Narration
-
Pag dating ko sa tapsi parehas na silang nandoon. Nang makita nila ako tumayo kaagad sila at sabay akong niyakap.
"Uy, miss ka namin!" si Justine.
Humiwalay sila sa pagyakap sa 'kin at hinarap ako.
"Grabe bibyen tumangkad ka ng beri slayt," Si Justine ulit.
"Haha thanks." sarkastikong sabi ko.
Palihim naman akong sinabunutan ni Shaira kaya lumingon ako sakaniya.
"Oh?" tanong ko at tumawa.
"Na miss kita," nakangusong aniya.
Niyakap ko siya. Namiss rin kita.
Sabay-sabay kaming pumasok. Natigilan pa 'ko sa pag lalakad ng makita ang matagal ko ng gustong makita. Hala ang landi.
"Grabe, kaya ba ngayon mo napiling mag tapsi kasi alam mong kakain sila Hux ngayon dito?" she suddenly asked.
Umiling ako. Siniseen nga lang ako ni Hux e hmp.
Umupo na kami dahil si Justine nalang daw ang oorder.
"Luh, Gideon. Yun ba yung ex mo?" rinig kong tanong ng nasa likod namin.
Lumingon ako at napangiwi nalang ng mapansing nakatingin silang lahat sa 'kin.
Tinignan ko si Hux at diretso rin siyang nakatingin sa 'kin.
"Hindi naman naging kami." si Hux na nakatingin parin sa 'kin.
Ako ba yung pinag-uusapan nila? Wew.
Nakatingin parin ako sakaniya habang siya ay nag-iwas na ng tingin.
-
Tapos na kaming kumain at ganoon din ang mga nasa likod namin.
"Pwede ka bukas, bibyen?" si Shaira.
"Bakit? Aalis ka bukas?"
"Oo, birthday ni Dusk bukas. Invited ako hihi, sama kita."
"Ako, hindi?" tanong ni Justine at nakataas pa ang kilay.
"Hehe sige, sama ako." ako.
"Hindi ka raw invited, Justine e. Tsaka bawal daw mga unggoy doon," si shaira.
"arouch, sakit." si Justine. Nag kunwari pa itong nasaktan.
Pag tayo namin para sana umalis na ay siya ring pag tayo nila. Our gazes met again. Wow, english.
Nag-iwas ulit siya ng tingin at nauna pang lumabas sa mga kaibigan niya.
Lumabas din ako at sinundan siya.
"Hux!"
Lumingon siya sa 'kin. Nakataas pa ang kilay.
"Pwede ba tayong mag-usap?" ako.
Umiling lang siya at umalis na.
"Nako! Suyuin mo yun!" tumingon ako sa likod ko. Yung isa sa mga kaibigan niya ang nag salita.
"Huh?"
"Remember noong tinanong ka niya kung pwede raw ba kayong mag kita?" dahan-dahan naman akong napatango.
"That time dapat aamin yun sa 'yo. Kaso 'di mo sinipot e. Umuwing kulelat Hahaha!"
Napaawang ang bibig ko. Aamin? May feelings siya sa 'kin?
BINABASA MO ANG
captive | sunghoon
Random❝Kakain kaba sa Tapsi?❞ [COMPLETED] STARTED: October 31, 2020 ENDED: November 03, 2020 DATE PUBLISHED: Nov. 03, 2020