I. ISA

20 3 1
                                    

Now playing: Dulo


"Hindi na kita hahanapin".

Isang araw, hindi na kita hahanapin.

Isang araw...... hindi na kita hahanapin.

Yan ang paulit-ulit na sinasabi saking sarili. Paulit-ulit na pinapaniwala ang sarili ko na isang araw, hindi na kita hahanapin.

Paulit-ulit.. hanggang ilang beses ko pa kailangang ulit-ulitin?

Hanggang kailan ko pa ba hihintayin yung isang araw?

..... yung isang araw na pilit ko'ng hinihiling?

..... yung isang araw na sana, sana hindi na kita hahanapin.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga ngiti mo na sa tuwing nakikita ko, parang lahat ng tao biglang naglalaho.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung amoy mo na naiiwan sa damit ko dahil sa higpit ng yakap mo.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga titig mo...

...... yung mga titig mo na kusang nagsasabi na "Ako ang para sayo".

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga mensahe mo sakin na isang rason kung bakit ginugusto kong gumising.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung pakiramdam na mapuyat sa paghihintay sayo na maayos na makauwi.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung pakiramdam na maghintay na makahiga ka sa kama at makatulog ng mahimbing bago ako tuluyang makakapagpahinga.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga away natin.

Yung mga away natin na dati ay pilit ko'ng iniiwasan..

Yung mga away natin.... na ngayon ay pilit kong binabalikan.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga sagot sa mga katanungan ko na napakaraming "bakit", "paano", "sino"....

"Bakit siya... at hindi ako?".


Isang araw.....

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga bagay na pinangako mo sakin.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung boses mo... yung boses mo na sobrang lalim.

.... Yung boses mo na, tanging nakakapag pakalma sakin.

.... Yung boses mo na, maraming iniwang mga kataga na hanggang ngayon nakatatak parin sakin.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung pangalan mo sa Social Media.. para lang makita kung kumusta ka..

Para lang malaman kung masaya ka ba?

Isang araw, hindi ko na hahanapin ang iyong mga litrato ... para lang matitigan kita kahit na saglit.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga pagsundo mo sakin.

Yung pagsundo mo sakin kahit na sa mga oras na alanganin.

Isang araw, hindi ko na hahanapin yung mga pagbabawal mo sakin.

Yung pagbabawal mo... yung pagbabawal mo na lalong nagpalapit sakin.

Isang araw, hindi na kita maaalala sa bawat kanta.


Isang araw....

Isang araw....

Isang araw, hindi ko na kailangang magtiis habang naiisip kung saan ako nagkulang.

Isang araw, hindi ko na kailangang matulog na mabigat ang dibdib.

Isang araw, hindi na kita maiisip.

Darating din ang isang araw na masasabi kong tama na.

Tama na... tama na siguro ang sakit na binigay mo para maging handa ako sa isang araw...


Sa isang araw na makakalimutan din kitang mamahalin.....  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YORMNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon