Lunes, alas otso ng umaga, isang araw matapos ang selebrasyon ng Mayo Uno, inihayag ni Pangulong Rigor Aguinaldo sa buong Pilipinas na ang bansa ay isang opisyal na lalawigan ng Oriens. Ilan sa mga tao sa Maynila ay tumakas papuntang NAIA upang lumipad palabas ng bansa. Ngunit ang NAIA ngayon ay binabantayan ng People's Legion of Oriens.
Alas nwebe ng umaga, sa NAIA, isang lalaking may hawak na megaphone at napapagitnaan ng mga sundalong Oriensi ang nagsisisigaw ng mga katagang: "Lugal (lugar) ito off-limits zone sa sibilyan. Pala (para) ito Lesion (Legion) lang! Balik kayo inyo bahay pala (para) hindi kayo masaktan!" Naririnig ko ang halo-halong hiyawan, palahaw, taghoy at pagmamakaawa ng mga taong desperadong tumatakbo patungo sa pintuan ng departure area, sugatan dahil sa pamamaril sa kanila ng mga sundalong Oriensi na akala mo ay pumapatay lamang ng mga gala at mababangis na hayop sa kagubatan. Sa gitna ng kanilang paghihingalo, pilit inisigaw ng mga taong sugatan na bumalik na sa Oriens ang mga sundalo at lahat ng mga Oriensi sa Pilipinas.
Isang pagpugay at respeto para sa mga kapatid kong Pilipino na pinaslang ng mga sundalong Oriensi sa araw na ito. Oo, nakakaawa dahil sila ay wala na. Ngunit naisip ko, hindi ba mas nakakaawa tayong mga naiwan? Tayo na patuloy na maghihirap at magtitis hangang sa panahon na hindi natin alam kung darating pa.
BINABASA MO ANG
GISING
Short StorySa taong 2022, lumuhod ang bansa sa kanyang mananakop. Kabilang sa mga alipin na masa, ang isang batang manggagawa sa konstruksyon ay tutulan ang pagtatatag at maging kapitan ng paglaban. Ngunit sa pakikipaglaban niya para sa kanyang inang bayan, na...