TINIG
©KenichiRyujiro x LM. Wattpad exclusive.
DISCLAIMER: The characters in this story are purely fictional. Any resemblance with people living or dead, events and places are purely coincidental.
***
STICKY NOTE
(back of front cover)
PROYEKTO SA FILIPINO
Pagsulat ng Jornal
Pangalan: EVANGELISTA, Lukas Arcanghel
Baitang at Sekyon: 10 – St. Bernard of Clairvaux
Guro: G. Marcelo Israel Lumanglas
Petsa ng Pagsumite: 05/15/15
Marka: _____
***
BIOGRAPHY (Maikling Pagpapakilala)
Ako si Lukas Arcanghel Evangelista, labinlimang taong gulang. Sina G.Gabriel Evangelista at Bb. Leah Arcanghel ang aking mga magulang. Pumanaw na ang aking ina at may ibang pamilya na ang aking ama. Kasalukuyan akong nakatira sa #182 Maharlika St. Brgy. Tampalpuke, San Nikolas. Kasama ko ang aking lola na si Gng. Annaliza Evangelista at si Luffy, ang aking alagang pusa. Ako ay nasa ikasampung baitang at kasalukuyang nag-aaral sa St. Nicholas College Basic Education Department.
Ako ay may taas na 5’10”, katamtaman ang pangangatawan, maputi, makapal ang aking mga kilay at singkit ang aking mga mata. Nagsusuot ako ng eyeglasses dahil malabo ang aking mga mata. Mahilig akong manood ng anime at magbasa ng manga. Nahuhumaling din ako sa paglalaro ng mga RPG games tulad ng DoTA at LoL at si bespren JM ang lagi kong kasa-kasama. Paborito kong pagkain ay ang adobong luto ni lola. May allergy ako sa mani at hipon. Sanay akong mag-isa at ayokong pinapakealaman ng iba ang aking mga gamit. Ayoko sa mga taong makulit, maarte at lalong lalo na sa madaldal kaya siguro kaunti lamang ang aking kinakausap.
Hindi ako naniniwala sa destiny, fate, forever o kung ano pa man. Lahat ng tao ay nag-eexist lamang para mabuhay sa mundong ibabaw. Pero naniniwala pa rin naman akong mayroong nag-iisang Naglalang at nakatataas sa ating lahat. Bahala na ang tao sa kung anuman ang kanyang gustong gawin mula pagkapanganak hanggang sa pagtanda. Para sa akin, tayong mga tao lang din ang gumagawa ng sarili nating kapalaran: hindi ang horoscopes, pagwi-wish sa shooting star, wishing well, wishing bone ng manok at 11:11, at madami pang kabaliwan na inembento ng mga tao para paasahin lang ang kanilang mga sarili na magiging maayos din ang lahat.
BINABASA MO ANG
TINIG
Teen FictionAko si Lukas. Hindi ako naniniwala sa destiny, fate, forever o kung ano pa man. Bahala na ang tao sa kung anuman ang kanyang gustong gawin mula pagkapanganak hanggang sa pagtanda. Para sa akin, tayong mga tao lang din ang gumagawa ng sarili nating...