Prologue

3 2 2
                                    

"Zoerisse Elizabeth Madrigal!" tamad na tamad akong tumingin kay dad. What now? "This is the 20th time na nakick-out ka! What are you doing?" hinampas niya ang desk niya na akala mo natatakot ako. I just shrugged na mas lalong kinainit ng ulo niya, tumayo ako at nag-inat.

"Nothing more? Got to go" tinalikuran ko na siya at akmang aalis ng bigla ulit siyang sumigaw. How I really hate my name.

"We're not done talking, come back here" nakataas-kilay ko siyang tiningnan.

"Should I tell myself those stupid nonsense again? Para di ka na mahirapan, I already remembered it all anyway"

"Why are doing this? Anak, hindi ka naman ganito. Why the hell are you doing this?" napangisi ako sa tanong niya. Bakit nga ba?

"Alam mo ang sagot sa paulit-ulit mong tanong, don't ask me stupid questions again. Now if you'll excuse me" di ko na pinansin ang pagtawag niya sakin, didiretso na sana ako sa kwarto ng magkasalubong kami ng madrasta ko.

"Pinapasakit mo na naman ba ang ulo ng daddy mo? Zoerisse, maawa ka naman sa kanya" akmang hahawakan niya ako ng itulak ko siya. Bumagsak siya sa sahig na nanlalaking-mata, best actress talaga. Nakita ni Zero ang ginawa ko kaya dinaluhan niya ang ina.

"What the hell ate?" inalalayan niyang makatayo ang nanay niya. Masama ko lang silang tiningnan bago nagtuloy sa paglalakad ko. Mga kingina! Panira ng araw.

"Zoerisse! Ano na namang ginawa mo? You really never learn do you? You give me no choice then" Rinig kong sigaw ni dad pero di ko nalang pinansin.

Pagbagsak kong sinara ang pintuan ng kwarto ko at nagsalpak ng headphone, humiga ako sa kama. Matutulog nalang ako kesa marinig ang walang sawang bunganga ni dad. Magsama-sama sila.

***

Naalimpungatan ako ng maramdaman ang labas-pasok na mga yabag sa buong kwarto ko, inis kong tinanggal ang headphone ko at balak na sanang bulyawan sila ng makitang nilalabas nilang lahat ang gamit ko.

"What the fvck?" pagsinghal ko sa kanila. Napatayo sila ng maayos ng nakayuko sa harapan ko. "Anong ginagawa niyo? Don't touch my fvcking things. Get out!"

"Kabilin-bilinan po ng Don na ilabas ang lahat ng gamit niyo señorita, ipapadala na daw po niya kayo sa bago niyong paaralan" sagot ng isa kaya napakunot ang noo ko.

"With my things really?" tumayo ako at dumiretso sa office ni dad. "What the fvck is going on?" sigaw ko sa kanya. Nakita ko siyang nagbabasa ng mga papers na pinipirmahan niya bago siya nag-angat ng tingin sakin.

"I am still your father, learn to respect me atleast. Kung di mo kaya respetuhin ang sarili mo, matuto kang rumespeto sa ama at nagpalaki sayo" walang kagatol-gatol niyang sagot. "From now on, hindi ka na dito titira. Fortello High is a dormitory school at wala kang ibang magagawa kundi sundin ang utos ko. And if you dare to do such things, mapipilitan akong ipatapon ka sa ibang bansa. No money and no name" wala akong nagawa kundi ang tingnan siya ng masama bago siya nginisian.

"Fine then, do as you please father and besides matagal ko ng hiniling na umalis ng demonyong bahay na to. Now's the chance I guess" walang lingon akong lumabas at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. I'll never forgive him and his bitch wife.

Nakasakay na ako ng sasakyan ng matanaw ko ang pigura ni Zero at ng ina niya. Nakita ko ang nakakalokong ngisi niya na mukhang natutuwa siya sa pagkawala ko. Magpakasaya ka hanggang sa gusto mo pero hindi ako titigil na mapalayas ka at mailabas lahat ng baho mo.

Pinikit ko ang mata para matulog pero ang nakakalokong ngisi lang ng babaeng yun at nakikita ko. Inis kong sinalpak ang headphone at nilakasan ang volume nun, this is the end of me. Fortello High is deliquent school full of gangster and addict. Doon pinapatapon ang mga anak mayaman na lumiko ng landas but for me? Sinadya kong magrebelde, ang ipatapon ako dun ang malaking pagkakamali na ginawa niya.

The Two Sides of MeWhere stories live. Discover now