Everything went out smoothly like nothing happened. None of them contacted Tzura neither did I. I didn't bother, ayokong magpakaplastik. I never liked Tzura's attitude. Alam nyang ayoko sakanya and she feels the same about me as well. Matagal na akong parang natanggal sa grupo when I was infact the reason bakit at pano nabuo ang grupo. Hindi na ko makasabay kahit na sinusubukan ko sumabay kaya hinayaan ko na. Ang tanging nagpapastay nalang sa akin ay ang memories namin noon. Pero hindi ko alam kung gaano katagal nito ako mapapastay sa barkadahan naming na noon ay aking sobrang pinapahalagahan at memoryadong-memoryado ang bawat isa na ngayo'y parang isa na akong foreigner sa isang bansa na kalian man ay d ko pa napupuntahan.
"bye guyyssss" masiglang sabi Shawn habang kumakaway kaway pa sa amin bago siya pumasok sa kotse ni Saki.
"bye," nginitian ko nalang sya at nagsimula nang maglakad papalayo dahil dahil nagkanya kanya na kaming alis.
Napapikit na lamang ako habang linalanghap at dinadama ang simoy ng hangin habang patuloy na itinitipa ang aking mga paa para mas lakasan pa ang aking pagduyan. Ilang segundo lamang ay aking binuksan muli ang aking mga mata upang mapagmasdan ang haring araw na unti-unti nang lumulubog. Napakaganda ng langit na mula sa pagka-asul nito noong katanghalian kanina ay ngayon ay may pagkarosas na ito.
Agad akong tumalon sa aking inuupuan kahit na ito'y dumuduyan pa. Para akong bata ngunit wala akong pakielam. Napatingin ako sa may di kalayuan at nakakita ng matandamg naglalako ng surbetes. Masaya ko itong linapitan at agad na bumili ng paborito kong avocado flavor na ice cream. Nginitian ko siya at pinasalamatan matapos i-abot ang bayad at naisipang bumalik na ulit sa duyan upang panoorin ang tuluyang pagbaba ni haring araw.
Sa aking paglapit ay agad naman napatigil ng masilayan ang isang lalaki na papaupo sa kanina kong inuupuan. Isang pilyang ideya naman ang agad na sumagi sa isipan ko. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki at agad na umupo sa duyan na uupuan sana nya.
"First come first serve bleeeh" Pilya kong sabi habang humahagikhik ng tawa habang pinagmamasdan ang kaniyang gulat at di magkawaring expresyon. "Dun ka." Turo ko gamit ang nguso ko sa katabing duyan na inuupuan ko. Idinuyan ko ng mahina ang aking duyan na parang wala akong ginawang kagaguhan. I missed this. Tuwing dumuduyan ako naaalala ko siya at ang masasayang memories namin.
Ineenjoy ko yung moment ng paglubog ng araw nang biglang may humigit sa duyan ko mula sa likod na dahilan ng pagkakahulog ko.
Hejaiagsbaaihavrkeowuwhs
Sinamaan ko ng tingin ang kung sino mang hinayupak na gumawa sakin noon na agad naman akong natameme sa nakita ko. Siya yung lalaki na inagawan koooo!!! At ang mokong nginisian lang ako sabay upo dun sa kaninang swing na itinuro ko sakanya. Akala ko ba umalis na siya?! Sayang yung moment ko ganda na ng drama ko grrr!
"Bat mo ginawa yun?! Di mo ba nakita nagmomoment ako? Grrrr" Bulyaw ko habang naglalakad papunta sa tagiliran nya habang pinapagpagan ang pwetan ng aking pantalon.
"I'm Aries. Nice to meet you." Sagot nya sabay ngiti habang nakatingin lang sa kawalan, amph! Gigil nya ko promise! Di ko naman tinatanong name nya ieh, hmp! Pero ang puti ng ngipin parang perlas. °3°) sana ol pangcommercial sa tv ang ngiti. Tapos ang gwapo ng side fram—err sis galit ka diba?! Wag marupok! Ano lalandi ka nanaman? Aasa ka anaman? Maiiwan ka nanaman sa era?!
"Tinatanong ko?! Ano masaya ka na nakaganti ka na? Bat di mo ko lingunin?!" Parang bata na pagmamaktol ko sakanya pero di na ko sinagot ng mokong, amph. Kaya ayun bumalik nalang ulit ako sa inuupuan ko kanina at tumipa. Ilang minutong katahimikan ang pumaligid sa amin. Baka patay na siya? Uso pa naman ang ligaw na bala! hala, baka pagkamalan akong mamamatay tao!
Seira, gusto mo lang i-make sure kung buhay pa sya baka mamaya patay na pala mapagkamalan ka pang mamatay tao. Saglit lang, ha. WAG mong pagnanasaan ket sabihin pa natin gwapo sya, hmp!
Medyo madilim na kaya isa-isa nang nagbubukasan ang mga ilaw ng parke at nang lingunin ko siya ay nakita ko siya ng malinaw. Unang dumako ang aking paningin ay sa mahahaba niyang mga biyas. Sanaol! Bat ako wala nyan?! Grrr, wait di ko pa sya nakikitang buo mamaya na ko maiinggit. Unti-unting tumaas ang tingin ko sa may upper body nya na hindi naman kalakihan ngunit hindi din sobrang payat kumbaga tama lang ang pagkabuilt tapos yung bicepts nya rawr~. Tapos sunod naman dumako ang mga mata ko sa mukha nya na nakatingala at pinagmamasdan ang mga bituin. Meron syang manipis at kissable na labi, ang ilong naman ay napakatangos, at para namang nagwawala ang kanyang mala-tsokolateng mga mata na nakatingin sa akin-- nakatingin sakin?!
"Done checking?" Mapangasar niyang tanong habang nakangisi.
"Ano ka answers sa test na dapat i-check?! Teacher ba ko?!" Pagmamaldita ko pero tinawanan lang ako ng mokong. Porke may itsura hihirit na sya ng ganun? Chineck ko lang naming kung buhay sya ah! Buti nga concern pa ako sa wellbeing niya. Maganda din naman ako!
"Btw, my name is Seira. Nice to meet you too." Nakanguso kong pagpapakilala habang nakatingin sa may paahan ko. Shh, nagpapakilala lang ako di ako lumalandi. Ilang minuto ang tumagal at para akong mabibingi sa katahimikan. Kaya nakaisip ako ng topic. "Wag kang madaldal, ha. May secret akong sasabihin sayo hihi." Medyo nakakaloko kong sabi sabay silip sa kanya na nakatingin sa di kalayuan. Snob naman pero tutuloy ko pa din hihi. Minsan ka lang makakakita ng gwapo sa parke noh! Madaming gwapo sa agency namin pero di ko sila bet tapos dito lang pala ako sa parke makakahanap ng taong papasok sa standards ko. Tska napakalabong magkita ulit kami sa sobrang laki ng mundo. "Taga pluto talaga ako and I'm here para i-take over ang earth MWAHAHAHA!" Malakas kong tawa sabay tayo sa umuugoy na duyan habang siya nama'y napangiwi nalang siya sa kalokohan ko.
"Never knew aliens really exist until I met you." Pagsakay naman niya sa trip ko. Pumasok lang sa isip ko yung husky niya boses at yung salitang 'until I met you' huhuhu nakaakilig boses niya.
"Sus, madami kang di alam. Alam mo ba ang weird dito sa earth kasi inuupuan nila sa banyo kuno yung lutuan sa planeta namin." Nakanguso kong sabi at tinuloy tuloy pa ang mga kalokohan ko at siya naman ay tawa ng tawa habang sinasakyan ang trip ko. Ang gwapo niya tumawa guiz! IS THIS THE SO CALLED LOVE KAGAYA NG SA FAIRYTAIL?! YUNG FIRST TIME NIYO MAGMEET NG ISANG SAKSAKAN NG GWAPO NA LALAKI TAPOS SIYA PALA YUNG PRINCE CHARMING!!! YUNG FOREVER MO!!!
YOU ARE READING
LIES among us
Romancekindly check the notice. I don't give prologue or description find out yourself kung anong meron ang story ko.