CHAPSKY #1

17 2 0
                                    

RED POV

" Violet alam mo na plano natin ha? Ikaw na bahala sa baby ko....mag-aayos na ako and salamat sa tulong niyo guys" nakangiti kong sabi nila violet. Kasama ko ngayon sina blake at violet kasi may gagawin ako ngayon para sa baby ko which is the one and only, Ivy💜

This day would be the best day of my life and i hope she would say 'yes'
I already asked her parents about my plan and salamat sa Diyos at pumayag sila sa plano ko.

I am currently in my condo right now kasi naghahanda na ako para sa mangyayari mamaya. Plano kong mag propose na kay Ivy kasi feel ko masyadong na siyang malandi--- CHAROT HAHAHAHA BAKA BATUKAN NIYA AKO PAGNALAMAN NIYA TO😁

I want to propose to her because I can't wait to be with her and gusto ko na siyang maging asawa. I want to grow old with her and show her the best version of myself

Tinawagan ko na mga kasabwat ko dito sa plano ko and paksheyt ngayon ko lang naramdaman ang matinding nerbyos kasi baka hindi mag yes si ivy......baliw pa naman yun minsan hehehehe labyou baby ko😁✌🏻

Well, its either a yes or no, but whatever her answer is...... You are still mine hehehehe

IVY POV

" SISSSSS!! SI RED!! MAY NANGYARI!!!" Tang*na ang sakit sa tenga! Kahit naka headphone ako, maririnig ko pa rin ang sigaw niya pero di ko nga lang naintindihan

" PUTEK VIOLET CHILL LANG!! PARA KANG EWAN JAN! ANO ULIT SINABI MO?" tanong ko sakanya sabay tanggal ng headphone ko. Nakikinig kasi ako ngayon ng music habang nagbabasa ng mga profiles ng mga bagong miyembro sa mafia.

" Si Red kasi sis.....may nangyari"

Si unggoy??

" Anyare sa unggoy na yun? Nahanap na ba siya ng mga taga mental? naku sis sabihin mo di ko yun kilala" natatawang sabi ko sakanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin

" SI RED TANGINA AYUN PINATULFO! SIRAULO YATA NAG SUMBONG SAKANYA KAYA KUNG AKO SAYO, PUNTAHAN MO NA KASI ANG NARINIG KO, NAKABUNTIS DAW SIYA
AND BINALEWALA LANG DAW NI RED"

Nanaman?!! Putek ilan ba nabuntis ng siraulo na yun ughhh! Busheyt seryoso ba to?!! Bat may tulfo?!!!

" Hoy sis wag mo akong pag tripan dito, busy ako and wala akong time para sa tulfo tulfo na yan" Pero gagi pano kung totoo?! Ang landi pa naman ni unggoy ughh! PAG YAN TOTOO IPAPATULI ULIT KITA UNGGOY MAKIKITA MO!

" Tawagan mo pa si Red sis para legit talaga" Sabi niya kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya

" b-baby ko...." rinig kong sabi niya

" Wag mo akong ma baby baby jan! Anong trip mo ha? Anong pinagsasabi ng kambal ko na nakabuntis ka? Wow Red di mo sinabi na idol mo na si tulfo!"

" Baby naman..... tulungan mo naman ako dito please. Ang creepy ng babae huhuhu sabi niya ako raw ang ama pero di naman ako papatol sa mga babaeng late 40's na😭 Sabi niya ako raw yung naka s*x niya noon putek baby ko huhuhu-----virgin pa kaya ako😭"

Di ko alam kung matatawa ba ako or maiinis sa sinabi niya pero dahil may umeksenang babae sa lablyp ko humanda ka!

" Sge, hintayin mo ako jan....ako mismo magtutuli sayo putek ka unggoy ang landi ng birdie mo!"

Pasigaw kong sabi sakanya at iagas kong inend ang call.Narinig ko naman si violet na tumawa kaya hinagisan ko nalang ng unan gagi nagawa pa niyang tumawa nakuuu stress is real talaga!

Kinuha ko yung baril ko in case na kailangan ko yun e deads pero joke lang yun...in case of emergency lang and kinuha ko na rin yung malaking gunting para sa pagpapatuli ni red putek kumukulo na dugo ko

Paalis na sana ako nang pinigilan ako ng kambal ko

" T-Teka sis!! Pupunta ka dun na nakaganyan lang? Seryoso sis? Sando at short tapos boots pa? KALOKA KA SIS MAGBIHIS KA!"

sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay🤨 Anong problema niya sa suot ko? Gusto niya bang mag gown ako sabay sabi na ako ang original ni unggoy? Tangina luma na yan!

" Sis, eto trip ko kaya gorabells na tayo! Naiinis na ako sa kakaisip na may babaeng paepal sa lablyp ko!"

" Asuss sis, baka pag nakita mo yung ghurl na yun...ma iinsecure ka kasi kahit medyo matanda na, sexy pa rin. Baka pagnagkita kayo...ehemm baka mas lamang pa siya sayo sge kaaaa"

ARGHHH! BUSHEYTTT KAILANGAN PA TALAGA MAY GANYAN???

" Gagi ka sissss! Wag mong e lason ang isip ko taena OO NA MAGBIBIHIS NA!!"

VIOLET POV

Sheyt hahahaha natatawa na ako🤣 Nakita kong nag-ayos talaga si kambal tapos may narinig pa akong bulong niya na ' putek kang babae ka, retokada ka lang, original ako!'

Tinext ko na si red na paalis na kami and maghanda na sila. Ewan ko ba kung bakit eto naisip niya na paraan. Ang weird ng way niya pero go with the flow nalang tayo.

" Tara na sis, makakatikim ng mag-asawang suntok ang babae na yun!" inis na sabi ni kambal kaya tumango na rin ako at agad kaming umalis papunta sa venue. Baka iniisip niyo sa office ni tulfo magaganap ha, sa resort na pagmamay-ari nila red magaganap ang proposal aweeeee

Habang nagmamaneho yung driver namin na maghahatid sa venue, biglang nag ring yung phone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sino yung caller and it was josh kaya sinagot ko agad ang tawag.

" Oh? Bakit napatawag ka?" tanong ko

" Dora, humihingi ng update si pareng red about sa baby niya gagi kanina pa ako kinukulit neto!" napatawa naman ako sa sinabi niya hahaha gagi ka red...halatang kinakabahan😆

" Pakisabi na ihanda niya birdie niya kaloka may dalang malaking gunting si kambal hahaha🤣" Pero syempre hindi ko yun nilakasan...mahina lang boses ko kasi si kambal nandun sa likod and nandito ako sa front seat

" Hahaha awit sge dora ko, ingat kayo jan haaa alabyouuu😘 Wag kang mag-alala kasi kung tulfo sila, tayo naman kmjs para bongga ayieeee"

" Tang*na tseh! pinagsasabi mo jan! Sge na king kong mamaya na tayo mag-usap baka magtaka si kambal babye!"

" i lab yo------" Gago ka king kong di naten moment ngayon kaya bawal kiligin si self. Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya nakuu baka ma ewan ako dito

" ma'am nandito na po tayo" sabi ni manong driver kaya tumango ako at sinabihan si Ivy na nakarating na kami

" Seryoso ka dito sis? Saan dito ang poster ni Tulfo?" tanong niya and halatang nagtataka na to kasi ang sosyal ng lugar na eto and hindi pangtulfo vibes hahaha

" Lumipat siguro sila dito sis hehehe tara na baka maagaw pa unggoy mo!"

Gagi nagpapasalamat talaga ako minsan na may pagkaslow si kambal🤣 Daling dali naman sumunod si kambal sakin papasok sa look ng venue. Nakahanda na gunting niya sheyt lagot ka red🤣

" MAGPAKITA KA SAKIN NGAYON URANGGUTAN! LENGYA KA ANG LANDI MOOOOO NAGPATULFO PA TALAGA----TANGINA BA'T NAG BROWN OUT DITO SIS?!"

Kaloka si Ivy di pa nga kami nakapasok sumisigaw na hahahaha and yes sinadyang patayin lahat ng ilaw dito sa loob para di niya makita ang design

" HOYYY BA'T MAY KANDILA SA GITNA?! ANUBAYAN UNGGOY SAAN KA NA?! IPAPATULI PA KITA! MAGPAKITA KA NA!"

sheytt hahahahhaa laptrip ka talaga kambal🤣 automatic candle yung nakita niya and nag form iyon ng heart shape sa gitna

Sumulyap ako sa may bandang kanan ng silid na eto and nakita ko na papalapit na si red sa gitna na may dalang gitara. AYIEEEE ITS SHOW TIME!

THE LOST HEIRESS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon