Nakarating na sa Meiji University sina Ruki at Mizuki. Dahil first day of school, maraming estudyante ang palakad-lakad lalo na ang mga freshmen na katulad nila habang ang iba naman ay masayang nagkita-kita after ng summer vacation.
"Ano ihatid pa ba kita sa classroom mo?" Tanong ni Ruki.
"Hindi na, kaya ko na mag-isa. Madali lang naman siguro hanapin to." Sabi ni Mizuki.
"Sigurado ka huh? Sige magkanya-kanya na tayo. Magtext ka kapag nasa classroom ka na ok?"
"Ok."
Nagsimula nang maghanap sina Ruki at Mizuki sa classroom nila. Madaling nahanap ni Ruki ang classroom nya samantalang nahirapan naman si Mizuki. Isa sa mga leading school ng Meiji University ang School of Science and Technology kaya naman napakaraming department sa loob nito at malaki rin ang nasakop nitong building. Halos wala nang naglalakad sa corridor ng mga building floor pero hindi pa rin nahahanap ni Mizuki ang classroom nya. Late na sya.
"4th floor, North Wing Class A...Eto pala..!!late na ko." Sabi ni Mizuki sa isip nya.
Pagpasok ni Mizuki ay napakatahimik at nagsususlat ang mga estudyante. Eto na ang isa sa pinaka nakakahiyang experience nya. First day of school pa naman.
Meron nang nagbabantay na professor sa loob ng classroom.
"Yes Miss?, dito ka ba?"
"Yes sir."
"Lee Hanamizuki, ok. Ikaw na lang ang kulang dito. Late ka na. Sige, please take your seat."
Hindi malaman ni Mizuki kung saan sya uupo dahil ang tingin nya ay wala nang bakanteng upuan sa loob sa classroom. Nagulat sya nang biglang may isang tumawag sa kanya.
"Uy, anjan ka na pala.! Buti nakarating ka na. Dito! Ni-reserve kita ng upuan." Sabi ng isa sa mga classmate nya.
Umupo naman agad si Mizuki sa tabi ng classmate nya na tumawag sa kanya.
"Ok lang yan kahit late, nagsusulat pa lang naman ng student info sa index card. Ayan yung sayo sa ibabaw." Nakangiting sinabi ng classmate nya.
"Thank you."sabi ni Mizuki.
Sobrang nakakahiya para kay Mizuki na na-late sya sa unang araw ng klase nya. Never pa ito nangyari sa kanya. Top student si Mizuki nung High School at lagi syang maaga sa klase. Medyo nabawasan naman ang nararamdaman nyang kahihiyan dahil may kumausap naman sa kanyang classmate nya. Buti nalang ay umabot pa si Mizuki sa introduction ng professor sa subject nila. Pagkatapos ng klase nila ay nagtext sya kay Ruki.
Mizuki: Late ako sa klase ko. Ang tanga ko..nahirapan akong hanapin.
Ruki: 🤪
Habang nagtetext si Mizuki ay napansin nyang nakatingin sa kanya ang classmate nyang tumawag sa kanya.
"Mmmm...Hi...? Thank you pala kanina. Ako si Hanamizuki...ikaw..?
Medyo naiilang kausapin ni Mizuki ang classmate nyang ito. Naisip nya na medyo weird ang itsura nya. May ugali pa namang judgemental si Mizuki. Hindi pa rin umaalis sa pagkakatingin sa kanya ang classmate nya.
"Ok ka lang? Tanong ni Mizuki.
"Ah..oo ok lang ako. Hi... ang ganda ng name mo. Ako naman si Inoo Kei.." energetic na sinabi ng classmate nya.
"Ah..Inoo..? Ngayon ko lang narinig yung family name mo..
Lalong pang nadagdagan ang pag-iisip ni Mizuki na weird talaga ang classmate nya. Iniisip nya na taga ibang planeta si Inoo dahilvsa mga weird nitong mga kilos at expressions.
YOU ARE READING
Our Same Word
FanfictionThis is just a fanfic. This is my first time. Sorry if I write in my native language Writing English for so long is hard for me. Please take care of me...😊😊 This story is about family, friends, love ones.