JUNGKOOK-2/3

134 11 5
                                    

April 08, 2015

Revised: September 22, 2015

2/3

"Kanina ka pa?" Tanong nya saakin habang nakangiti pagkadating palang nya. Agad akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Inayos ko ang bag na hawak ko pati na ang t-shirt na medyo nagusot kaiintay. Sa totoo lang, hindi naman ako ganun ka pumorma. Naka jeans lang ako, converse na black at gray t-shirt. Hindi na ako nagjacket since baka mainit mamaya ayokong mahirapan sa pagdadala ng gamit.

"Hindi ah, kadarating ko lang din. Mga 1 hour ago." Sabi ko saka tumingin sa kisame. Kumalma ka Lance Park. Babae yan.

Ayoko lang kasi ng pinaghihintay ng ganun, lalo na at sya lang ang ginagawan ko ng favor. Nagulat ako ng mag bow sya sakin at ngumiti.

"Sorry. May ginawa kasi ako. Tara na?" Sabi nya sabay abot ng kamay nya. Tinignan ko ang suot nya, kaya naman pala nyang hindi mag mukhang manang eh?

Madalas kasi, sa school, nakasuot lang sya ng plain jeans at hoodie na mas malaki pa sa proportion ng katawan nya. Nagmumukha syang hanger eh. Pero ngayon, nakasuot sya ng plain jeans pero iba ang design, oo halos pare-parehas ang jeans na sinusuot nya, tapos fitted na damit na nakapagpalabas ng kurba ng katawan nya. Ang buhok nyang laging nakatali sa messy bun ay nakalugay na din, wavy at hanggang bewang ang buhok nya na mas nagpaganda pa sa aura nya. Ang makapal na salamin na lagi nyang suot ay tinanggal din nya at mukha syang nakacontact lens. Wala syang kolorete sa mukha pero halata ang lip-gloss na nilagay nya sa labi nya. Kulay pink kaya hindi masyadong halata, parang natural lang. Sa kabuuan, may igaganda pala sya.

"Hello? Chini-check out mo ba ako? Tara na?" Pinamulahan ata ako ng mukha sa sinasabi nya kaya nagiwas agad ako ng tingin.

"Kapal mo ha? Nag ayos ka pa, wala namang pinagbago." Sabi ko saka nauna nang maglakad habang hawak ang isang napakalaking bag. Agad naman syang humabol at tumabi sakin sa paglalakad habang nakalagay ang kamay nya sa likod nya. Lihim ko syang pinagmasdan, nakangiti sya habang masayang naglalakad.

Kahapon ko sya hinintay sa labas ng gate. Noong una pa nga, inaasar pa 'ko ni Vans hyung na kasama ko sa paghihintay sakanya. Pero nung dumating na 'tong si—ano ngang pangalan? Paalala nyong itanong ko mamaya—umalis din agad siya at hinayaan "daw" kaming magusap. Weh lang. Laging nawawala yun sa mundo eh.

Hindi ko naman sya kinausap ng matagal. Ang sabi ko lang "Magkita tayo bukas sa tapat ng mall, 6am." Nagtanong pa sya kung bakit sa mall eh sarado pa yun ng 6am pero hindi ko naman sya balak dalhin sa mall. Para saakin, ang pagde-date sa mall ay isang napakalaking boring na pangyayari sa buhay. Biruin mo, makikita mo lang puro stalls ng mga bagay na hindi mo naman bibilhin, puro kainan at sinehan lang. Now, hindi naman ako mahilig manood ng movie so I wouldn't choose the latter. W-wait—did I just say 'date'? Joke lang yun. Gagala lang kami.

"Lance, saan tayo pupunta?" Bakit ba laging masigla ang tinig ng babaeng ito? Wala ba syang problema? Ang saya nyang pakinggan eh.

"Dyan lang. Sa Luneta." Sabi ko sabay inayos ang hawak kong maleta. Naglayas ako, bakit ba.

"Ow. Sige, gusto ko yan!" Sabi nya na parang batang first time aapak sa Luneta. Napailing nalang ako.

Nang makarating kami sa tapat ng PNU, kinuha ko ang kamay nya para hawakan. Tatawid na kasi kami at delikado dito dahil may nasagasaan na estudyante dito dati, hindi lang isang beses kung hindi dalawa daw. Pagkabunggo sakanya, tumilapon sya at nabunggo ng isa pa. By the way, ang alam ko, okay na sya. Sana nga, okay na sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just one day [3-shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon