/Roxanne's POV/
Nakaupo ako ngayon sa tabi ng bago naming kaklase na si Janine, kaya ko siya pinaupo sa tabi ko kasi gusto ko siyang protektahan mula 'sakanila' alam kong kahit bagong lipat si Janine ay di aabsweltuhin o di gagawan ng masama. Simula noong nalaman kong 'sila' ang pasimuno ng lahat ay di ko na hinahayaang may mapahamak pa ng dahil 'sakanila' lalong-lalo na't may alam na ako.
"Ms. Velasco!" Napabalik ako sa realidad ng may sumigaw sa pangalan ko. Napatayo ako kaagad ng mapagtanto ko na si Ma'am Dina Rivera pala ang sumigaw.
"Y-yes Ma'am?" Utal-utal kong sabi.
"Kanina pa kita tinatawag solve item #2 in the board NOW!" Sigaw niya. Ito talagang si Ma'am napakahilig sumigaw parang si 'David Santiago' lang ng 'Boy Of My Dreams' napakataong bundok kung tutuosin. Pero mabait naman itong si Ma'am Dina kaso matandang dalaga nga lang kaya ganito kung makaasta.
"Yes Ma'am" sagot ko at sinagutan na ang math problem sa board. Buti na nga lang at alam ko kung paano sagutin kung hindi mapapahiya nanaman ako. Ito pa namang si Ma'am Dina ay mahilig magpahiya ng estudyante.
"Very good, Ms Velasco! Akala ko ay hindi ka na nakikinig mukhang tulala ka kasi eh" at pinagpatuloy na niya ang pagtuturo. Natapos ang 1st subject namin at bigla namang pumasok ang susunod na guro.
"Ahm Okay Good Morning Class! I'm Miss Bethina Delgado, I will be you're English teacher and also your Class Moderator" nakangiti niyang sabi at inilibot ang tingin sa buong klase.
"And before i forget this friday ay magkakaroon tayo ng 5 days camp sa tagaytay" Nakangiti niyang sabi. Base sa mga ekspresyon ng mga kaklase ko ay masasaya sila perod di maaalis sa itsura nila ang takot. Bakit? Dahil ng nakaraang school year ay maraming namatay sa di malamang dahilan pero brutal ang pagkamatay nila kaya base sa mga imbestigasyon ay pinatay sila ng kung sino man. Pero hanggang ngayon ay di parin nareresolbe ang kaso.
Ngunit ang hindi nila alam ay may natuklasan akong isang bagay. At yun ay kung sino ang mga may pakana nito sa pagkakaalam nila ay 3 ang killers pero 2 lang ang kilala ko, di ko alam kung bakit 'nila' ginagawa ito.. lalong lalo na't ang alam ng lahat ay mababait 'sila' nalaman ko ito noong aksidenteng narinig ko 'silang dalawa' na nag uusap sa may quadrangle last school year.
*flashback*
Pauwi na ako kahit maaga pa, birthday kasi ng kapatid kong si Chloe, kaso napahinto ako ng may naririnig akong dalawang taong nag-uusap. Ang akala ko ay di 'sila' close o magkaibigan, di ko nga alam na naguusap din pala 'sila'.
"Nagawa ko na ng maayos ang pinapagawa 'niya' , nagawa ko nang patayin si Cindy" oh gosh 'siya' ang pumatay kay Cindy? Di ko mapigilang maluha.. 'Siya' ang pumatay sa taong minsan na ring nagligtas ng buhay ko sa kapahamakan. Sigurado akong tatlo sila dahil may binabanggit siyang 'siya' at sigurado akong siya ang master mind.
"Bilib na ako sayo, sigurado akong matutuwa 'siya' baka nga eh magpaparty pa tayo niyan"
Di ko na natiis ang mga pinasasabi nila at pinunasan ko na ang mga luhang pumapatak sa mata ko at umalis na ng R.H.A
*END OF FLASHBACK*Kaya simula ng araw na iyon ay binabantayan ko na ang mga galaw 'nila'.
Bumalik ako sa realidad ng may tumapik sa balikat ko.
"Ayy!" Gulat kong sabi."Ay pasensya na Roxanne di ko naman intensyon na gulatin ka.. gusto ko lang magtanong bakit ganon?" Sambit ni Janine ng may pagtataka.
"Ang alin?" Balik-tanong ko. At sa nagtatakang tono.
"Bakit parang may takot sa mga ekspresyon ng mga kaklase natin? Eh diba pag may camping dapat lahat masaya?" Nagtataka niyang tanong, napansin niya pala.
"Ahh k-ka-kasi Janine madami kang hindi pa nalalaman tungkol sa Paaralan na pinasukan mo" utal kong sagot. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat pero mas lamang ang pagtataka sa ekspresyon niya.
"Huh? Gaya ng alin Roxanne? Sa pagkakaalam ko napakaganda ng background details ng Royal High Academy ah?" Nagtataka niya pa ring tanong.
"Di lahat ng nababasa o naririnig mo Janine ay totoo na, at di lahat ng tanong ay masasagot kaagad hayaan mo Janine balang araw ay matutuklasan mo rin" makahulugan kong sambit habang nakatingin sa mga mata niya.
"Ahh eh--" magtatanong pa ata siya pero bigla nang nag umpisang magturo si Ma'am Bethina.
/Janine's POV/
Magtatanong pa sana ako kay Roxanne ngunit nagsimula na ang aming klase..
Kaso entire period ay wala akong maintindihan dahil paulit-ulit na nag pplay sa utak ko ang mga sinabi ni Roxanne. 'Di lahat ng nababasa o naririnig mo Janine ay totoo na, at di lahat ng tanong ay masasagot kaagad hayaan mo Janine balang araw ay matutuklasan mo rin' nagtataka na nga talaga ako..
Simula kasi kaninang umaga napapansin ko may kakaibang aura ang eskwelahan na to aside sa pagiging engrande at Mala-Palasyo ay meron rin palang nakakapanghinala at nakakapagtaka na side. Nakakacurious sobra.. i hope this 'curiousity' will end soon. Sana ay malaman ko na ang mga bagay na di ko pa alam. Sana nga...
(a/n: Sunod-sunod na UD hahahaha. Ginanahan ako eh kanina kasi 11 readers lang tas' biglang 39 naks. Hahahah ang babaw ko lol. So ayun thankyou kahit papaano may readers din pala ako hahaha. And yung sa part na nasali si David Santiago ng 'BOY OF MY DREAMS' trip ko lang po yun. Btw. Ang 'BOMD' po ay story ni alfreedz pwede niyo ri pong basahin maganda siya. So hanggang dto lang po muna :) :* -QueenJ♥ )
BINABASA MO ANG
Royal High Academy
RastgeleNasubukan mo na bang magkagusto sa isang taong di mo inaasahan? Nasubukan mo na rin bang mag-aral sa isang mala-palasyong eskwelahan? Ano kaya ang magiging kapalaran ni Janine Chua sa Royal High Academy? Mapapagkatiwalaan nga kaya niya ang mga taong...