Devilia's POV
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas. Three long months without Xyzin possessing my body. Bawal muna. Sinabi ko sa kaniya na ayaw ko na muna. Baka may mangyari na namang kung ano habang wala akong kamalay-malay.
Tumalima naman siya. Hindi siya ko kinulit. Lagi lang niya kong sinusundan pero ayos lang naman iyon. Hindi naman big deal dahil wala naman siyang ginagawang masama.
Si kuya, busy pa rin siya. Wala pa rin silang matinong suspek sa mga kaso na hawak niya. Lalo na sa mga pagpatay na naganap.
Hindi ko na alam kung anong nangyari roon sa lalaking napatay ni Xyzin. Hindi na aabot sa 'min ang balita no'n dahil dalawang barangay ang layo. Sana nga lang walang witness. Siguro naman wala. Imposibleng hindi pa 'yon nakikita. Tatlong buwan na. Siguradong nangamoy na iyon. Baka nga bulok na bulok na.
Naaawa nga ako sa pamilya nang lalaki pero kailangan kong iligtas ang sarili ko. Kawawa si kuya kapag nakulong ako. At siguradong itatakwil niya ko.
Lagi akong pumupunta sa simbahan matapos iyon. Nagdadasal ng taimtim. Pinagkakalulo ko pa rin ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Nagtago ako nang bangkay ng tao!
Pabagsak akong umupo sa kama matapos maglinis ng kwarto ko at magpalit ng mga punda. Maalikabok na kasi dito. Gusto kong presko ang pakiramdam ng kwarto ko. Day off ko ngayon pero tinatamad akong lumabas. Ayaw kong lumabas. Baka may magtangka na namang humalay sa 'kin.
Nakita ko si Xyzin sa sulok ng kwarto ko. Nakayuko siya habang pinaglalaruan ang laylayan ng damit niya. "D-Devi."
I gulped.
Parang may kinikiliti sa sikmura ko tuwing tinatawag niya akong ganiyan. Bumait naman na siya. Binabantayan niya ko kahit tulog ako. Matutulog akong nakatitig siya sa 'kin at sa paggising ko ay ganoon pa din.
Nag-angat siya ng tingin at tuluyan ng tumitig sa 'kin.
Kapag nakatitig siya, parang may kung ano sa 'kin. Hindi ko maipaliwanag. Kakaiba na palagi ang pakiramdam ko sa kaniya. Madalas ko na rin siyang mapanaginipan pero parang ibang Xyzin ang nasa panaginip ko. Masyado kasing masiyahin iyong nasa panaginip ko.
Hindi naman ako naiilang sa kaniya. Iba lang talaga sa feeling.
Ano bang nangyayari sa 'kin? Weirdo na ba ko? I'm feeling something about him. Pero hindi masamang feeling. Siyempre kasi good boy naman siya these past few days.
Umupo sa tabi ko si Xyzin. Nakayuko pa rin siya.
"Bakit?" tanong ko.
"M-May ipagtatapat ako sa'yo."
Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang naghuhurumentado. Ano na naman ba 'to? Fudge!
"Ano ba iyon?" Pinilit ko na gawing kalmado ang boses ko.
"Gusto kong mag-sorry sa lahat ng kasalanan ko. Lalo na dahil naging sakit ako nang ulo sa'yo."
Marahan niya kong liningon. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba! Nakakawala naman sa katinuan ito!
"Ayos lang iyon. Alam ko namang hindi mo na uulitin," nginitian ko siya. Ngumiti naman siya. Pero, iba ang ngiti niya ngayon. Ngiting sobrang tamis at parang sobrang saya din niya.
"Ano ba 'yong aaminin mo?" tanong ko pa.
"I-I..." Nauutal na naman siya.
Pinilig ko ang ulo ko at tiningnan ang mukha niya. Malikot ang mga mata niya.
"I love you!" bulalas niya na ikinagulat ko naman.
Bigla na lang siyang nawala. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng kabog. Parang minamartilyo pero hindi sa masakit na paraan.
Lihim akong napangiti. Wait. Bakit ako ngumingiti? Killer pa rin siya noong buhay pa siya. Marami siyang pinatay. May pinatay pa nga siya noong nasa katawan ko pa siya.
Pero hindi ako nagagalit. Bakit gano'n? Parang kinikilig pa ko dahil sa sinabi niya. Nag-iinit din ang magkabila kong pisngi. Ang weirdo ko!
Nawala lang ang pag-iisip ko sa sinabi niya nang may narinig akong katok sa pintuan. Halos patakbo kong tinungo ang front door ng bahay namin. Binuksan ko agad ang pinto.
May babae agad na yumakap sa 'kin. Nasamyo ko ang mabango niyang amoy.
"Devi!" matinis ang boses niya nang sumigaw.
"Jeline!" napasigaw na rin ako. Na-miss ko kasi siya ng sobra. Ang tagal na naming 'di nakakapag-usap. Busy kami pareho tapos ang dami pang bumabagabag sa 'kin.
"I miss you!"
I hugged her tightly. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Ang mga hikbi ay bigla na lang naging hagulgol.
"Miss na miss din kita," hinagod ko ang buhok niya.
Inalalayan ko siya paupo sa sofa namin. "Jusko! Ang tagal nating hindi nagkita tapos pareho pa rin tayong walang jowa," natatawa niyang sabi habang nagpupunas ng luha.
"Kaya nga eh. Boy hunt tayo?" pabiro kong yaya sa kaniya.
Good mood na ko. Bukod sa dumating siya, may bumuo pa ng araw ko.
"Anong boy hunt? Kuya mo lang gusto ko," Nagtaas-baba pa ang dalawa niyang kilay habang nakangisi.
Kinurot ko siya nang mahina sa tagiliran. Si kuya pa rin pala ang gusto niya. Iba talaga itong best friend ko. Grabe magkagusto. Hindi ko nga lang alam kung gusto ba siya ni kuya.
"Gwapo talaga ng kuya mo. Nakita ko siya kanina. Ang bango-bango niyang tingnan! Ang sarap niyang ipasok sa ilong ko at singhutin nang singhutin."
Nakatingala pa siya habang magkasalikop ang mga kamay. Pinagpapantasyahan pa yata niya ang kapatid ko.
"Sabihin mo kasing gusto mo siya," payo ko.
"Alam kong alam niya. Ayaw kong mag-first move."
Medyo mataas din kasi ang pride nitong kaibigan kong ito.
"Wala ka man lang pasalubong?" tanong ko sa kaniya.
"Ay! Meron syempre."
Kinuha niya ang paper bag sa may tabi niya. May kinalkal siya roon. Naglabas siya ng isang box ng cupcakes. "Iyan! Kain tayo!"
Kumuha ako ng plato sa kusina. Linagay ko doon ang mga cupcake. Dinala ko ulit iyon sa sala. Nagsimula kaming kumain ng magkatabi.
"Kumusta ka? Wala ka pa rin bang nagugustuhan?"
I gulped when she asked me that.
Maniniwala kaya siya na may multong nagkakagusto sa 'kin? I guess not. Matatakutin kasi siya. Baka imbes na matuwa ay matakot lang siya.
"Mag-jowa ka na. Ang tanda na natin," sabi niya sabay kagat sa cupcake na hawak.
Napayuko ako.
Jowa? Boyfriend? Kasintahan? Nobyo?
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya o handa ako. Nakakatakot masyado. Mas nakakatakot pa kaysa makakita ng mga multo.
TinTalim