Just one day
XXX
1/3
"LANCE PARK!" Lihim akong napairap saka humarap sa babaeng tumawag sakin. Boses palang alam na.
"Oh?" Walang gana kong tanong. Ngumiti sya saakin saka nagabot ng envelope na parang bata.
"Para saan nanaman?" Tanong ko ng hindi man lang kinuha ang envelope na iniaabot nya. Kung ibang babae ito, malamang ibaba na nya ang kamay nya at magpapacute habang nagtatanong kung bakit hindi ko kinuha, pero patient syang ngumiti at mas lalong inilapit sakin ang hawak nya kaya umatras ako.
Ang kulit talaga, nakakainis.
"Para sayo. Alangang sakin, diba?" Masaya nyang sinabi saakin yan kaya mas lalo akong nainis. Tinabig ko ang kamay nya saka tumalikod at naglakad muli.
Narinig ko pa syang tumakbo papunta sa tabi ko at sumabay sa paglalakad. Pinilit ko namang maglakad ng mabilis kaso mabilis din syang naglakad para makahabol saakin kaya humarap ulit ako sakanya.
"Baki—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng iabot nya ulit saakin ang envelope na hawak nya.
"Pag ba kinuha ko yan, tatantanan mo na 'ko?" Tanong ko sakanya habang pilit na itinatago ang inis na nararamdaman ko.
Sa lahat ba naman kasi ng babae dito sa school, itong babaeng ito lang naman ang makulit na lapit ng lapit saakin. Nagbibigay ng kung ano-ano na hindi ko naman tinatanggap pero patuloy pa din syang nagbibigay saakin lalo na ng mga sulat. Siguro, pang 10 na ata 'to dahil every month nya akong sinusulatan simula ng iligtas ko sya sa mga taong nambubully sakanya noong summer.
Tumango sya at ngumiti.
"Pang ilang tango mo na ba yan everytime na tinatanong kita kung tatantanan mo na ko? Every month na magbibigay ka ng ganyan sasabihin mo last na." Sabi ko.
"Eh kasi nagpromise ka din naman na babasahin mo pero hindi mo ginawa." Sabi nya ng nakangiti pa din. At paano nya nalamang hindi ko binabasa? Pumasok ba sya sa kwarto ko at binuksan ang drawer ko na puno lang ng mga binigay nya? Hindi ko naman itatapon no, hindi pa naman ako ganun kasama.
"Binabasa ko kaya! Tsk!" Sabi ko sabay hablot ng sulat mula sa kamay nya. Agad naman syang ngumiti at pumalakpak.
"Sige ha? Hihintayin ko." Sabi nya saka sya umalis. Hindi ko alam kung ano ang hihintayin nya. Inaasahan ba nyag sasagot ako sa mga sulat nya? Tch. Cliché.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nasa bulsa ang dalawang kamay, pero hawak ko pa din ang sulat nya. Sabi ko nga sainyo, hindi pa ako ganun kasama.
XXX
"Lance, tagal mo naman." Sabi sakin ni Vans. Si Vans ang kaibigan ko simula noong pumasok ako sa kolehiyo. Nung una, nagkasuntukan kami sa kadahilanang nabunggo ko lang sya. Pagkatapos nun, napa-office kami. Kesyo, 1st year palang daw kami nanggugulo na kami sa Campus grounds. Pinagbati kami, after nun, lagi ko na syang kasama "Naharang ka nanaman ba nung obsessed fan mo? Alam mo, kausapin mo na yun. Gusto lang naman nyang pansinin mo sya eh, tapos ipaliwanag mo na kaibigan lang dapat kayo." Pagsa-suggest nya pa.
"Kahit isang araw lang, Lance." Sabi pa nya. Sa totoo lang, nagdududa na 'ko dito kay Vans, hindi ko alam kung bakla ba 'to o ano. Kita nyo, ang daldal.
"May gagawin ba?" Pagiiba ko ng topic, "kasi kung wala, uwi na 'ko, inaantok na 'ko eh." Sabi ko sabay hikab kunwari. Pinapunta nya ako dito para lang maggawa ng project namin sa Drafting. 5th year na kami.
"Wala naman daw, may meeting lang. Itetext ko nalang sayo, umalis ka na." Sabi nya kaya agad akong tumayo at nag unat. Sumasakit nanaman ang likod ko, paano kasi dalawang araw na ata akong walang masyadong tulog. Masama yun sakin pero kailangan eh, projects.
Nagpaalama ako na aalis na, um-oo naman siya kaya nagsimula na 'kong mag lakad pauwi. Habang naglalakad ako, sumagi sa isip ko ang babaeng iyon. Ni hindi ko man lang alam ang pangalan nya, paano naman, niligtas ko lang sya ng isang beses tapos yun na yun, wala na. Ni hindi kami nakakapagusap ng matino na kagaya ng normal na usapan. Madalas kasi, maasar na ako agad sa presensya palang nya.
Pero ngayon, parang gusto kong gawin ang sinasabi nila hyung. Ewan ko ba, may something na bumubulong sa isip ko na pagbigyan ko na. Nang makapagdesisyon ako, agad kong kinuha ang sulat na huli nyang ibinigay saka binuksan iyon.
Lance Park,
Sa wakas, binasa mo din. Alam kong babasahin mo ito, paano kamo? Hindi ko din alam. Ang gulo ba? Haha. Gusto kong malaman mo na wala naman akong masamang hangarin sayo eh, gusto ko lang makipagkaibigan. Kung okay lang sana sayo, kahit isang araw lang. isang buong araw lang, makasama kita, okay na yun. Malapit na din kasi yung birthday ko, baka pwede mo akong pagbigyan? 'Wag kang magalala, wala akong kilalang kidnapers, wala din akong baril o kung ano man. Hindi ako magdadala ng bomba o kutsilyo, isang araw lang, pwede?
-L.A
Tss. Isang araw lang pala eh, bahala na. Pagbibigyan ko na, aabangan ko sya bukas sa labas ng school namin.
XXX
Dedicated for saeng! As a promise. :)
UPDATED: From BTS to V nalang. Para hindi madami yung unnecessary characters. ^^
BINABASA MO ANG
Just one day [3-shots]
PoetryForgive me for a day, forget me tomorrow... Could you love me just for a day? Just one day. 3 parts story. Date started: January 22, 2015 (10:17pm) Date Finished: