KABANATA ISA
"Hoy, Mesiah!"
Agad akong napahinto at napalingon sa tumawag. Si Psychen pala, kasama nito si Lyan. Agad nila akong nilapitan at sinabayang maglakad.
"Uy," nakangiting bati ko.
"Buti naman at pumasok ka na?" Si Lyan. "Isang week kang absent! Grabe ka."
"Baka bumagsak ka niyan?" Si Psychen.
"Depende," sagot ko. Depende naman talaga. Pero balak ko habulin lahat. Tamang-tama, wala akong pasok bukas sa Resto.
"Kausapin mo mga teachers natin ng pagbigyan ka." Suggestion ni Lyan. Tinanguan ko lamang siya bago namin narating ang room.
Pagkaapak pa lamang sa sahig ng classroom ay umugong na naman ang kaliwa't kanang bulungan.
"What is she doing here?"
"Duh. One week siyang absent, lakas ng loob niya pumasok pa!"
"I bet. She won't make this year. Babalik siya..."
"Right. Napaka warfreak kase..."
Napailing ako.
Sa tuwing papasok, wala na akong nararanasang kapayapaan rito sa unibersidad. Kaliwa't kanan ang bulungan, minsan nga'y harap-harapan akong binabasa ng juice na hawak nila. Pero ni isa sa kanila, wala akong pinatulan. Hindi dahil takot ako, ayoko lang ng gulo. Atyaka, alam ko na hindi nila alam ang mga ginagawa nila.
Kung papatulan ko man sila, sigurado ako na baka mabali lang ang buto nila. Joke.
"Wag mo nalang pansinin, mga trying hard, e...." Bulong ng katabi ko. Si Psychen.
"Ganoon na nga." Bulong ko pabalik.
Natahimik na lang ang lahat ng pumasok na ang guro namin sa Filipino. Si Sir. Tuayon.
Nakita kong matigilan ito ng makita ako. Mababa niya akong tinanguan.
Nagsimula ang napakahabang oras ng klase.
___
"Sir!" tawag ko sa naglalakad na si Sir. Tumigil ito at nilingon ako.
"Yes, Ms. Alcarenzo? One week kang absent, hija..." Wika niya.
"Sorry po."
"Hmm? Ano ang kailangan mo, hija?"
"Sir, pwede ko po bang habulin yung mga past activities na ginawa?"
Sandali itong hindi umimik, bago mababang tumango. "Yes,"
"Salamat po, sir!"
"Ang kaso'y matatambakan ka, hija. Dahil bukas, ay may panibagong quiz na naman."
Another news. Kilala si Mr. Tuayon dahil sa araw-araw nitong pagbibigay ng quiz. Maraming estudyante ang may ayaw sa kaniya dahil sa gawain niyang iyon. Pero ako, hindi. Isa kase si sir sa nakakaintindi sa sitwasyon ng buhay ko. Alam ko rin na laking kalsada din sir, na kalauna'y nagkaroon ng sponsor para makapag-aral. Napaka taas na ngayon ng tinatamasa niya.
"Okay lang po sir!"
Ngumiti ito at tumango.
°°°
"So, una na kami saiyo Mesi, ah?"
Uwian na, at magkakasabay kami nila Lyan na lumabas sa gate.
"O sige, ingat kayo, ah?" Nakangiting paalala ko.
Tumango silang dalawa. "See you!"
"Sige, see me..."
![](https://img.wattpad.com/cover/245663966-288-k706318.jpg)
BINABASA MO ANG
TROUBLES LOVER (On-Going slow update)
Teen FictionMesiah Alcarenzo. Kilala ang dalaga dahil sa pagiging takaw-gulo nito. Ika nga nila, buntot na nga ata daw niya ang GULO. Ibang-iba sa kaniya si Blake Gray Dela Guizon. Kilala ito bilang chicboy ng unibersidad. Ito marahil ang naging daan para mag...