/Janine's POV/
*Kriiiing Kriiiing*
^5:30 AM^''Ahhh! Panirang alarm clock ang sarap ng tulog ko ta--''
Naputol yung sasabihin ko nung nag sink in sa utak ko na First day of school nanaman pala. Haays mapapagod nanaman akong magpakilala sa mga bago kong kaklase.
*knock knock*"Pasok nakabukas y--"
Di ko pa natatapos yung sasabihin ko eh pumasok na kaagad yung kumakatok.
"O, Ma! Ikaw pala. Goodmorning" sabay lapit at halik sa pisngi.
"Goodmorning rin baby. O, bakit di ka pa naliligo may pasok ka pa. Nakakahiya naman kung malate ka anak diba? Unang araw mo pa naman" kunot noo niyang sabi.
Kinuha ko naman ang alarm clock mula sa side table ko at ipinakita sakanya.
"Eh Ma! Look oh 5:30 palang naman eh atsaka kakagising ko lang po." Sabay pout."Aww ang baby ko nagpapacute pa, Sge maligo ka na nga at magluluto muna si Mama at Yaya ng breakfast mo ha." Ekh :3 di naman ako nagpapacute eh kasi cute naman talaga ako si Mama talaga!
"Sge na nga i'll take a bath na, but be sure na you will cook my Baconloves" with matching ngiti na abot tenga.
"Oo na may pa loves ka pa diyan eh" sabay lakad papuntang pintuan..
Bago pa man maisara ni Mama Janice ang pintuan sinabihan niya muna ako ng 'Goodluck anak' kung maka goodluck naman itong si Mama eh parang sasali ako sa isang marathon.
------------------------------------------------
So ayun na nga tapos na ako maligo at magsuot ng uniform. Infairness medyo sassy yung uniform ko sa bago kong school isa siyang White Baby collar blouse and skirt na knee length with tie and black blazer. So yun na nga nakaharap ako sa salamin ng kwarto ko while naglalagay ng light foundation at lip balm syempre gusto ko rin maging presentable at maganda pero yung sa simpleng paraan lang. Pagkatapos kong mag ayos bumaba na rin ako.
Habang bumababa ako ng hagdanan nadaanan ko si Yaya Linda na naglilinis sa may Veranda.
"Oh hija, good morning! Goodluck sa klase mo mamaya lagi mong tatandaan yung payo ko sayo na be yourself no matter what happen ha" sabi niya habang may abot tengang ngiti.Sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti at nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining room. At naabutan ko doon si Mama na naghahanda, umupo ako sa isa sa mga upuan at nagsimulang kainin ang 'baconloves' ko na niluto pa ng pinakamamahal kong nanay.
Umupo rin si Mama sa harap ko habang umiinom ng isang tasang capuccino.
Binasag ko ang katahimikan ng nagsimula akong magtanong.
" Ma, did Papa told you already na uuwi siya from NYC para sa debut ko sa susunod na buwan? " tanong ko habang kumakain.
Tumango lang siya at ngumiti sabay sabing "Of course he told me na uuwi siya, so are you excited for your debut next month?" Ngumiti ako ng napakatamis at napakalaki na labas pati gilagid.
"Yes Mama, I can't wait finally mag e'eighteen na rin po ako " Ngumiti lang si Mama at tinuloy ang pag inom niya ng capuccino.
After kong kumain ininom ko yung apple juice na handa naman ni Yaya Linda at nagpaalam na sakanila upang makaalis na papuntang 'Royal High Academy ' nagpahatid ako kay Manong Luis papuntang eskwelahan.
------------------------------------------------
So this is it? Malayo palang tanaw ko na ang R.H.A mula dito sa loob ng kotse. Napa nganga ako literally. Napakaganda ng paaralan mala-palasyo ang mga disenyo nito at halatang gawa ng mga professional architect and engineers. Lumabas ako ng kotse at binilin kay Manong Luis na sunduin ako after class.
Pagpasok ko palang sa loob ng R.H.A napa nganga nanaman ako ulit literally habang iniikot ang panignin sa paligid, kung gaano kaganda yung panlabas na anyo ng paaralan eh triple naman ang ganda sa loob. 'So Royal High Academy here I come! ' Sambit ko sa isip ko
------------------------------------------------
(A/N: Hii :* I hope kahit papaano ay magugustuhan niyo ang mga susunod na chapters. Sorry kung maikli itong chapter na ito phone lang kasi gamit ko sa ngayon pero babawi ako :) And sorry kung di ako masyadong magaling amateur writer lang po ako :) :* Dedicated po tong Chapter kay alfreedz dahil siya ay isa sa mga inspirations ko. Isa siyang fashion blogger/writer na minsan na ring nahusgahan pero go lang ng go!)
BINABASA MO ANG
Royal High Academy
РазноеNasubukan mo na bang magkagusto sa isang taong di mo inaasahan? Nasubukan mo na rin bang mag-aral sa isang mala-palasyong eskwelahan? Ano kaya ang magiging kapalaran ni Janine Chua sa Royal High Academy? Mapapagkatiwalaan nga kaya niya ang mga taong...