Mayo 2, 2022

10 1 0
                                    

Lunes, alas sais ng umaga.

Julio! Gising! Bilisan mo! Sigaw ni nanay kasabay ng malalakas na katok sa aking kwarto. Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan, kinaladkad ako ni nanay papunta sa garahe. Nasa loob ng sasakyan si tatay na akala mo ay makikipagkarera ang ekpresyon ng mukha. Hindi pa man sumasayad ang buong pwet ko sa upuan sa loob ng sasakyan ay pinaharurot na ni tatay ang sasakyan.

"Nasa ilalim na tayo ng Oriens. Martial law na ngayon. Hindi ko alam ano ang tawag pero ganun. Kailangan nating makaalis ng Pilipinas ngayon" , sabi ni nanay. 

GISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon