksidente siya eh. Siguro nabangga" Sabi ni Vhong "Diba brad?" Tanong niya sakin pero hindi ako umimik "Pero katulad nga ng sinabi ni Billy dapat issue na agad yon. Imposibleng walang nakakita kay Karylle kung nabunggo man siya."

"Baka nabagok?" Tanong naman ni Billy at nag-chuckle

"Ni hindi nga mukhang na aksidente, ang ganda parin kaya ni Karylle" Sabi ni Vhong at tinignan ako "Diba?"

Story of My Life||ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon