Tragedy

1.4K 31 2
                                    

"Hi po, ate Vice" Sabi ni lalaine na nakaupo ngayon sa may mesa. Kahit naman alam nila na kami na ni Karylle eh ate parin ang tawag niya sakin.

"Kain po" Sabi naman ni Jackie habang ngumunguya

"Sinong nagluto niyan?" Turo ko sa Pansit na may gata?

"Si Ma'am K-"

"Hi babe!!!" Sabi ni Karylle na kakalabas lang sa may kitchen "Oh my god! Anong nangyari sayo? Bakit ganyan mukha mo? Nakipag-away ka ba?" Sabi niya habang hawak hawak ang chin ko at tinitignan ang sugat na nasa gilid ng labi ko

"Wala lang to" Sabi ko at umiwas

"Anong wala lang? Halika nga sa kwarto mo, gagamutin natin yan. Ate jackie, pakikuha naman ako ng first aid kit sa may cabinet at bimpo narin na may yelo"

"Wag na Karylle, okay lang ako" Pinandilatan naman ako ni Karylle

"Sabi ko nga tatahimik na" sabi ko at napakamot na lang ng ulo

+++

"Aray!" I say and tilt my head nang madampi ni Karylle ang bimpo na may yelo sa gilid ng labi ko

"Ano bang nangyari sayo? Nawala lang ako saglit ganyan na nangyari sa mukha mo."

"Aw!" Sabi ko ulit because of pain

"Nangagamoy yosi ka pa at alak, ano bang ginawa mo? Hindi na ko natutuwa vice" pero hindi ako sumagot tinignan ko lang siya habang dinadampi saglit ang bimpo

Magsasalita pa sana siya kaso bigla ko siyang niyakap na ikinagulat niya pero yumakap din siya pabalik

"Huy! Ano bang nangyayari sayo?"

"Mahal na mahal kita Karylle"

"Mahal din na mahal din kita. Okay ka lang ba?" Sabi niya at nagpull away sa hug

I nod "napaaway lang ako sa bar. stress na stress na kasi ako. Sorry"

"Tsk. Sa susunod please stop that? Ayokong nasasaktan ka at ayokong nagkakaganyan ka." Hinawakan niya ang chin ko at dinampi ulit ang bimpo "Kawawa na nga mukha mo, kakawawain pa lalo" She says with a chuckle

Kinagat ko naman tenga niya kaya umiwas siya at tumawa

+++

"Asan si Karylle? Diba kasama niyo lang siya kanina? Diba sabi ko wag kayong hihiwalay sa tabi niya? Ano bang mahirap gawin sa inutos ko?!" Sigaw ko sa mga bodyguards na nagbabantay kay Karylle

"Sir, lumabas lang po siya para mag- garden sa labas eh tapos nawala po bigla"

"What an excuse! Hanapin niyo siya ngayon din" Sabi ko na halatang hindi na mapakali

"Kalma lang meme, malay mo may binili lang si Karylle." Sabi ni Russ habang hinihimas ang likod ko

"Hindi mo naiintindihan"

"Ano bang problema meme? Nakakapagtaka lang na kailangan pa niya ng body guards ha!" Sabi naman ni Aaron

Napa-iling na lang ako at napa-upo "Hindi ko kayang mawala si Karylle" Sabi ko habang napapaluha na "Hindi pa siya pwedeng mawala"

Makalipas ang isang oras nakabalik na ang mga bodyguards na pawis na pawis at hingal na hingal kaya napatayo ako agad

"Ano nahanap niyo ba?"

"Wala po eh, hinanap po namin sa buong village kaso wala po talaga" Pagkasabi na pagkasabi ng isang guard yon, tumunog ang cellphone ko. Umakyat muna ko and I quickly answer the phone

Story of My Life||ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon