14

75 1 2
                                    

Keira's

Weekend ngayon pero nagpatawag ng practice yung trainer namin. Masyado niya na kaming ginigipit dahil malapit na yung program.

Papalabas na ako ng kwarto nang tumawag si Minho sa 'kin.

"oh? Nasa practice ka na?"

"sabay na tayo pumunta"

"nge? Nanjan ka na ba sa baba? Sandali lang" sabi ko.

"kakarating ko lang, dali daan tayo sa convinient store"

"okie" sabi ko at binaba yung tawag.

Kinuha ko yung string bag ko na may extra shirt at towel. Naglagay din ako ng tubigan dahil madugong practice ang mangyayari mamaya. Joke.

Paglabas ko sakto na lumabas din si Althea.

"oh? Practice nyo?" tanong niya.

"oo eh. Ikaw saan ka pupunta?" tanong ko.

"bibili lang highlighter. Naubusan ako eh"

Sabay kami lumabas ng condo. Natanaw ko na yung kotse ni Minho.

"seryosong mag best friend lang kayo? Sana all may ganyang best friend ah" sabi ni Althea sa 'kin.

"ang issue mo tanga"

Lumapit ako kay Minho at ganon din si Althea.

"uy wassap boss Minho! Kasama ka sa practice?"

"ah oo"

"ays yan" sabi ni Althea tas tumawa.

Ganyan yan eh. Tatawa kahit sa simpleng bagay.

"ikaw saan ka pupunta?" tanong ni Minho sakanya.

"sa nbs lang bibili ng highlighter. Una na ako ha? Di pa ako tapos mag notes eh badtrip nga naubusan pa ako ng highlighter" pagchichika ni Althea sa amin.

Nabanggit ko bang TMI siya? Too much information.

"ah edi sabay ka na? Hatid ka na namin, madadaanan naman namin yon" - Minho.

"kaya nga ako lumapit sainyo eh. Chour lang! Tara" sabi ni Althea at nauna pang pumasok sa loob.

"tara baka malate tayo"

Ganon nga ang ginawa namin, hinatid namin si Althea sa nbs at bumili sa convinient store ng pagkain.

"wala na kami ni Bea" biglang sabi ni Minho.

Gulat akong lumingon sakanya.

"huh?! Teka ang gulo mo sabi mo fling lang kayo then sasabihin mo na wala na kayo as in break?"

Tumawa siya, "tanga! I mean tinigilan ko na siya"

"eh bakit?"

"nakakasakal kasi siya eh. Ang higpit niya eh nung una pa lang pinaliwanag ko nang wala kaming label as in pure fling lang"

"di kaya masyado kang naging harsh? Nako kilala pa naman kita, pasmado minsan yang dila mo at masakit ka magsalita"

"hindi naman. Alam niya na yon tsaka ok lang sakanya" sabi niya.

"tsk tigilan mo na yan nakakasakit ka na ng feelings eh!" saway ko.

"di ah"

"ay tumanggi pa. Bahala ka nga, dadating din karma mo tsk"

"ok lang. Matagal ko nang tanggap yung naging karma ko" sabi niya.

Lumingon ako sakanya at nakitang sobrang seryoso niya nung binaggit yung linyang yon.

"uy ang seryoso mo naman"

"haha wala. Ready ka na malapit na tayo sa univ" sabi niya sa 'kin.

Di na rin ako nagsalita.

Anong karma naman kaya yung sinasabi niya?

__

Bestfriend | 이 민호Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon