good PRETENDER or MARTIR?

334 3 0
                                    

Ang pagmamahal hindi raw matatawag na pagmamahal,kung hindi karaw masasaktan.

Minsan kahit niloloko na sila at pinaaasa,bilang isang MARTIR kunwaring walang nakikita....kunwaring hindi naaapektuhan at nasasaktan.Pero pag mag-isa nalang sila ano ginagawa nila?umiiyak mag-isa,walang nakakaalam lahat sinosolo nila......

Sabi nila mag-tira daw para sa sarili....Pero mahirap gawin para sa taong lubos na nagmamahal at puso lang ang umiiral.Kahit anong paliwanag ang gawin nila hindi sila maiintindihan,kasi wala tayo sa kalagayan nila.Hindi tayo ang nasasaktan at umiiyak ng walang katapusan...

Kaya walang pinag-iba ang PRETENDER sa MARTIR eh....Ang taong MARTIR magaling mag PRETEND diba?.

OO,eksperto ang mga  MARTIR diyan kahit harap harapan ng ipamuka sa kanila na hindi sila ang mahal,ayun patuloy parin sila....Ibibigay ang lahat,bingi-bingihan,bulag-bulagan hanggang sa wala ng matira sa kanila.Sa madaling salita hanggang sa maging MANHID na sila..

TANGA.....

Yan madalas na itawag din sa kanila...hindi nila alam ang pagiging TANGA ay ang pagiging DUWAG.Kasi alam nilang hindi sila ang mahal pero hindi parin sila natitinag,hindi nagsasawa,hindi napapagod at patuloy parin sa pagmamahal at pagbibigay....

Katwiran pa nila,bakit ako mahihiya?bakit ko itatago ang nararamdaman ko?eh sa mahal ko siya eh.Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.

Minsan masasabi ding matapang din ang mga MARTIR,bakit?Kasi sila ipaglalaban nila yung pagmamahal nila lumigaya lang sila,hahamakin ang lahat lumigaya lang sila.Pero madalas ang nangyayari eh,kung sino pa yung nagmamahal ng totoo at tapat siya pang madalas nagdurusa.Kaya nga great PRETENDER ang mga MARTIR....kasi minsan sa sobrang manhid nila nagagawa parin nilang mag pretend na ok lang sila diba?.....

Kaya sa sobrang galing nila mag pretend hindi nila magawang magalit sa taong mahal nila.Paulit-ulit silang iniiwan,pero paulit-ulit parin silang bumabalik sa taong mahal nila.Tapos pag nasaktan sila ano nasa isip nila?PURO SIYA....SIYA...SIYA....SIYA kahit na durog na durog na sila,ayun tumatayo parin para sa taong mahal nila.Go lang ng Go hanggat may hininga pa.....

MAHAL KA PARIN NILA......


@Filipino forum
@love qoutes

"WALA LANG"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon