'Highest Ten'
Mabilis lumipas ang oras, at ngayon nandito ako sa cafeteria ng Academy, malaki din itong cafeteria nila pero dahil din sa laki nito ay marami ding taong sobrang nag-iingay, nag-iingay na kinaiinitan ng ulo ko. Napansin ko naman ang pagsunod ni Melissa sa likuran ko.
Pagkapasok ng pagkapasok ay agad akong tumungo sa counter dahil narin sa gutom pero itong katabi ko dumaldal na naman.
"Beverly anong gusto mo? Alam mo marating masasa—" hindi ko na pinagpatuloy ang pakikinig dito ba'ka uminit na naman ang ulo ko.
"Do you have a food like Egg Fu Yung?"
"Ay ma'am, ano ho yan wala pa kaming naihanda na ganyan rito? "
'No. Shoot!'
"Oo nga, ano yan Beverly?"
"Uhm... Do you have Raddish Pickles?"
'F-ck! Sana naman meron na!'
"Ma'am, wala din kaming pagkaing ganyan" dismayadong ani nito.
'No! How I'm my suppose to eat? I don't want to eat a sandwich, pizza nor a cake, pastries and icecream'
"Beverly ano ba yang mga sinasabi mo, pagkain ba yan?" Naguguluhan nitong tanong.
"Of course it's a food"
"Ay te' grabe english talaga pwede ka namang magtagalog pero seryoso hindi ba pamilyar ang mga pagkaing nakahain rito? "
'F-F-ck'
"Honestly speaking I only know the sandwich, juices, icecream, pizza, pastries and cakes the rest I don't know what kind of food is that" derestsyong sagot ko rito.
"Really so— hindi ka pa nakakain ng Ensaymada"
"Eng-who what?" Litong tanong ko rito.
"Ensaymada....."
"Engsaymada" paguulit ko rito.
"No. En-say-ma-da"
"Engsaymada"
"Hay nako. Ensaymada hindi Engsaymada. Hay wag na nga pero totoo hindi ka pa nakakain ng ganon?"
"Uh-eh hindi pa eh" nahihiyang napakamot ako sa ulo.
"Woah! Ang ganda pala ng boses mo pag nagtatagalog ka, may maririnig ka pang slang"
'Seriously, baliw batong babaeng ito'
***
Matapos kung kumain ay napagdesisyonan kung tumambay mo na sa library pero itong babaeng nagngangalang Melissa ay sumusunod parin. Kanina pa ito daldal. Mula sa pagkain namin don sa cafeteria at patungong library pero naintriga ako sa isang kwento na idinaldal nito.
"Alam mo ba gusto ko talagang mapasama sa Highest Ten pero malabong mangyari yun, ang mapapasali lang sa Highest Ten na iyan ang maghack ng mga computer devices, at syempre magaling sa ibang larang—"
"Tell me about the Highest Ten?" Tanong ko rito ng marating na namin ang library ay tsaka umupo.
"Okay- okay. Jiaxian Academy, our school have ten excellent student and they called Highest Ten. Binubuo sila ng mga sampung magagaling sa larangan ng paghahacking, nakakaya nila maghack ng hindi lalagpas ng isang minuto at hindi lang sila tinawag na Highest Ten dahil lang sa magaling sila sa paghahack. Magaling din sila sa lahat ng aspeto, tulad ng Academics, paglaro ng sports, magaling din sila sa pakikipaglaban at syempre kung saan ka nabibilang na clan. Kung mapapasali ka sakanila ay magiging payapa ang iyong pag-aaral dito sa Academy, wala kanang babayaran pagdating sa gastusin sa school at syempre meron katong special treatment kada myembro. Nakukuha nyo ang lahat ng gusto mo kapag napasali ka don. Syempre nirerespeto ka, tinitingala at t'saka kinatatakutan ka nang lahat pero..... Maliban nalang kung kasapi kanang Foxworth Clan talagang manginginig ka talaga kapag nakakita kanang kasapi ng clan na iyon. " Nanginginig nitong kwento sa clan na kasapi ako.
'Tsk. Highest Ten ano kaya maibubuga nila?'
A/N: Sorry for the late ud!! Hehehe
YOU ARE READING
Jiaxian Academy
Mystery / ThrillerIsang tagong paaralan at pribado na hindi saklaw ng gobyerno. Itoy pagaari ng Underground Society o Black World,na ang makakapagaral lang ay ang mga kasapi lang dito. Itoy paaralan para sa mga aspiring hackers ng iba't ibang clan kung saan mahahasa...