Para akong sira na kanina pa nakabantay sa telepono sa tuwing may tatawag
Till now ay hindi pa rin nahahanap ang katawan ni Ken at James
Nawawalan na ako ng pag-asa
"Baby? You have to eat your breakfast, 3 days ka nang nalilipasan ng gutom, pumapatat ka na, sige ka malulungkot si Kendrick kapag nakita ka niyang ganiyan"
"I'm fine kuya, I'm not hungry"
"but baby..."
"Kuya tama na please? Ang unfair lang alam mo yun?"
"what do you mean little sis?"
"Kasi kuya, Ikaw ayos na, bumalik si ate tintin tapos masaya ka na ulit then ikakasal na kayo"
"Dahil sayo yun sis"
"Buti kapa,kasama mo na si ate tin, tapos ako? Umaasang buhay siya kahit na alam kong imposible na"
Iyak kong muliFeeling ko nauubusan nako ng luha
3 days na rin akong lumuluha dahil sa lungkot na nadaramaSa tuwing maaalala ko yung bonding moments namin ni kendrick, imbis na matuwa at kiligin ay naiiyak lang ako sa sobrang sakit.
"Nak? Papasok ka ba today?"
"No mommy!"
"You should go to school"
"Mom..."
"Papasok ka sa school, kapag may balita na kay kendrick, tatawagan ka namin agad ok?"
I sighed heavily
"Yes dad"
Sinunod ko yung utos ni dad, pumasok ako sa school kahit na lutang na lutang yung isip ko at alam kong wala akong maiintindihan sa lessons
"Ayos kalang chanel?"
"Ayos lang ako kelly"
Ngiti koHanggang sa cafeteria, wala akong ibang inisip kundi ang kalagayan ni kendrick.
Halos si kelly at gerick na nga ang pumili ng dapat kong kainin
Alalang-alala na rin ako kay kendrick
Hindi na ako mapakali
Parang gusto ko nalang tumalon din sa bangin para hanapin siya
Kaso naalala kong hindi ako marunong lumangoy...
Nag-ring yung cellphone ko habang nakatambay kami nila kelly sa gym na agad kong sinagot
"hello kuya?"
"N-nakita na yung bangkay ni kendrick"
"B-bangkay? Kuya huwag kang magbiro ng ganiyan"
Nagbabadya na yung mga luha kong tumulo dahil sa pagbibiro nito
Hindi ko inintay na magsalita si kuya dahil ayokong marinig yung sasabihin niya
Gusto kong makita si Kendrick
Nanakbo agad ako palabas ng campus
Pumara agad ako ng taxi at hindi na inintay pa ang driver namin
Pagkarating ko naman sa lugar kung saan siya nakita...
Nakita kong humahagulgol ng iyak ang pamilya ni kendrick
Tumakbo agad ako para tignan ang bangkay na nakita nila, para akong masusuka sa nasaksihan ko.
Basag ang mukha nito at halos hindi ko siya makilala
Hindi ako naniniwalang si kendrick siya
"H-hindi siya si kendrick diba?"
Iyak ko"Magkaparehas sila ni james ng suot bago sila tumalon! Suot nilang parehas yung damit ni kendrick na paborito ko, alam kong ginawa nila yon para sa pagpili ko. Hindi si kendrick yan! Si james yan!"
Sigaw ko"Chanel ija! May pagkakakilanlan na siya si kendrick"
"P-po?"
Nanginginig na ako dahil sa nalalaman ko"Itong relo na suot niya! Ibinigay 'to ng daddy niya noong bago siya sumabak sa pageant ninyong dalawa"
Tinitigan ko naman yung relo na suot niya
Sa mga oras na yun ay hindi na kinaya ng dibdib ko ang tapang na pilit kong binubuo
"Gumising ka kendrick! Buhay ka pa hindi ba? Prank lang 'to eh! Kendrick bangon na"
Niyugyog ko pa yung katawan niya kahit matigas na"Kendrick naman eh! Akala ko ba magpapakasal pa tayo? Bakit ang daya mo? Kendrick! Bumangon kana please! Wala namang ganyanan! Dalian mo na bangon na" Sigaw ko habang umiiyak
Alam kong para akong baliw ngayon para pabangunin siya, gayong basag ang mukha nito at halatang wala ng pag-asang mabuhay pa.
Tumakbo ako sa bangin at tatalon na sana nang hilahin ako ni kuya at yakapin nang mahigpit
"Stop it! Wala na siya!"
"Kuya susunod ako sa kaniya, hindi pwede 'to ayoko kuya ayoko"
Hindi ko kaya, bakit ganito? Saglit palang kami nagkakasama, bakit kinuha na agad siya sakin?
"If it's his end, it doesn't mean that it's your end also, little sis."
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Gay Friend (Book 1)
Teen FictionBeing inlove with your Gay friend is one of the hardest thing in a life of a woman. His passion is be with a guy like him while you're wishing to have him in your life Published: October 2020 Re-edit/Revised: January 2024 Republished: Feb 10 2024