Chapter Seventeen

61 1 0
  • Dedicated kay Paolo Vivas Feliciano
                                    

READ. VOTE. SHARE! :) 

----------------------------------

"Angela, ano ba yung dahilan?" Tanong ni Aira. 

"Ayaw kasi ni Princess na nakakakita ng Doctor o kay mapupunta sa Hospital. Naaksidente kasi sya nung mga bata pa kami. Kaya ayun. Sorry kung ngayon nyo lang nalaman yun." Paliwanag ni Angela.

"Ah, kumbaga na-trauma sya? Kaya naman pala mapapansin mo sa mga mata nya na natatakot sya pumunta dun sa rescue team eh." Sagot ni Denice.

"Yun na nga. Kaya nga parang nag-aalala ako eh. Baka mamaya hindi sya pumayag na magpa-gamot dun.

"Hindi yan. Sumama na rin sya kay Kimpoy diba? Saka, di naman natin sya iiwan eh. Magpapagamot na rin naman siguro si Princess.

Habang buhat ni Kimpoy si Princess papunta sa Rescue Team.

Napadaan  sila kung saan nakatayo sila Marco at ang mga kaibigan nito.

"Marco, si Princess yun diba?" Sabi ng isang kaibigan ni Marco, si Xander. 

"Oo nga no? Anong nangyari? Bakit buhat sya nung transferee na yan?" Dagdag pa ni Karl.

Hindi napigilan ni Marco ang pagtataka nya, kaya nilapitan niya sila Kimpoy.

Pero, hinarang ito ni Angela.  

"Marco, kung gagawa ka lang din ng gulo, wag mo ng ituloy. Nadapa si Princess at di nya napansin na may bato pala dun kaya ang laki ng sugat nya. Kaya please?" Sabi ni Angela.

Pero, hindi nagpa-daig si Marco.

Nilapitan nya pa rin sila Princess at Kimpoy.

"Feliciano, anong nangyari kay Princess? Bakit nagka-ganyan sya?" Maangas na sabi ni Marco. 

"Naaksidente sya. Nadapa, saka tumama yung tuhod nya sa isang bato kaya nagka-ganyan." Paliwanag ni Kimpoy. 

"Wag ka ng magpaliwanag dahil di ko kailangan yan! Kuha mo? Sige na, ako nang bahala kay Princess." Sigaw ni Marco. 

"Marco, ano bang problema mo? Nagka-ganito na nga si Princess, mag-eeskandalo ka pa dito? Pasalamat pa nga kami kay Kimpoy kasi sya nagdala kay Princess dito eh. Tapos, ang lakas ng loob mo na paalisin sya?" Sabi ni Angela. 

"Angela, tama na yan. Baka magka-gulo pa eh." Sabi ni Kimpoy. 

Hinila na ni Karl at Xander si Marco palayo kung nasaan ang tent ng Rescue team.

Syempre, para iwas gulo na din. 

"Buti naman at umalis na sila Marco! Nakakapang-init ng dugo!" Sabi nila Denice. 

"Oo nga eh.. buti nalang andito si Kimp..." 

Hindi na naituloy ni Angela ang sasabihin nya. Pagka-tingin nya kasi sa likuran nya eh wala na dun si Kimpoy. Pati rin si Andrea. 

"Oh? san napunta sila Andrea at Kimpoy?" Sabi ni Angela. 

"Hindi ko rin napansin eh. Tinitignan ko kasi si Princess habang ginagamot sya." Banggit ni Aira.

"Eh si Andrea? Diba katabi mo lang sya kanina, Maryty?

"Hindi ko rin napansin eh. Saan kaya napunta yun?

Ang hindi nila alam, umalis na pala sila Kimpoy at Andrea mula dun sa lugar na pinagtakbuhan nila. Kahit si Andrea ay nagulat dahil sa biglaang pag-yaya ni Kimpoy sakanya na umalis na doon.

"Kimpoy, ayos ka lang ba?" Banggit ni Andrea.

Blanko si Kimpoy. Walang facial expression. Tahimik lang sya.

"Ayos lang ako. Kaso, parang nakakailang yung nangyari kanina eh. Mali ba yung ginawa ko, Andrea?" Tanong ni Kimpoy. 

"Ano ka ba, Kimpoy. Oo naman no! Syempre, dahil dun natulungan mo si Princess. Nailigtas mo sya kanina. Diba? Ganun nga yung ginagawa ni Superman eh. Nililigtas nya yung mga tao." Sabi ni Andrea.

"Pero, bakit ganun? Parang ako pa yung mali?" Banggit ni Kimpoy. 

"Wala. hindi ikaw yung mali, Kimpoy. Ang mali yung usyoserong lalaki na yun. Na akala mo eh boyfriend ni Princess para paalisin ka nalang dun. Nakakairita yun!" Naiiritang sinabi ni Andrea. 

Naalala ni Kimpoy yung binanggit sakanya ni Danica na tungkol kaila Princess at Marco.

Kaya, iniwasan nya nalang na mapag-usapan yun. 

"Hayyy.. kailangan ko nalang mag-concentrate para sa Dance Contest bukas." Sabi ni Kimpoy.

----------------------------------------

Ano kaya ang mangyayari sa Dance Contest? 

Makaka-sayaw kaya ng maayos si Kimpoy kahit na parang may bumabagabag sa isip nya? 

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon