Xyzin's POV
Halos masubsob ako sa lupa dahil sa pagtakbo. Dala-dala ko ang baril na may silencer at dalawang bala. Tumakbo ako nang tumakbo. Muli kong naramdaman ang pakiramdam noong napatay ako ng mga pulis habang tumatakbo rin ako.
Ang tatlong pinatay kong pulis ay ang mga nakapatay din sa 'kin noon. Balewala na lang naman sa 'kin. Ililibing na rin sila.
Papatayin ko dapat iyong kapatid ni Devilia kaso paglalamayan pa niya ang sarili niyang kapatid. Kailangan lahat sila masaktan! Kailangan lahat sila maghirap! Ipaparamdam ko sa kanila 'yong sakit na naranasan ko lalo na nong hindi ko pa matanggap na patay na ako.
Tinunton ko ang daan patungo sa hideout ko. Wala pang nakakaalam nito bukod sa 'kin at kay Devilia. Swerte siya dahil nakapasok siya. Binuksan ko ang pasukan at pumasok doon. Dito na muna ako. Dito lang ako.
Napaluhod ako sa sahig dahil sa pagod. Napapikit ako nang makaramdam ng sakit sa dibdib ko.
No! Fuck no! Hangga't hindi pa maayos ang lahat, hindi pa ko pwedeng umalis dito!
Pagmulat ko nang mga mata ko, nakahilata na ang walang malay na si Devilia sa sahig. Napasabunot ako sa buhok ko. Papakainin ko muna siya. Tama. Tama iyon! Kailangan niya ng sapat na lakas! Hindi siya pwedeng mamatay dahil siya lang ang magagamit ko. Siya lang.
Jeline's POV
Dala-dala ko ang isang basket ng prutas. May mangga, saging, mansanas at orange. Papunta ako ngayon sa hospital para bisitahin si Brandel. Wala naman kasing magbabantay sa kaniya roon.
Marami siyang tama ng bala. Halos maubusan siya ng dugo. Buti na lang at naagapan.
Dalawang araw na simula nang mawala si Devilia. Siya raw 'yong pumatay sa sikat na athlete. Hindi rin ako makapaniwala kaso may CCTV footages. Sinabi rin ni Brandel ang totoo. Kapatid niya raw ang bumaril sa kaniya.
Pumasok na ko sa kwarto kung na saan si Brandel. Maganda ang kwarto dahil ang mayor ng bayan namin ang magbabayad ng bills. May refrigerator, aircon, maliit na lababo, sariling banyo at may kalakihang telebisyon. Pero kahit pa maaliwalas at maganda ang kwarto, tulala naman palagi ang lalaking nakasadlak doon.
Nakita ko si Brandel. Tulala na naman siya. Nakaupo at tulala. Maayos naman na siya. Kailangan niya na lang magpahinga dito ng limang araw.
Binalingan niya ko ng tingin. "Hinahanap na ba nila si Devilia?" nag-aalala niyang tanong.
"Oo. May manhunt operation ng ginagawa pero wala pa din silang maayos na balita."
Umupo ako sa tabi niya. Nagulat ako nang maglandas na naman ang mga luha mula sa magaganda niyang mga mata.
"A-Ang kapatid ko, binaril niya ko..."
Nangangatog na naman siya. Hindi niya pa rin tanggap. Ayaw niya rin sigurong tanggapin. Kahit ako naman. Kaibigan ko si Devilia. Ayaw ko na rin ng ganito.
"Mahahanap din siya, Brand," I held his hand. "Kailangan malakas ka at matatag pagbalik niya."
Mariin siyang humihikbi. Pinipigilan niya siguro pero lumuluha pa rin siya.
"Magiging maayos din ang lahat," alo ko sa kaniya.
Puno ng pighati ang mga matang tumingin sa 'kin. "I-I just want my sister back."
Sinubsob niya ang mukha niya sa magkabila niyang palad. Doon siya humagulgol. Hinagod ko na lang ang likod niya. Hindi rin naman magsi-sink in sa kaniya ang mga sasabihin ko. Si Devilia lang ang gusto niyang banggitin.
Mahal ko si Brandel. Mahal ko siya. Matagal na. Pero, mahal ko rin ang kaibigan ko. Dahil mahal ko sila pareho, gagawin ko lahat ng makakaya ko. Kahit pa sinabi sa 'kin na hayaan ko na lang daw sila dahil mapapahamak din ako. Ayaw ko. Tutulong ako. Tutulong ako para sa mga mahal ko.
Devilia's POV
Pupungas-pungas akong bumangon. Masakit ang katawan ko. Masama rin ang timpla ng katawan ko. Malamig ang kinauupuan ko. Namamanhid pati mga braso ko.
Inunat ko muna ang braso ko bago tumingin sa paligid. Pamilyar. Ang sementong hindi masyadong maayos, mga gamit na luma na at kaunting liwanag lamang na pumapasok.
Nang may nakita akong hagdan paakyat, alam ko na kung na saan ako.
Nasa hideout ako ni Xyzin! Pero na saan siya? Bakit ako nandito? Dinala niya ba ko rito? Baka nami-miss niya na naman ang lugar na ito.
Natabig ng kamay mo ang isang gawa sa kahoy na mangkok. Napatingin ako doon. Natuwa ako nang makakita ng ilang prutas. Saktong kumulo naman ang sikmura ko.
Dinampot ko na agad iyon. Kinain ko na kahit pa hindi ko alam kung malinis ba o madumi. Gutom na gutom ako. Nanginginig ako sa sobrang gutom. Masakit na ang tiyan ko matapos kumain. Tumayo ako dahil sapat na ang lakas ko. Umakyat ako sa hagdan. Naiwan kasing bukas ang takip ng hideout na nagsisilbing pinto.
Mga puno at sikat ng araw ang sumalubong sa 'kin. Naglakad-lakad ako. Umaasang makikita si Xyzin.
Nahanap ko ang kalsada kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Lakad lang ako ng lakad. Hindi naman masakit sa paa dahil presko ang hangin. Hindi nakakapagod.
May namataan akong convenience store. Pumasok ako roon. Isa lang ang nasa counter. Wala ring ibang costumer. Kinapa ko ang bulsa ko. May dalawang bente akong nakapa. I think, I'm lucky.
Naghahanap ako nang pwedeng bilhin nang marinig ko ang balita.
"Patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa suspek sa pagpatay ng tatlong pulis at sa isang atleta. May binaril din siyang pulis na maayos na ang lagay ngayon. Devilia Rominez ang pangalan niya."
Tigagal ako nang sumilip sa TV na nakasabit. Pinapakita nila ang pictures ko pati na ibang detalye.
Sa sobrang kaba ko, napatakbo ako palabas ng convenience store.
Naglakad ako ng wala sa sarili.
Pumatay ako? Pero hindi ko 'yong kaya! H-Hindi ako 'yon. Si Xyzin iyon!
Napasalampak ako sa gilid ng kalsada. Umagos na ang mga luha ko. Yumuko ako habang umiiyak. Sumisikip ang dibdib ko. Parang nilalamon ako ng mga bagay-bagay.
Mali nga. Mali ngang nagtiwala ako sa isang multo! Gago siya!
Mas mabuti pang mamatay na lang ako. Tama. Mamatay na lang.
TinTalim