Chapter One

116 3 11
  • Dedicated kay Paolo Vivas Feliciano
                                    

Lord, Salamat po sa panibagong umaga. :-)

Pagkatapos magpasalamat sa Panginoon. Oras na para bumangon.

Isang bagong araw nanaman ang haharapin. Panibagong hamon sa buhay ang mararanasan.

Ay, oo nga pala. Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Princess Anne Padua. Fifteen years old, at 3rdyear Highschool student. Nag-aaral ako sa Holy Spirit Academy of Malolos. Yung mga magulang ko, nagtatrabaho silang pareho sa ibang bansa. Matagal na silang magkahiwalay, bata pa lang kami ng Kuya ko. Pero, wala naman silang naging ibang pamilya kahit na magkahiwalay na sila.

Kaya ang nag-aalaga samin, eh yung Lola namin. Grabe no? 

Kahit na ganito yung kinahantungan ng pamilya namin, alam ko naman na kaya malayo ang mga

magulang namin samin, eh para makapag-aral kami ng Kuya ko. At para din yun sa ikabubuti

naming dalawa.

"Angela, angela angela! Nasaan ka na ba? 7:30 na oh!" 

May sumigaw at para bang sinagot ang tanong ko.

"Princess, andito na ako! Sorry kung late ako. Late din akong nagising eh." Sabi ni Angela.

Bata pa man ako, bestfriend ko na yang si Angela.. Angela Daos.

Kaklase ko yan,  simula nung Grade One palang kami. Lahat na yata ng hilig, lihim, gusto nyan

alam ko na. Sana talaga mas tumagal pa yung pagka-kaibigan naming dalawa.

Angela's POV

[A/N: POV = Point of View]

Hi! Ako nga pala si Angela Daos. Fifteen years old, bestfriend ni Princess.  Alam nyo, the best yang si Princess. Bakit kamo? Kasi, pag may problema ako, gagawa sya ng paraan para lang makausap ako. Minsan pupuntahan nya pa ako sa bahay namin para lang may makausap lang daw ako. Hay! Swerte na akong maituturing kasi may isang tulad nya sa buhay ko. Naks! Sobrang drama ko na ha! Hahaha!

Hindi ko alam kung anong meron dyan sa babaeng yan, pero ang dami talagang nagkaka-crush 

sakanya. Hindi sa insecure ako sakanya ha? Saka bakit naman ako maiinsecure eh bestfriend ko

nga sya? Hahaha. okay! balik sa kwento.  Hindi naman ako magugulat kasi maganda naman

talaga sya. Kaya ako? Todo suporta sa Bestfriend kong yan, no matter what!

...

Naglalakad kami ni Princess papasok sa HSAM. Thursday nanaman kasi. Thursday kasi yung

P.E day namin. Nakarating na kami sa Classroom namin. As usual, magulo nanaman. May 

nagbabatuhan ng papel. May nagtsi-tsismisan, at magugulo pa yung mga upuan. Yung tipong 

parang may riot? At ang tangi lang naming hiling ni Princess nun eh...

"Sana mag-ring na yung bell, at dumating na yung teacher natin!" 

Sa wakas! 8am na at nag-ring na rin yung bell. Akala ko magtatagal pa kami na ganito eh.

Pero, bago kami umupo ni Princess. Napansin ko na may bago yata kaming kaklase na nakaupo

dun sa bandang likod. Oo, bago nga yata sya. Kaso nga lang, pinagtitinginan agad sya at yung 

parang pinag-uusapan agad sya ng mga kaklase namin. Tsk! Grabe talaga 'tong mga 'to eh. 

"Cess, nakikita mo ba sya?" Sabi ko kay Princess.

"Oo, gel. At parang pinaguusapan agad sya ng iba. Naku naman oh!" Sabi ni Princess.

"Bakit kaya mag-isa lang sya? Wala pa naman yung teacher natin eh, kausapin kaya natin?" Pagyaya ko kay Princess.

Nilapitan namin sya.

Naka-yuko lang sya, at parang hindi pa talaga sya sanay sa paligid.

kaya kinibo namin sya.

"Uhmm, hello! bago ka dito?" Sabi ni Princess.

Nakooo! matagal bago nya kami inimik! Siguro mga 2 minutes? Akala ko di nya sasagutin yung tanong ni Princess eh. Nagulat nalang kami nung sumagot sya.

"Oo, bago ako dito eh. Sorry ah, nahihiya kasi ako." Sagot nya.

Ayun! sumagot din sya! Bago nga talaga sya school namin. Kumuha kami ng upuan ni Princess at tinabihan namin sya. 

"Ako nga pala si Angela, at sya si Princess." Pakilala ko saming dalawa ni Princess.

"Teka, ano palang pangalan mo? Wag kang mag-alala. Hindi naman kami nangangain eh. Hindi kami tulad ng iba nating kaklase na grabe kung mang-husga." Sabi ni Princess.

Wow! gumaganun na si Princess!

Matagal nanaman bago sya sumagot.

"Ako nga pala si Kim Paolo. Pero, pwede nyo akong tawaging Kimpoy." 

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon