CHAPTER 2Nang makarating sa bahay ay dumeretso agad kami sa kwarto ko, nagluluto pa naman para sa hapunan napagpasyahan kong maligo muna dahil basang basa ako dahil sa lalaki na 'yon buti nalang hindi ako nakita ni kuya dahil siguradong magagalit yun. Pinasabi ko nalang kay manang na sabihin kay kuya na naka-uwi na kami. Si udette ay naupo sa may couch ko at nanoud ng tv. Nang matapos akong maligo ay niligpit ko na ang mga pinamili ko .Nilalagay ko na ang mga damit ko sa walk in closet ng may kumatok.
"come in"sabi ko sa kung sino man ang kumatok sa pintuan.
"Ma'am Tezia bumaba na daw po kayo sabi ni sir Dustine" Sabi ni manang mayordoma sa aming bahay.
"Mama del di ba sabi ko po sa inyo ceejay o tezia nalang po tanggalin n'yo na po ang ma'am dahil hindi na po kayo iba sakin".
Bata pa lang ako si manang del na ang mayordoma sa bahay,Mama ang tawag ko sa kaniya dahil siya den ang nag-alaga saken noon pa man.
"Hayaan mo na dito na ako nasanay e pero hayaan mo pagsasanayin ko rin ang pagtawag sayo ng Tezia, oh s'ya sige bumaba nalang kayong dalawa ni ma'am Udette at nakahanda na ang mga pagkain"Sagot ni mama del habang nakangiti sa akin, akmang isasara na niya ang pintuan ng magsalita akong muli
"Namiss kita mama Del"Wika ko ng may mga ngiti sa labi.
"Namiss den kita"sagot ni mama Del na may ngiti rin sa labi.
I closed my door and then Udette spoke.
"Why so sweet to manang del? "She asked while her eyes settled on me.
"You know mama del is always there for me and kuya since then"i answered and sit on the edge of my bed.
"Nga pala what happen earlier when i picked you up?"She asked again and I don't want to answer her but then, i found my self telling her every details of what happened to me with that jerk.
"So pinagkamalan mo s'ya pulubi pero naka Ferrari s'ya?" Agad na tanong n'ya.
"Oo kasi ang dungis ng mukha n'ya"Sagot ko at napatingin ako sa kanya ng tumawa s'ya ng malakas.
"No offend, cous, pero ang bobo mo sa part na pinagkamalan mong pulibi ang isang millionaire and maybe i don't know him but I'm sure that he's a millionaire a freaking Ferrari California T it's worth 10-12 million pesos"She said in between of laughter.
"I wish i never meet that jerk again!"i said and stood up and open the door.
Sumunod lang si udette sa akin pababa.Pagbaba ay sa hapag agad kami dumeretso at saktong nandoon na din si kuya at ang mga kaibigan nya.Tumayo si kuya at bumeso sa amin ni claudette.Tumayo din ang dalawang kaibigan ni kuya para lumapit sa amin.Gulat at pag hanga ang nabasa ko sa kanilang mga mata.
"Guys, this is the new version of cautezia"Pagpapakilala muli ni kuya saken.
new version?ano ako gadget na in-upgrade
"Baby this is Raver and Nicholas mga kaibigan ko,wala si Andrie at ruiz hindi makakapunta dahil may mga lakad daw but it's their lost not to meet my baby right?"Tila bebeso sana si Raver pero agad hinila ni kuya Dustine ang damit n'ya.Tila nakuha naman nila at naupo ulit.Natawa nalang kami ni Udette sa pagka-Oa nitong si kuya. Naupo na rin kami ni Udette at nag simulang kumain.
YOU ARE READING
The Untold Truth
Teen FictionMabago nga kaya ng katotohanan ang nangyari sa kanilang dalawa?Malaman nga kaya ni Cautezia ang tunay na nang-yare noong araw na iyon?Malaman nga kaya ni Sean ang inilihim sa kanya ni cautezia sa mga naka lipas na panahon at masabi nya nga kaya ang...