Pagbati!
Bago ang lahat, nais kong humingi ng paumanhin sa hindi maayos at hindi kaaya-ayang estruktura ng teksto at bawat pangungusap. Marahil ay may iba rito na naka-saad nang pa-pormal o impormal. Hindi ko alam kung paano ito pananatilihing iisa sapagkat ito lamang ang naiisip kong paraan ng pagsasalaysay. Muli, paumanhin.
Nais ko ipabatid na lahat ng pangalan ng tao at lugar na nabanggit ay piksyunal, ngunit hindi nalalayo sa katotohanan ng kwento. Sa kabilang dako, ang mga pangalan ng produkto at ang mismong nilalaman ng kwento ay ang mga repleksiyon at mga bahagi na bumuo sa mga pinakamasaya at pinakamasalimuot na mga pangyayari sa aking buhay. Lahat ng nangyayari ay katotohanan.
Umabot ito sa puntong gumunaw ang mundo ko, pero nagpapasalamat ako sa mga taong walang-sawang nililigtas ang kaluluwa ko. Patuloy ninyong ipinaparamdam sa akin na mahaba pa ang lalakbayin ko sa buhay. Kailangan ko lang tumingin nang tuwid, lumingon sa pinanggalingan, pero hindi liliko pabalik.
Hindi ko hinihiling na magustuhan ninyo ang kwento ko, bagkus ay sana may makuha kayong aral sa mga naging karanasan at desisyon ko.
Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
Sa Libro Lang Pala (On-Going)
Non-FictionMay darating, at may aalis. Subalit lahat ba ng dumarating at nagtagal ay mananatili?