CHAPTER 10

4 0 0
                                    

[KEIRO CLEMENTE]

August 20, 2020.

The days passed went good. Noong sinali ko si Sachimie sa grupo namin, madami siyang nailapag na conclusions– dahilan para magkaroon kami ng progress.

Pinayagan namin siyang sumali kapalit ng pananahimik niya. Sigurado ako na pag nalaman ni Sir Fiverro na tuloy pa rin kami sa pag-iimbestiga, patay kami. Not literally dead. Just doomed.

Naagaw ng isang babae na mabilis na tumatakbo palapit sa direksyon namin ang atensiyon ko. Nandito kami ni Abigail, Kaizo at Sachimie, sa isang table sa canteen.

"Kaizo!" Tumigil siya sa tapat ng table namin at huminga muna. Ang layo siguro ng tinakbo niya.

"Bakit?" Nag-tatakang tanong ni Kaizo sa babae. Nagbigay siya ng isang piraso ng papel at tinignan naman ni Kaizo ang nakasulat doon.

"Si Brilynn kasi, nawawala siya." Sabi niya kaya naman nag-karoon ako ng interes sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Nawawala? Paanong nawawala?" Si Abigail naman ang nagtanong sa babae.

"Nung nasa klase, nagpaalam siya na magr-restroom tapos di na bumalik. Naka-recieve ako ng text message at sabi, pumunta daw ako sa pinakadulong cubicle kasi emergency daw. Nakita ko 'yang papel sa pinakadulong cubicle." Natatarantang sabi niya kaya inabutan naman siya ni Sachimie ng isang basong tubig.

Restroom. Text Message. Ganun din ang nangyari no'ng nawala si Kaze.

"Then, Brilynn must be in danger." Sabi ko at lahat sila ay napatingin sa'kin.

"Please, iligtas niyo siya. Hanapin niyo siya." Nanginginig ang boses ng babae at mahahalata mo ang pag-aalala sa itsura niya.

"Oo na. Kumalma ka na. Kami na ang bahala." Sabi ni Kiro. "Aasahan ko kayo." Huling sambit ng babae bago siya naglakad paalis.

"Keiro, paano mo naman nasabing nasa panganib si Brilynn?" Tanong sa'kin ni Abigail.

"Remember Barbie? I recieved a text message from her na may ipapakita daw siya sa room 304. But when I reached the location she sent, I found her hanging." Paliwanag ko kaya naman napatango si Abigail.

"I hope when we found her, she's still breathing." Dugtong ko pa sa sinabi ko.

Nakita ko si Kaizo na tinitignan ang papel na nanggaling sa babae. "Ano ang nakasulat?" Tanong ni Sachimie sakan'ya.

"Code." Maikling sagot nito habang naka-focus sa papel na hawak niya.

"Patingin kami." Sabi ni Abigail kaya nilagay niya sa gitna ng table ang papel at nakita namin lahat ang nakasulat roon.

--- -... .--. --.- --- .-.. .-.. .---

"Obviously, Morse code." Sabi ni Kaizo. Familiar din sa'kin ang code na 'yan pero hindi ko kabisado.

Sa totoo lang, I'm no detective. Hindi ko hilig ang mag-imbestiga, mangolekta ng clues, connect the dots and the puzzle pieces. Kailangan ko lang gawin para kay Kaze.

"Alam mo ba kung paano yan i-decode?" Tanong ni Abigail at tumango naman si Kaizo. As I observed, Kaizo is good at decoding. Madami siyang alam na code.

Inilabas ni Kaizo ang ballpen at nagsulat sa papel. Tintignan niya ang bawat dot and dashes at inaalala kung anong letter ang ibig sabihin nito.

"Hindi ko maintindihan." Sabi ni Kaizo at ipinakita sa'min ang sinulat niya sa papel.

OBPQOLLJ

"Sigurado ka bang tama 'yan?" Tanong sakan'ya ni Sachimie.

"Oo, sigurado ako. Ilang beses ko na chineck." I can see the confusion in Kaizo's face.

