ISAAC | 3

104 3 0
                                    


Their first song was well received. Ilang oras lang matapos iyong i-release, nag-#1 agad sa iTunes sa Pilipinas at nag-chart din sa ibang bansa. Most streamed song para rin sa araw na iyon sa Spotify, at nakasama sa trending topic sa Twitter sa buong mundo.

Kaya hindi na rin nakakagulat na nang sumunod na araw ay dinumog ng mga showbiz reporters ang press conference nila.

One petite girl in a ponytail asked if they were aware about the hate that Lukas received after he won the competition. "And yesterday, meron ding ilang ulit comments sa Twitter na nagsasabi na hindi pa rin daw dapat nakasama si Lukas dahil nagkamali siya. What can you say about that?"

Nagkatinginan silang lima. Isaac noticed Lukas's discomfort. Nagkuyom pa nga ang kamao nito.

Dean grabbed the microphone. "Actually, yes, aware kami. Pati yung issue na nadaan daw sa pera since we all know Lukas came from a rich family, we have heard of that also."

"So what can you say about that, Dean?"

Dean cleared his throat. "First of all, I think it is unfair to judge Lukas dahil hindi siya magaling sumayaw. He's the main rapper, not the dancer. At yung sinasabi ninyong nadaan sa pera o influence ng pamilya niya... are you saying I also did not deserve to win? Have you forgotten I'm the CEO's nephew?"

The spectators cheered on him. Sumabayan din ni Ciel habang si Keaton naman ay nag-thumb up bilang pagsang-ayon.

Nagpatuloy si Dean. "So ngayon, if you still don't like him, so be it. But please see your way out. Hindi namin kayo kailangan sa fandom. THE DROPOUTS is composed of five members: ako, as their leader. Isaac, as our main dancer. Keaton, as the main vocalist. Ciel, as the visual. And Lukas, the main rapper. Mawala ang isa sa amin, buwag ang grupo."

Muling nagpalakpakan ang mga dumalo. Sila namang mga miyembro ay niyakap si Lukas to give him the comfort.

"Thanks, p're," pasalamat ni Lukas kay Dean. "Na-touch ako sa sinabi mo, sa totoo lang."

"Sus! Para saan pa ba ang pagiging magkaibigan natin?" tugon naman ni Dean.

Pumikit na lang si Isaac kasabay ng pagtawag niya sa lahat ng santong kilala para pigilan ang sariling tumalak. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka pati siya ay ma-inspire sa sinabi ng leader nila. But now? Gigil lang ang nararamdaman niya. He can't believe na ganito ka-plastic ang leader nila!

Shit, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang gano'n siya! Iiling-iling na lang siya habang pabalik sa upuan. He was sitting at the left most, sa tabi ni Keaton.

The woman earlier thanked them before giving the microphone to the next reporter, who was a chubby male this time. The question was addressed to Keaton.

"Gaano katotoo ang chismis na hindi raw kayo magkasundo ni Lukas?"

And now, it was Keaton's turn to be uncomfortable. "Saan mo naman nakuha iyan?" tugon naman nito. Napilit pa nitong ngumiti pero hindi niyon naitago ang kaba.

Sinabi ng reporter na may nagkwento lang daw dito na madalas daw silang makitang nag-aaway ni Lukas.

"Well... uhm..." Napakamot ng ulo si Keaton. "I think it is a misunderstanding. While it is true na minsan nag-aaway kami, it's not because... you know, magkagalit kami. Sadyang may mga pagkakataon lang talagang hindi kami nagkakasundo. You know, like friends in real life. Di naman sa lahat ng oras, bati kayo, right?" Naiilang itong ngumiti ulit. "Right, Lukas?"

Lukas just looked at him with a blank face.

Isaac knew it was a wrong move. Napangiwi pa siya. Ano ba kasing pinag-awayan ng dalawang ito? Matagal na niyang tinatanong ang dalawa pero parehong umiiwas sumagot. He also asked Ciel before, but he also refused to answer.

Dare You to Move, IsaacTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon