-1 week later-
'So ayun isang linggo ako pabalikbalik sa parke pero di na sya bumalik. Kala ko pa naman the love of my life na sya huhu. Kasalanan toh ng mga napapanood kong drama ieh! Tapos nagkamoment pa kami. Umasa tuloy ako sa wala huhuhu.' Pagmumukmok ko habang inuumpog ulo ko sa desk ko.
"Anyare sayo girl?" Usisa ng co-model kong si Rica.
"Nakuuu, baka di niya natapos yung k-drama niya uli hahaha." Asar naman ni Bella.
"Girl, nararanasan din namin yan pero di kami ganyan mag-emote." Pagtataray ni Rica na may halong pangaasar. Pero deadma ko lang sila kasi pagnagkwento ako lalo lang nila ako aasarin. Kasi naman deep inside me umaasa puso ko na makikita ko ulit siya at magkakamoment uli kami tapos alam nyo na magkakadevelopan kami tas ikakasal magkakanak huhu. Planado ko na lahat siya nalang kulang!
'Excited na ko sa new model natin!'
'Ako din sismars sabi nila tall, adrk, and hansdsome daw kyaaah'
'What if siya pala makatuluyan ko, girl?'
'Asa, ako siyempre ang aalukin non sa ganda kong ito!'
Rinig kong mga bulong bulungan kaya naman tiningnan ko si Ricababes and ibubuka ko palang ang bibig ko ay agad na siyang nagsalita.
"May new trainee daw tayong lalaki announcement ni Sir Raynold nung umaga. Tapos ay may mga nagsasabi na nakita daw nila yung newbie at fafi ang datingan. Syempre late ka kaya di mo alam." Mahaba nyang linataya habang nakatingin pa rin sa salamin at nagaayos ng makeup.
At syempre ilusyunada tayo kaya ito agad ang nasa isip ko 'Shems, baka si Kuyang nasa swing yun!' (a/n: aminin niyo may mga pinangalanan na din kayong ganyan haha)
Kumakabog ang dibdib ko na para bang may karera ng mga kabayo. Woooh, chill lang. Malay mo di pala siya yun. Pero pwede din na siya talaga yun! Waaaahhh self, calm down! Agad kong kinuha ang make up kit at suklay ko sa bag at dumeretso sa cr. Nalate kasi ako ng gising kayab di na ko nakapagayos huhu.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at ngayon ko lang napansin na ang baduy kong tingnan. Messy ponytail, makapal na glasses, baduy na cardigan, at maputlang labi. Haist, napakalayo ko sa itsura ko pagnagbubulakbol. Bakit kasi sa dinamidami ng araw kung kelan baduy ang itsura ko ngayon pa sya pumasok?! Bat kasi nalate ako ng gising di ko tuloy naayos ng maigi sarili ko.
Training lang naman kasi ng walks and stuffs lang namin ngayon kaya di ko na masyadong inayos sarili ko. Tsaka sanay na naman kaming mga girls na makita isa't-isa bare face. Wala naman kaming pake kasi maganda pa rin naman kami kahit walang make up. Lalo na ako! Kahit na bagyuhin pa ako maganda pa rin ako!
Agad kong tinanggal ang makapal kong salamin at kinuha ang contactlense ko sa pouch na kulay hazel at sinuot. Linabas ko na ang aking mga make up at sinimulan ko na magapply ng mabilisan baka masita ako ng boss ko pagmasyado akong natagalan na wala sa pwesto ko. Kesyo late na nga daw tagal pa sa c.r, inggetera kasi yun sa ganda ko. Sunod naman ay ilinugay ko ang buhok ko na natural ang pagkakakulot sa may dulo. And syempre tinanggal ko na ang cardigan ko mas maigi nang lamigin kesa maturn off ang future hubby ko!
Woooh! Nag-inhale exhale muna ko bago dahan dahang lumabas ng cr at medyo maarteng naglakad pabalik sa pwesto ko. Sakto naman ang dating ko dahil nandun na ang boss namin at may kasamang matangkad na lalaki. Pareho silang nakatalikod pero ang puso ko parang gusto nang kumawala. At mukhang tapos na siyang ipakilala ng boss namin.
Napakagat labi nalamang ako habang dahan dahang naglalakad palapit sa kanila. Natatakot ako. Napakapamilyar ng kanyang likod na lalong nakapagpakabog ng dibdib ko. Sakto namang paglapit ko ay ang paglingon nila na parang nakapagpatigil saglit ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o may dapat ba akong sabihin. Parang nalunok ko bigla ang dila ko dahil ni isang salita ay walang nalabas sa bibig ko.
Nang magtama ang aming mga mata ay siya namang lalong ikinangisi niya. "It's nice seeing you again, Seira." Matapos niyang banggitin ang aking pangalan ay para akong kinuryenta. Ni pag-ngiti hindi ko manlang magawa.
"Cat got your tongue?" he asked with a smug look on his face and all i did is bit my lip as I stayed quiet lost in words.
"You two know each other?" Tanong ni sir Raynold na nakatingin sakanya.
"Yes, sir." Sagot niya habang pinagmamasdan ako na parang na-estatwa sa aking kinakatayuan habang nakangiti.
----------------------------------------
Maiksi lang talaga dapat lahat ng chapters kaso medyo naaliw ako sa pagsusulat sa first 2 chapters ko. I'll try my best magupdate twice a month.
YOU ARE READING
LIES among us
Romancekindly check the notice. I don't give prologue or description find out yourself kung anong meron ang story ko.