JOURNEY 23

16 3 72
                                        

Chapter 23

Conflict

Nang dahil sa ala-alang iyon nalaman ko na si Vans lang talaga ang gusto ko. Nalito lang ako sa feelings ni Narizz at sa akin.

Yes, the heart that was beating wildly when Vann was making a move was just Narizz and not me. Oo, hindi naman talaga maiiwasan na kiligin din ako kay Vann, kasi nakakakilig naman kasi talaga siya but little did I know, he was just the same with Vans.

Resemblance of Vans, at ginagawa niya naman na pala sa akin iyon noon pa. Bilang Narizzalyn. The real me, there's someone who accepts and love me.

Vann is for Narizz, and kahit anong gawin ko, he will not recognize me as Narizzalyn. Because he was only a fictional character.

But Vans was real though, and with that he is match for me.

He is the one I like at siya lang talaga. Also he is already my boyfriend... I have a boyfriend...

Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya nang malaman ko iyon.

Only Ivann Leonardo Alejo ang nakaukit dito sa puso ko.

"Got a problem Riz?" Napasulyap ako kay Vans nang itanong niya iyon.

"Hah?" Medyo nag loading pa ako.

"Dalawang beses ko nang tinawag ang pangalan mo," nagtataka niyang sinabi. He even titled his head.

Ah yes! Mukhang kanina pa ako nakatulala.

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga naalala ko pero pinangunahan na naman ako ng hiya ko. Kaya napagdesisyunan kong mag-ipon muna ng lakas bago sabihin sa kanya.

Hindi muna ngayon, wala pa akong lakas ng loob. Lalo na sa napag-usapan namin kanina.

"Sorry may naalala lang ako," nagbaba ako ng tingin sa mga daliri ko at kinalikot iyon.

"Ano 'yong naalala mo? Memory?" Mabilis muli akong nag-angat ng tingin sakanya. Kalaunan ay dahan dahan akong tumango.

"What is it?" Ipinatong niya ang mga braso niya sa lamesa at bahagyang humilig. Handa nang makinig sa sasabihin ko.

Umiling ako. "Nahihiya ako eh, ayoko munang sabihin ngayon."

He chuckled at nanliit pa ang mata niya sa akin. "There's something in that memory... mas naging kuryoso tuloy ako doon."

Nakagat ko ang labi ko. "Ah basta, ayoko munang sabihin!" Nagsimula na akong tumayo at naglakad paalis sa garden, napansin ko namang sinundan niya ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang makarating siya sa tabi ko, sinasabayan ako sa paglalakad.

"Let's go again on that weird or magical room. May kailangan lang akong tignan."

Naalala ko kasi 'yung libro na nakita ko doon at 'yung libro na naaalala ko na naging dahilan ng pagpasok ko dito sa loob. Sometimes, the book itself is the reason to find the way out, katulad sa mga mapapanood sa movies or libro.

Nakakunot naman ang noo niya habang sinusundan ako pero naiiwan ko siya kasi ang bagal niyang maglakad kaya huminto na ako at nilapitan na siya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinila na siya papunta sa library. At dahil malapit lang ito sa may garden ng school, mabilis naman kaming nakarating doon.

Dumiretso kaagad ako sa weird room at pagpasok doon ay mabilis kong hinanap ang brown book na nakita ko noong nakaraang punta namin dito.

"Anong hinahanap mo Riz? At bakit gustong gusto mong bumalik dito sa room na 'to?" Kuryosong tanong ni Vans habang abala naman ako sa paghahanap.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon