Madilim, malamig, walang katapusan. Paano ako napunta dito? Paanong sa isang iglap ay tinatahak ko ang madilim at tahimik ng kahabaang pasilyong ito?
Magulo, Magulo ang laman ng utak ko ngayon. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Tama ba na sumang ayon ako sa gusto niya dahil lamang sa kagustuhang matagal 'ko ng hinahangad?
Hanggang saan aabot ang paglalakad na ito?
"Isa lang naman ang gusto 'ko, ang makaahon sa buhay."
Tama ba ang desisyon ko? Ano ba ang makikita ko dito?
Abala ako sa pagiisip ng maraming bagay ng makarinig ako ng mga yabag, at hindi lang iisa. Maraming yabag, nagmumula sa kinaroroonan ko kanina. Who are they? Why are they running? Should I ask them where I am? Baka sila na ang sinasabing naghihintay sa akin.
Mula sa malayo ay unti unting nagliliwanag ang mga paligid dahil sa mga dala nilang lampara. Mula rito ay papalakas ng papalakas ang mga sigaw nila habang papalapit sa kinaroroonan ko.
"Matarla!" (Kill her!)
Pag rinig ko sa malakas na sigaw ng nasa gitna nila ngunit hindi ko naman naintindihan, May pumasok man sa utak ko ngunit bakit? Hindi ko naman sila kilala. Nagsimula akong kabahan ng makita ang galit na mga mukha nila.
Napaatras ako sa kaba, Nanginginig 'kong inihakbang pabalik ang mga paa ko pero halos maistatwa ako ng may mumuntik ng tumama na palaso sa aking paa. Bakit ganito ang mga pinapakita nila? Ito ba ang sinasabing naghihintay sa akin?
Why are they trying to kill me?
Nang mabalik sa ulirat at nagkaron ng lakas ng loob ay itinuloy ko ang pag-hakbang paatras at nagsimula ng tumakbo. Nandito ako para sa magandang kasunduan at hindi para mamatay!
Bakit baliktad ang pinapakita? Hindi pa man nangangalahati ang pagtakbo ng nakaramdam ako ng isang kamay mula sa aking bewang at malakas na higit nito. Kasunod ay agad dumapo ang kamay niya sa aking bibig upang hindi makasigaw.
Jusko, Ano bang ginawa 'kong masama at may mga gustong pumatay sa akin? Sino ito?
YOU ARE READING
GRANDEUR: The Last Empress
Fantasy"Hindi maaring pagkasawi ang maging wakas." Maria Celes Villarca.