Chiklet (Tagalog)

27 3 0
                                    


“Saan pa may natulo?”
tumitingin-tingin ako sa bubong na parang tigyawatin sa dami ng butas.

“Dito po ate!”
sigaw ng pinakamatanda sa lahat ng bata na naabutan namin sa isang maliit na bahay.

Hindi makaalis ang grupo namin sa isang lugar papuntang Silang, Cavite.

Wala kaming masyadong alam sa lugar, pero hindi magandang manatili sa sasakyan habang nagpapatila dahil sa lakas ng buhos ng ulan at lakas ng hangin. Ngalay na ang mga puwit namin at lahat kami ay ihing ihi na. May tinigilan kaming abandonadong gusali. Mukha itong konkretong bahay na hindi natapos. Hindi ito kinis at ang bubong ay mukhang naglumang yero sa katagalan at parang may bahid pa nga ng sunog.

Nagpatao po kami sa bahay na ito dahil mukha namang hindi nakakatakot. Ang totoo may mga mumunti pa ngang halaman sa harapan. May bintana ito na gawa lang sa kahoy para itakip.

Gayun din ang pinto.

Bago kami dumating dito ay kumatok kami ng maraming beses ngunit walang sumasagot. Alam naming may tao dahil sa mumunting apoy na nakikita namin sa mga butas na kahoy.
Nagpumilit kaming pumasok.

At duon sa pinakasulok ay nakita namin ang mga bata.

Nung una ay natakot kami dahil baka katulad sa mga nakakatakot na kwento na napapanood at nababasa bamin. Ngunit nakita namin ang itsura ng mga bata. Oo, mukhang luma ang mga damit nila, pero malilinis silang tignan.

Ang pinakamataas ang nakaharang sa kanila na malamang ay syang panganay.

“Hindi kami masasamang tao.”

Nakaamba pa din ang bata sa unahan at may dalawa pang bata sa kanyang likuran na may bitbit na dos-por-dos.

“May dala kaming pagkain.”

Pagkasabi ng pinaka lider naming si Andoy ang salitang pagkain ay biglang nagliwanag ang mukha ng mga bata.

"Anim pala sila." binilang pala ni Hanna.

~*~

“Ate maliit na lata na lang po ang natira.”

Nawala ako sa pagiisip. Pinakita sakin ng batang babae ang mga lata.

“Hayaan mo na. Iisip tayo ng paraan para mabawasan ang natulo.”

Pagkabanggit ko sa bata ay tumingin ako sa mga kasama ko na kanya-kanya na ding higa.

Sinadya nilang iparke ang sasakyan sa may gilid ng bahay para nakatapat sa bintana habang itnakip sa sasakyan ang kahoy na dapat ay nkaharang dito. Mabuti na lamang ay mga gamit pang camping ang bitbit namin at hindi kami masyadong apektado ng tumutulong bubong.
Hindi ako makatulog, gayundin ang iba. Pero ang driver namin g si Omie at marunong sasakyan na si Bong ay pilit naming pinatulog dahil sila ang maagang gigising bukas para iprepara ang sasakyan.

“Tulog na kayo.” Pinilit kong matulog ang mga bata.

“Hindi po kami inaantok.” Sabay-sabay pang nagsalita ang tatlo.

Mag busog kaming lahat dahil sa dami ng pagkain. habang bumibyahe kasi ay bilihan ng bilihan ng kung ano-ano na hindi naman pala kakainin. Takaw-tingin kumbaga. Pero pasalamat na din dahil mukang itinadhana ang mga pagkain para sa mga bata.

Namataan ko ang chiklet ng kambal na si Kara at Korina ng ikalat nito ang isa nilang bag para alisin ang mga balat ng chichirya.

“Sino sa inyo ang gusto ng paligsahan?”

Lumaki ang mata ng mga bata sa saya at nagtanguan sila, maliban sa panganay.

Hiningi ko sa kambal ang chiklet at nangakong papalitan. Sumali din ang kambal sa palaro ko.

“Palakihan tayo ng magagawang lobo gamit ang chiklet.”

Nagtanguan ng maraming beses ang mga bata. Halatang sabik.

Binigyan ko sila ng tigdalawa.

“Ang mananalo ay bibigyan ko naaaang…” nagiisip pa ko dahil sa totoo lang hindi ko pa alam ang ibibigay ko. Dahil wala ako maisip sinabi ko na lang na sorpresa.

“Pero may kondisyon ako. Huwag lulunukin at huwag itatapon kung saan ang chiklet. Pag ayaw na, sabihin nyo lang sa’kin at ilalagay natin sa isang plato. Pero huhugasan nyo muna. Ayos ba?”

Bifemme Short storiesWhere stories live. Discover now