Meet the Thorns

1 1 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan, hindi na kasi ako nakalabas magmula ng dumating ako dahil dire-diretso na ang naging tulog ko. Hindi na rin ako nakakain ng hapunan kaya ramdam ko ang kumakalam kong sikmura.

Buti nalang hindi rin ako ginulo nung mga lalaki at pinabayaan akong magkulong. Kumuha ako ng bagong damit at dumiretso sa banyo, naligo muna ako bago lumabas ng kwarto.

Tahimik ang paligid, siguradong tulog pa sila. Malawak ang condo na to. Hindi ko na rin masabi kung condo pa ba to o mansion dahil sa laki, Ilang pintuan pa ang nadaanan ko bago nakarating sa salas. Mukhang magkakatabi lang ang mga kwarto dito, malawak din ang salas. Cream din ang kulay ng dingding, black ang carpet, may dalawang malalaking couch, dalawang single couch, coffee table sa gitna na nakaharap sa malaking flat screen TV. May dalawang speaker sa magkabilaang gilid nito, sandamakmak na CD's, video games at ilang porn magazines pa ang nakita ko. Mga animal!

Lumapit ako sa bintana at binuksan ang makapal na kurtina, isa pala itong veranda. Lumabas ako doon at nakita ang ganda ng view dito. Sa gawing itaas pala ang building, nakikita ko sa baba ang mga two storey na bahay, mukha talagang village. May iilang nagjajogging, nagwawalis sa tapat ng bahay at ilang nag-uusap sa gilid. Nakikita rin dito ang maliit na syudad ng Fortello at ang school building? Di pa kasi ako nakakalibot kaya hindi ko alam kung yun ba ang school building, nakita ko rin ang malapalasyong building na pinuntahan ko kahapon. Napapaligiran kami ng naglalakihang puno, pakiramdam ko nasa gitna kami ng kagubatan. Puro puno nalang ang natatanaw ko maliban sa tanawin dito. Ganito pala kalawak ang Fortello High, ni hindi ko nga makita yung gate kung saan ako pumasok kahapon.

Pumasok na ako at tinungo ang kusina, nagkalat ang mga bote ng alak, pinagbalatan ng mga chips, at tambak-tambak na hugasin. Umasim bigla ang mukha ko. Hindi ba sila marunong sa gawaing bahay? Buhay mayaman talaga. Dahil wala rin naman akong gagawin ay naisipan ko ng linisin ito, magluluto na rin ako ng agahan ko. Sa isang linggo pa ako papasok, ilang araw pa akong mabuburyo dito.

Kahit lumaki ako sa karangyaan, hindi nakalimutan ni mommy ang turuan ako sa mga gawaing bahay. Bonding namin iyon noong nabubuhay pa siya, palagi niyang pinapaalala sa akin na hindi masamang matuto sa gawaing bahay kahit na mayaman ka. Alam kong magluto, maglaba at maglinis ng bahay.

Inumpisahan ko na ang pagpulot ng mga basura nila, sinunod ko ang paghuhugas ng mga plato. Pinunasan ko rin ang lamesa dahil sa mga mantsa nito, inayos ko muna ang lahat bago sinunod ang salas. Gulo-gulo rin kasi ito at parang nadaanan ng bagyo.

Nang matapos ay naghanap ako sa ref ng maaaring iluto para sa agahan. Balak ko sanang ipagluto lang ang sarili ko pero since na unang araw ito para makilala sila, nagluto na rin ako para sa kanila.

Humalimuyak ang amoy ng bawang at sibuyas sa kusina. Gustong-gusto ko talaga ang amoy nito kapag nagigisa, gumawa ako ng fried rice. Nagluto rin ako ng bacon, egg at hotdog. Nagpainit na rin ako ng kape at nag toast ng bread. Ito lang kasi ang laman ng ref nila, mukhang hindi pa nga ito nagagalaw. Puro alak at kung anu-ano pang pagkain na madali ang nasa loob, yung pwede lang ipainit and ready to eat na.

"Wow! Ang bango. Tangina nakakagutom yung amoy"

"Himala may marunong pala satin magluto"

"Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon, palagi nalang kasi ako sa cafeteria nakakakain ng masasarap na pagkain o kaya sa retaurant. Minsan nakakaumay na din kasi paulit-ulit"

"Hoy sinong nagluto? Nagutom ako sa amoy"

"Unahan sa kusina"

Nakarinig ako ng mga yabag kaya napalingon ako. Nakita ko ang pagkakatulala nila sa akin, nakasuot ako ng pink na apron na napulot ko lang sa kung saan sa kusina. Mukha namang malinis ito dahil nakaseal pa ito sa lagayan.

The Two Sides of MeWhere stories live. Discover now