Chapter 4

37 3 0
                                    

Ven POV

"Ate si kuya Evan oh" pagkalabit sakin ni Catherine na nasa tabi ko

"Anu ba Catherine nasa simbahan tayu " pag suway ko sakanya

Nasa kaliwa ko si catherine at katabi niya si mama at lolo sa kanan ko naman ay si jonathan na nakikinig sa sinasabi ni father

Ibang iba na talaga siya ngayun hindi na tulad noon na dugyutin sa isip isip ko

"Ate baka matunaw" bulong ni Catherine kaya hinampas ko siya sa balikat

Nakita kami ni mama at sinuway, tinuon ko na lang ang sarili ko sa sinasabi ni father at tumingin sa unahan pero kung minamalas ka nga naman pagtingin ko ay si evan agad ang nakita ko at nakatingin sakin

Nang makita niyang nakatingin ako ay nginitian niya ako pero tinayaran ko lang siya at tumingin na lang kay father

Nang matapos ang misa ay hinatid kami ni jonathan sa bahay at agad din siyang umalis dahil may pupuntahan daw siya
Magtatanghali na nang napag desisyunan kong libutin yung lugar namin dahil wala rin namang akong magawa dito sa bahay

Bihis na ako nang makababa ako at nakita ko sila mama at lolo na nasa sofa nanonood

"Ma, lo labas lang po ako" pagpapaalam ko

"Sinong kasama mo venize? " tanung ni mama

"Ako lang po, si Catherine tulog po eh"

"Baka mapano ka pa kung wala kang kasama alam mo naman panahon ngayon kung anu ano nang krimen ang nagaganap "

"Saka ka na lumabas kung may kasama ka"mahabang litanya ni mama

"Mama naman"

"Anabeth hayaan mo na yang anak mo, malaki na yan tsaka alam na niya kung anung gagawin niya pag may nangyari sakanya" si lolo

"Oo nga po ma, buti pa si lolo" nginitian ko si lolo at ganun din siya sakin

"Atsaka kabisado naman niya yung lugar natin eh"

"Hay naku pa, kinakampihan mo na naman yang apo mo"

"Oh siya wala na akong laban sa inyu, lumayas ka na anak" ngiting wagi naman ako

"Thanks ma love u, salamat din lolo promise mag iingat po ako"sabay takbo ko palabas

White t-shirt  ang suot ko ngayun at pinatungan ko ng jumper at tinirnuhan ko ng puting sapatos
Tinali ko lang ang buhok ko pataas
Dala dala ko rin ang DSLR camera ko na nakasabit sa leeg ko niregalo sakin to ni mama nung birthday ko nung nakaraang taon

Habang naglalakad ay kinukuhanan ko ng litrato ang mga bawat taong nakikita kong tumatawa may iba rin na mga dayuhan na nagtititingin ng mga pang souvenirs

Nakarating ako sa may plaza dito sa lugar ni lolo at umupo ako sa may bench na nakita ko na nakaharap sa may waterfalls

Habang tinitingnan ko ang mga litratong nakuhanan ko ay may biglang bisiklitang huminto sa may harapan ko pero hindi ko to pinag aksayahang tingnan dahil busy ako sa pag tingin ng mga kinuhanan kong litrato

"Ven? " nilingun ko ang taong tumawag sa pangalan ko at kung minamalas ka nga naman ulit

Ngumiti siya sakin
Nilagay niya ang bisikleta sa may gilid nang bench bago umupo sa tabi ko kaya amusog ako

"What are you doing here? " tanung niya habang nag aayos ng buhok niya na nagulo

"Pake mo ba kung nandito ako, bakit sayo ba tong lugar ha" pagsusungit ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon