Chapter 25

75 6 0
                                    

"Sinong representative natin sa pageant?"
Tanong ni maam lantino

"Ma'am si chanel nalang"

"oo nga ma'am! Kinis niyan talented tapos maganda pa ma'am"

"Ma'am lahi ng model yan maam"

Sunod-sunod na sigaw ng mga kaklase ko

"Mga imbento kayo! Hindi kaya."
Nguso ko pero inilista pa rin ni ma'am yung name ko as our representative

"partner ni chanel?"

"Si Gerick maam"

"oo ma'am si gerick nalang! 'Di naman sumasali sa pageant si kendrick eh"

Sinulyapan ko si kendrick na kasalukuyang nilalaro yung ballpen niya

"Si gerick na ba ipa-partner natin kay chanel?" Tanong ni maam

"Pangalan ko ilista mo ma'am!" Saad ni Kendrick na ikinatahimik ng lahat

"sasali ka talaga kendrick?" Paniniguro ng professor namin

"Opo ma'am!"

Ilang linggo ang lumipas at sasabak na kami ni kendrick sa pageant kinabukasan

Sa tuwing naiimagine ko yung magiging performance namin ni Kendrick sa Talent ay hindi ko mapigilang hindi kiligin.

Ang naisip kasi naming performance na dalawa ay magkasamang kakanta habang tumutugtog ng gitara

"Who's my make up artist mom?"

"hindi ako kumuha honey"

"what? Why?"
I said

"Ayaw ni kendrick, siya nalang daw mag-aayos sayo. Marunong naman daw siya"

Marahan akong tumango nang maalala ang sinabi ni Kendrick noon na kapag sumali ako ng pageant ay gusto niyang siya ang mag-aayos sa akin.

30 minutes nalang ay magsisimula na ang pageant, ginawa ko na ang lahat ng bilin nila ate pero ninenerbyos at kinakabahan pa rin ako.

Mangha ko namang sinulyapan ang sarili ko sa body mirror na nasa harapan ko at hindi makapaniwala sa itsura ko. Napakagaling ni Kendrick mag-ayos.

Napatingin ako sa swimsuit na susuotin ko mamaya for swimwear fashion nang harangan ni Kendrick ang pwesto nito 

"anong mukha yan love?"
ngisi ko

"bakit ba kasi sumali ka eh"
Reklamo niya

"ano naman problema aber?"

"tignan mo nga 'yang swimsuit na susuotin mo! Hindi ako natutuwa niknik"
Simangot niya

"Ang arte mo! Ikaw nga rarampa na nakabrief lang mamaya! Nagreklamo ba ako ha?"

"Tsk!"
Maktol niya

"ladies and gentlemen, please be ready."

Umayos na kami ni kendrick ng pwesto
Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso nito bago kami lumabas sa stage at magsimulang rumampa

Napuno ng sigawan at tili ang paligid, may mga banner din mula sa block namin na ikinagalak ng puso ko.

They're all cheering sa aming dalawa ni Kendrick.

After so many ramps ay dumako na sa talent portion, yung iba ay solo talent, yung iba naman ay by pair gaya namin ni Kendrick.

Nang makaupo kami ni Kendrick na magkaharap habang nakahawak sa gitara ay hindi ko mapigilang hindi kabahan.

Noon kasi ay dalawa lang namin 'to tinutugtog habang nagpapractice but this time, ay sa harap na ng maraming tao.

Paano kung makalimutan ko ang chords? Paano kung magkamali ako ng strumming pattern?

Hinawakan naman ni kendrick yung kamay ko para pakalmahin ako, ngunit nang dahil sa ginawa niya ay lalong nagtilian ang mga manonood

"huwag kang kabahan i'm here"

"what if i forgot the chords?"

"If you forgot, then stop strumming, i'll continue to strum the guitar, all you have to do is sing with your heart, don't pressure yourself ok? I'm here!"

I smiled at him at huminga ng malalim

Akala ko ay sesenyas na siya na magsimula kami nang halikan nito ang noo ko at ibinulong ang katagang matagal ko nang hinihintay marinig mula sa kaniya

"I love you my love"
He said

Ang kabang kanina ko pa nadarama ay para bang naglaho bigla at napalitan ng kilig na hindi ko maalis-alis sa aking sistema.

Nagsimulang magtilian muli ang mga manonood dahil sa ginawa ni kendrick

Tumango kami sa isa't isa bago magsimulang tumipa sa gitara na nakatingin sa mga mata ng bawat isa.

I'm Inlove With My Gay Friend (Book 1)Where stories live. Discover now