Prologue

8 0 0
                                    

"Ardrei!" malakas na pagtawag sa akin mula sa kaibigan kong Oso, si Prixter. Hindi ko pinansin at kaagad hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng tugtog kasabay ng mga taong wala sa kani-kanilang mga sarili.

Tila lunod sa alak, at sumasabay sa bawat tugtog ang pag indayog ng kanilang mga katawan.

Tangina ngayon ko lang ulit naranasan uminom nakakamiss rin pala, bakit kasi ang bait kong anak?

Naramdaman kong may humigit sa braso ko at tumama ako sa dibdib ng isang lalaki. Kahit malabo ang paningin ko dala ng kalasingan naaninag kong numiti ito.

"Hi! I'm Jayson" pagpapakilala nito sabay higit sa bewang, kaya naramdaman ko ang bagay na tumatama sa tiyan ko. Kaagad kong ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg at ngumiti.

"Hi I'm Louise!" sigaw ko mula sa tenga niya dahil malakas ang tugtog mula sa loob ng bar na ito. May sinsasabi pa ito ng bigla akong hablutin ni Prixter

"Teka ano ba!" maktol ko sa kanya, minsan na nga lang may lumandi sa akin may eeksena pa. Tangina!

"Pahiram muna ako sa kaibigan ko! Balik ko sya sayo mamaya" Narinig kong sigaw ni Prixter sa lalaking kausap ko habang papalayo kami sa kumpulan ng mga tao.

Nilingon ko pa ito at naaninag ko pang kumaway bago sya maglaho sa aking paningin.

Unti-unting dumilim at napunta ako sa sulok at natanaw ko ang aking mga kaibigan na masayang naglalaro ng bodyshot.

"Shuta ka Prixter! Ano bang gagawin ko dito papanoodin kayo maglawayan ng katawan?" bulyaw ko sa kaibigan ko sabay salampak sa sofa at uminom ng alak.

"Lasing ka na Ardrei, kaya magtigil ka dyan!" napailing na lang ito bago lumapit sa paparating na grupo na di ko naman kakilala.

Kung kelan party na party ako saka naman nila ako pagbabawalan! Nakakaasar naman tong mga to tapos kung kelan ayaw ko uminom saka sila mamimilit ewan ko ba wala na akong suutan sa kanila.

Lumakas lalo ang hiyawan sa table namin ng usa isang umupo yung mga bagong dating na gunggong. Sino ba tong mga to? Dami talagangg kakilala ni Prixter kala mo lagi tatakbong konsehal.

Nawala na ako sa mood kaya nilaklak ko na lang yung alak na nasa harapan ko.

Lumakas muli ang sigawan ng mga kaibigan ko at walang anu-anoy hinigit naman ako ni Ceryl.

"Ilalaban ko tong bataan ko sa bodyshot! Magaling to dumila!" mas lumakas ang unggong ng hiyawan ng makatayo ako sa harapan ng lalaking eto.

Habang papalapit ako e bigla akong may naamoy Bakit parang pamilyar yung amoy na iyon?

Tila nawala ang aking pagkalasing ng maamoy ko ang pabangong iyon. Tangina sana hindi sya. Bigla akong nahilo at napahawak sa dibdib nitong napakatigas. Shutaaa mukhang winwin ako ngayon ah.

"Ey, mukhang lasing ka na. Ceryl quit na kami nitong partner ko mukhang lasing na e!" sigaw ng lalaking nasa harap ko.
"Naglalasing lasingan lang yan! Para mascore sayo" Tangina Ceryl apaka daldal mo! Narinig ko hiyawan ng mga gago kung sino man sila mga pakyu sila.

Narinig kong kumuda pa si Ceryl sinasabi kung anong gagawin namin, na curious ako sa lalaking nasa harap ko bakit parang di pa ako kinakausap napaka mahiyain naman nito ako na nga magfifirst move. Inangat ko na ulo ko para makita sya dahil may katangkadan ito sa akin, ngunit bigla dumilim ang aking paligid.

"So maglalaro tayo bodyshot pero naka blind fold." Lintek, paano na to nawawala kalasingan ko sa mga kapokpokan na ginagawa ni Ceryl shuta!
"At bago tayo mag start, paikutin na  ang kani-kanilang katapat." pagpapatuloy ni Ceryl.
"Ceryl ayus ayusin mo to kung gusto mo pang umuwi ng buo mukha mo!" sigaw ko rito.

Kasabay ng malakas na hiyawan at tugtog, ramdam ko. Ang mga paa umiikot mula sa harapan ko at napagtantong nasa malaki kaming bilog na mala trip to jerusalem.

"Stop! Now take it off"  signal ni Ceryl at ramdam kong tumigil ang mga yabag mula sa aking harapan.

Hayop tong mga barkada ko kung ano ano pinapagawa.

Naramdaman kong may nagtindig sa akin at naamoy ko ang pabango ng kung sino man ang nasa harapan ko.

Tangina eto na naman ang pabangong iyon. Bakit kaamoy nyaaa fck!

"Ready, Set, Go!" Signal ni Ceryl at nagsimula na akong himurin ang asin sa katawan ng lalaking nasa harap ko, damn! Bat ang sarap ng nipples nyaaa!
"Ugh, fck" mahinang bulong nito pero sapat na para marinig ko, ang hayop nasarapan sa ginagawa ko. Kaagad na may nag abot sa akin ng shotglass at ininom ang tequila ng may piring.

"Sabi ko na e! Maggaling tong bata ko" Sigaw ni na Ceryl kaya napatanggal na ako ng aking piring kasabay nito ang pag tanggal din ng aking partner.

Hindi kaagad ako nakaimik ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Tigalgal kong pinagmamasdan ang lalaki sa harap ko habang nagsusuot ito ng tshirt nya.

Napatingin ito sa akin at nag tama ang aming mga mata.

Walang emosyon.

Tangina ba't ganon? Bakit ngayon pa? Bakit sya pa? Sa dinami dami ng makakapartner ko bakit ikaw pa?

Parang hindi nya ako minahal at kilala, kaagad rin niyang binawi ang pagkakatitig sa akin at bumalik sa kanilang pwesto.

Kaagad akong inakbayan ni Ceryl at pinaupo habang hawak niyang pera na premyo ko sa ginawa nilang laro.
Madami pa itong sinasabi pero At hindi ko naiintindihan at nanatili akong nakatitig sa kabilang table

Ang mga matang iyon. Mga matang hindi ko lubos akalain na magtatagpo kami. At dito pa, sa kung saan andito ang mga kaibigan ko.

Nakikita ko mula sa aking tapat habang natatamaan ng sumsayaw na ilaw ang kanyang mukha.

Ang kanyang kulay brown na mata.

Ang kanyang labi.

Ang kanyang mga ngiti

Tumatawa pa ito habang nakikipagusap sa  mga tropa nya. Ng lumingon ito sa direksyon ko at uminom ng beer na kanina pa niyang hawak.

Nahulasan ako bigla, at napatakbo na lamang palabas. Narinig ko pa ang sigaw ni Ceryl at Prixter pero kaagad akong nakalabas ng Bar.

Bakit bakit hanggangg dito? Bakit hindi kita matakasan Jeremiah?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe There's A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon