Keira's
"samahan nyo nga ako sa clinic" sabi ko kay Hana at Marion.
Kakatapos lang ng computer class namin at kaklase ko sila.
"may sakit ka?" nag aalalang tanong ni Marion.
Umiling ako, "hindi. Samahan nyo lang ako"
Inayos pa muna namin yung gamit namin bago pumunta lang clinic. Chinat ko si Minho na hintayin nalang kami don.
"hintayin nyo nalang ako dito" sabi ko sa dalawa.
"huh? Ano ba kasi ginagawa natin dito? Di mo sinabi kung bakit tas ayaw mo pa na samahan ka namin sa loob" ani Hana.
"ang oa mo tanga" sabi ni Marion sakanya.
"may di ka sinasabi eh, aminin mo, nilalandi mo yung nurse na lalaki noh? Sana all!" si Hana.
Hinampas ko siya, "gago baka may makarinig sayo"
"omg! So totoo nga? Fokfok ka ah!" sabi niya.
"hindi! Ang bobo mo aish! Hihingi lang akong gamot para sa masakit na ulo"
Sinabi ko nalang yung dahilan kung bakit kami pumunta sa clinic dahil ayaw akong tigilan ni Hana.
Sobrang oa niya.
"good afternoon" bati ko sa nurse.
Eto yung nurse na sinasabi ni Hana.
"good afternoon. What's the problem?" he asked.
"kailangan ko po kasi ng gamot. Masakit po yung ulo ko kasi puyat po ako kagabi" sabi ko.
Madami pa siyang tinanong bago ibigay sa 'kin yung gamot. Pagkalabas ko kasama na nila si Rea at Felix.
"oh anong problema niyan?" Rea asked the girls.
"masakit ata ulo" Marion shrugged.
Sabay sabay kaming pumunta sa canteen.
"uy ok ka lang ba?" tinanong ako ni Rea.
"oo naman"
"eh masakit ulo mo eh. Bakit kasi pumasok ka pa?"
Isa pa siya na di ako titigilan sa kakatanong, "si Minho yung masakit yung ulo. Humingi ako ng gamot baka kasi di pa umiinom eh"
"aling ulo?"
"ewan ko sayo. Bastos puta, tara na" sabi ko.
Nandon na sila Minho kasama sina Seungmin, Changbin, at Jisung sa table pero wala pang pagkain sa harap nila, mukhang hinintay nga kami.
Tumabi ako kay Jisung, pero nasa harap ko si Minho.
Totoo ngang puyat siya, nagsasapakan yung eyebags niya eh.
"ok lang ba? Punta ka kaya sa clinic muna. Medyo namumutla ka rin oh" sabi ko sakanya.
"order muna kami ah? Ikaw, Keira? Order na rin kita ng food mo" sabat ni Erich.
Tumango ako.
"ok lang. Medyo inaantok pa"
I handed him the medicine. He raised an eyebrow at me, asking.
"inumin mo yan pagkatapos mo kumain" sabi ko.
"binigyan na din ako ni Abby"
Ako naman ang nagtaas ng kilay. Kailangan talaga sabihin niya? Tsk bakit ba ako naiinis?
"edi akin na, balik ko sa clinic" sabi ko at kukunin na sana yung gamot kaso nilayo niya.
"eto nalang iinumin ko, mas gagaling ako dito" sabi niya.
"uh, parehas lang yon"
He shrugged, "pero magkaiba yung nagbigay"
__
Ok so,,, I'M REALLY TRYING MY BEST NOT TO PUBLISH ONLY NARRATION. Feeling ko kasi ang sagwa na masyado huhu sorry na!
BINABASA MO ANG
Bestfriend | 이 민호
De Todo[[COMPLETED]] "No. 1 rule is bawal mafall kay bestfriend" ─ • ─ Skz series #2 [Date Started: 10/01/20] [Date Ended: 12/03/20]