''Prinsesa Kaila pinapatawag po kayo ng inyong amang hari''sambit sa akin ng isa sa mga kawal ni ama.
Ano kaya ang sasabihin ni ama?
''Sige susunod nalang ako''sagot ko sa kawal na nagsabi ng mensahe sa akin ng ama.Inayos ko muna ang suot kong isang berdeng mahabang palda na gawa sa mga mamahaling tela na ipinaburda pa ng aking ina sa pinakamahusay na mananahi sa bayan ng Earth Kingdom.Matapos kong maayos ang aking sarili ay agad na akong nagtungo sa palasyo de grande kung saan naroon ang trono ni amang hari.
"Amang hari ayon sa iyong kawal ako raw ay iyong pinapatawag?''magalang na sambit ko sa aking ama na kasalukuyang inaayos ang kanyang magarbong kasuotan.
Mukang may lakad na naman si ama....
"Oo aking anak,dahil kailangan nating pumunta sa Almeria Academy"naguguluhan naman akong tumingin kay ama dahil sa kanyang tinuran.
"Po,bakit po kailangan nating pumunta sa academia?"
"Malalaman mo rin anak." Makahulugang ani ni ama habang nakatingin mismo sa aking mga mata.Iyon lang ang naging pauusap namin ni ama dahil kailangan ko raw ihanda ang aking mga kagamitan para sa aming paglalakbay patungo sa bayan ng almeria.
"Ina,ako na po dyan baka lalo lang lumubha ang inyong sakit." Maliit na ngiti lamang ang isinukli sa akin ni ina at nagpatuloy sa pagaayos ng mga gamit na sa aking palagay ay aking mga gagamitin para sa aming paglalakbay.
"Anak,tatandaan mo palagi na nandito lang kami ng iyong ama para gabayan ka.Wag ka sanang magtampo sa amin ng iyong ama sa mga susunod na araw" hindi ko alam ngunit parang sinasabi ng aking katawan na kailangan kong yakapin ang aking ina,niyakap naman ako pabalik ni ina.
"Ina,hindi ko po magagawa na magtampo o magalit sa inyo ni ama dahil alam ko po na lahat ng inyong ginagawa ay para rin sa aking ikabubuti" Dumaan ang ilang oras ay bumitaw na ako kay ina at nagsabing ako nalang ang magaayos ng aking mga gagamitin.Tinanong ko rin si ina kung sasama ba sya sa amin ngunit tanging pag iling lang ang kanyang naging sagot.Wala raw maiiwan sa aming kaharian para pangalagaan ang palasyo kung pati sya ay sasama.
"Anak handa ka ba?" Tinanguan ko naman si ama at sumampa sa isang kabayo.Mahaba naman ang aking kasuotan kaya paniguradong hindi ako masisilipan ng sinoman.At isa pa maraming mga kawal na muka sa aming kaharian ang nakapalibot sa mga kabayo na aming sinasakyan ni ama.
"Mabuti naman kung ganon,mga kawal tayo na" At nagsimula na nga akong paandarin ang kabayo na aking sinasakyan ganon din ang mga kawal na sinama ni ama.
Pagkatapos ng isang mahabang paglalakbay ay narating namin ang pinaka sentro ng buong mundo na aking kinalakihan ang bayan ng almeria.Habang nakasakay sa aking kabayo ay tanaw na tanaw ko ang mga naggagandahang alahas,kasuotan at mga kagamitan na itinitinda sa palengke ng bayan.Kailangan naming dumaan dito dahil ito nalamang ang pinakamalapit na daanan upang agad kaming makarating sa maalamat na paaralan.Ang almeria Academy.
Naging isang alamat ang paaralang ito dahil sa paaralang ito umano natuto at nasanay ang mga sinaunang mga tagapagligtas ng bayan.At sa tinagal tagal umano nitong eskwelahan ay kailan man ay hindi ito nagiba o nasira,kaya sinasabi nilang nasa pangangalaga ito ng mga dyos at dyosa.
Kung aking titingnan ang paaralan ay napakaluma ng disenyo nito.May malalaking bakod na nakaharang sa gilid at mga nagtataasang pader na nagsisilbing barrier ng Academy.May napakalaking gate din ang nasa harapan.
Ano kaya ang nasa loob ng eskwelahang ito?
Naputol naman ang lahat ng aking naiisip tungkol sa paaralang ito ng may lumapit na dalawang matipunong lalaki sa aming mga kabayo.
"Maligayang pagdating sa Almeria Academy mahal na haring Kairos ng earth kingdom,at mahal na prinsesang Kaila Marrie Effiram."mainit na pagsalubong agad ang aming natangggap mula sa mga lalaking ito.Agad naman kaming bumaba ni ama sa aming mga kabayo upang sila ay batiin.
Hindi rin nagtagal dahil binuksan na nila ang mga naglalakihang gate ng paaralan upang kami ay makapasok sa loob.Tunay nga na kay ganda ng paaralang ito.Alagang alaga ang mga puno at halamn habang ang mga bulaklak naman ay maayos na sumisibol.
"Kaila tayo na,kailangan nating puntahan ang Head Master ng Almeria Academy."
___________________________"Maupo kayo mahal na hari at mahal na prinsesa"kasalukuyan kaming nakikipagusap ngayon sa head master ng Almeria Academy.
"Head Master,bakit nyo po ba kami pinapunta dito?"magalang na tanong ko sa head master,ngumiti naman sya at sinabing
"Prinsesa Kaila,siguro ay natuklasan mo na ang iyong kapangyarihan?"
Napatungo ako sa sinabi ni head master. Noong siyam na taong gulang pa lamang ako ay nadiskubre ko na ang aking kapangyarihan.Kaya kong pagalawin ang lupa gamit ang aking isip at napapayabong ko ang mga halaman sa isang kumpas lamang ng aking kamay.
Dahil duon kinilala ako bilang chosen of earth,Ngunit hindi ko naiiintindihan ang kanilang tinuturan.Pagkatapos din nilang malaman na ako ang chosen of earth ay sinanay nila akong makipaglaban.
"At dahil na rin sa iyong kasanayan sa pakikipaglaban,kayo ay magkakaroon ng isang misyon."
"Kayo?"
YOU ARE READING
The Chosen 12
Fantasy12 kabataan na magtataglay ng labindalawang kapangyarihan na pinakalat ng mga dyos at dyosa upang maprotektahanang kanilang mundo.Labindalawang kapangyarihan na nawala sa pagkamatay ng mga dating tagapangalaga nito. Magawa kayang mahanap ng prinsesa...