"Maybe, dalawang code ang ginamit." Sabi ko sakan'ya dahilan para mapataas ang dalawang kilay niya.

"Ano namang code 'to?" Tanong niya. "Hmm, let me help you." Sabi ni Sachimie sakan'ya. Nakita ko naman si Kaizo na napakagat ng labi at halatang pinipigilan ang ngiti.

Sachimie browsed on her phone. "You know Caesar Cipher?"

Kaizo nodded as his response. "Yep. Yung letters shifting. Walang number na nakalagay so it must be shift equals to three." Sabi ni Kaizo at muling nag-sulat.

A=D, B=E, C=F, D=G, and so on. Just shift the letters into three or any shift number given.

Uwian naman ngayon at nakatambay lang kami sa canteen kaya ayos lang na magtagal kami dito.

Maya-maya lang ay natapos na si Kaizo sa pagsusulat.

OBPQOLLJ = RESTROOM

"Restroom? Baka sakaling nasa restroom si Brilynn." Sabi ni Abigail.

"The question is.. saang restroom?" Tanong naman ni Sachimie. Highschool campus has one building with four floors. Each floor has two restrooms. Bale may 8 restroom sa building.

"Alam ko na. Abigail, check the two restrooms at first floor. Sachimie, the second floor is yours. Kaizo, third floor at ako na sa fourth." Sabi ko sakanila at sumang-ayon naman sila sa plano ko.

"Wait, yung dalawang restroom sa bawat floor ay para sa lalaki at babae. How can I enter the restroom for boys?" Tanong ni Abigail. Yeah, she has a point.

"Abigail, uwian na. Umuwi na siguro karamihan sa mga studyante. Wala ng masyadong gagamit ng restroom. Malas nalang pag may nadatnan ka pa." Nginitian ko siya dahilan para mapasimangot siya.

"Tara na. Kita tayo dito sa table na 'to pag natapos na kayo." Sabi ko at nagsitayuan na kami mula sa table na in-occupy namin.

Dumeretso ako kung nasaan ang hagdanan. Kasabay ko pa umakyat si Sachimie at Kaizo pero ako nalang ang nakarating sa fourth floor.

Una kong pinasok ang restroom ng girls. Luckily, no one's in there. Pagbukas ko sa cubicle ay wala akong nakitang Brilynn pero may nakita akong piraso ng papel.

Tinignan ko ang nakasulat. 'M'. Ano 'to? Baka clue. Binulsa ko nalang at pumunta sa ibang cubicle. Tatlo lang naman ang cubicle kada restroom pero wala na akong nakita.

Tinungo ko naman ang restroom para sa mga lalaki. S'yempre may cubicle din dito para sa mga tinawag ng kalikasan.

Inisa-isa kong pinasok ang cubicle at nakakita ng dalawang piraso ng papel.

'M', 'N', 'I'.

Ayan ang nakasulat sa tatlong papel na nakolekta ko. Pagtapos ay agad na akong bumaba at tinungo ang canteen. Nakita ko silang tatlo na hinihintay ako. Ako kasi ang nasa fourth floor kaya ako ang mahuhuli.

Nakita ko ang mukha ni Abigail na nakabusangot. "Anong nangyari sayo?" Tanong ko sakan'ya.

"Eh kasi may nakita akong lalaki na gumagamit ng cubicle! Tinawag yata ni mudra Earth. Manyak daw ako!" Sabi nito at ngumuso.

Natawa nalang ako at napailing. Malas ng babaeng 'to.

"Anong nakita mo?" Tanong sa'kin ni Sachimie. Inilabas ko naman ang tatlong piraso ng papel na may tig-iisang letrang nakasulat dito.

"Oh, same here." Sabi ni Sachimie na naglabas ng dalawang piraso ng papel na may nakasulat na tig-isang letra.

Si Abigail ay naglabas din ng dalawang pirasong papel. Ganun din si Kaizo na dalawa din ang hawak.

Inipon namin lahat ng papel sa table na ino-occupy din namin kanina.

"Alamin na natin ano ang ibig-sabihin ng mga papel na 'to."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glass of WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon