"How long this unfortunate life will go?"
Reality Sucks.
"Pasensya na po talaga, nakakuha na daw kasi ang amo 'ko ng kailangan kasambahay dito. Hindi na niya daw kailangan ng iba pa." Pagpapaumanhing salubong sa akin ng kasambahay sa tinanungan 'kong bahay malapit sa tinutuluyan namin ng papa 'ko.
Pangatlong beses ko na itong subok sa mga pwede 'kong pasukan ngunit laging hindi na daw available. Napatingin naman ako saglit sa katulong ng dali dali niyang tinanggal ang plaka na nakadikit sa dingding ng gate nila.
"Wanted Yaya."
Dapat ay tinatanggal na nila agad kung may nahanap na rin naman sila.
"Sige po, salamat nalang po." I said and sighed for the last time, Pansin 'kong papadilim na ang langit. Naghahalo na ang liwanag at dilim, malamang ay hinahanap na rin ako ni papa sa bahay.
Meron pa namang bukas, Gigising nalang ako ng maaga para mas mahaba ang oras ko sa paghahanap. Nagsimula na 'kong maglakad habang saglit na sinusulyapan ang magagarang mga bahay dito sa villa filomena.
Kung sana'y mayroon din kaming ganito, kung sana'y may maayos kaming tirahan katulad nito. Kung sana ay..
"Hay. Sabi nila lahat tayo pantay pantay, Pero bakit sila may magagandang bahay at magagarang sasakyan?"
Pagmamaktol ko sa daan at hindi nalang pinansin pa ang mga bahay sa paligid. Kinawayan ko naman ang bodyguard sa villa pagkalabas ko, buti nalang at mabait ang manong kaya pinayagan akong pumasok.
"Saan ka nanaman galing bwisit na bata ka!" Si tita Teressa ng makita ako sa may hamba ng pintuan ng maliit na bahay namin.
Palagi naman siyang ganyan, mawala lang ako saglit ay halos ikasuklam niya 'ko, Simula ng palitan niya sa pwesto ang nanay ko pakiramdam ko ay mas lalong naging mahigpit ang pamumuhay ko.
"Diba sinabi ko sayong labhan mo ang mga damit! Tignan mo ang lababo! Ang daming hugasin tapos tatakasan mo lang ako?!" Galit niyang sigaw at halos mapatingkayad ako sa sakit ng pagtaas niya sa anit ko.
"A-aray tita!" Shit, masakit talaga!
"Kung saan saan ka nanaman naglalakwatsa! Imbis na makatulong ka sa bahay, inuuna mo ang pagbabarkada mo!" Sigaw niya pa rin na halos rinig ko na sa loob ng pandinig ko.
"Naghanap po ko ng t-trabaho tita.. Bitawan niyo po 'ko, M-masakit!" Ilang segundo bago ko maramdaman ang pagbitaw niya, namanhid ito at paniguradong namumula nanaman ito.
"Ganyan ba ang pagpapalaki sayo ng nanay mo! Ang maging sinungaling?!"
Agad nagpantig ang tainga ko sa narinig, halos samaan ko siya ng tingin. How dare she speak to my mother like that? Kailanman ay hindi ko kinwestiyon ang pagpapalaki sa akin ng mama ko dahil napakabuti nito.
"Hindi mo kailangan isama ang nanay ko sa usapang 'to!" Sigaw ko na halos di na ininda na ang dami ng nakiki-usyoso sa labas at panay ang silip rito sa amin. Ano pa nga ba ang aasahan sa isang lugar na halos magkakadikit lang at tagpi tagping bahay?
"At bakit hindi? Hindi ba't kaya nga kayo nandito ng ama mo dahil sa kaniya? Dahil iniwan niya kayo! Pinabayaan niya kayo!" Ganti rin niyang sigaw sa akin habang nilalakihan ng mata, halata sa kaniya ang gigil niya. Pero hindi non matatakot ang galit 'ko sa pagsalita niya sa nanay 'ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Ako na akma ng susugod ngunit agad niyang tinabig ang pitsel sa lamesita kung kaya't natapon ito sa kaniya.
"Teressa!"
Napaatras ako bigla dahil sa nangyari, kung kanina ay mas lumalamang ang galit ko sa kaniya ay ngayon ay napapalitan na ito ng takot. Lalo na't ng sumigaw si papa at dali dali itong dinaluhan siya.
"Anong ginagawa mo, maria?!" Si papa ng makalapit sa amin mula sa pintuan, Bakit siya ang dinaluhan? Bakit siya ang inalala imbis na ang anak niya?
"Lorenzo, W-wala naman akong g-ginagawa sa kaniya.. Hindi niya pa siguro nakakalimutan ang n-nanay niya.." Nagsimula ng umakto na parang aping api ang babaeng nangahas pagsalitaan ang nanay ko.
Gusto 'kong matawa dahil sa bigla niyang inaasta, Bakit ganitong babae ang pinalit ng tatay ko sa aking ina?
"Hindi ba't nagkausap na tayo tungkol dito? Bakit ganyan ang inaasta mo?!" Napangiwi ako sa sigaw ni papa, hindi ba dapat ay ang babaeng kinakasama niya ang tanungin niya ng ganyan?
"Wala akong ginagawa papa.."
"Tignan mo na lorenzo, Nakita mo naman ang nangyari diba? Kung ayaw niyang may papalit sa pwesto ni Alicia ay.. a-aalis nalang ako.." Ani nito at pakunware pang nayuyuko habang naiiyak, Kulang nalang ay pumalakpak ako dito sa harap niya. Kung wala lang si papa ay malamang kanina pa 'ko tumawa.
"Magpaumanhin ka sa tita mo, maria." Si papa na mabilis 'kong nalingon. Kita ko ang titig nitong nagbabanta.
Anong ginawa ko? Oo nga't konti nalang ay masusugod 'ko na siya pero hindi ako ang dahilan kung bakit siya basang basa ngayon. Sinulyapan 'ko naman si tita teressa at kitang kita ko ang mga mata nitong nanghahamon.
"Pasensya na po, p-pa." Mahina 'kong tugon at tumalikod na lamang para lumabas.
Narinig ko pa ang tawag sa akin ni papa ngunit hindi ko na ito nilingon, hindi na rin ito nakahabol dahil pinigilan ito ni tita teressa.
Pagkalabas ko ng pinto ay agad nagsibalikan ang mga tao sa kani-kanilang mga ginagawa, ang iba ay umalis sa bintana nilang nakasilip. Ang iba ay nagsarado ng pinto, ang iba naman ay parang walang nakita kanina.
Kung sa ganitong lugar ka lang naman nakatira, wag ka ng aasa na may sarili kang privacy. Dahil hindi uso sa kanila ang bagay na 'yon dito. Minsan, kung anong meron ka ay dapat meron rin sila.
Katulad nalang nitong babaeng proud na proud sa paglalakad sa gitna habang suot suot ang short ko. Nung isang araw lang ay nawala yan sa sampayan namin sa tapat.
"Jusko kayo! Kahit gabi walang sinanto, nagsisigawan pa rin!" Pagpaparinig nito sa gitna habang gumegewang gewang pa habang naglalakad.
Galing nanaman itong impokrita na 'to sa bahay aliwan.
Pasimple ko itong inirapan habang patuloy sa paglalakad, halos mabunggo ko na ang mga batang naglalaro pa rin sa gitna kahit maputik.
"Mariaaaaaa!" Kahit malayo pa ay tanaw na tanaw ko na ang nagmamadaling si Mikaela.
Halos mapatid patid na ito sa pagtakbo papunta sa akin, nang makalapit na siya ay kasabay ng sigaw niya ay ang pagtunog ng sasakyang pang police.
"Nagkakahulihan na dito sa atin!" Namumutla niyang ani sabay hatak sa akin. Nagkakahulihan? Kaya ba siya tumatakbo? Pero bakit siya tumatakbo?
"Teka muna, mika!" Sinubukan 'ko itong pigilan sa pagtakbo ngunit lalo lamang kaming naalarma ng magkagulo ang buong lugar.
"Tara na! Huwag ka na muna magtanong, kung ayaw mong makuha!" Angil nito sa akin na ikinabahala ko pa.
"Sila papa, mika!" Pilit 'kong tinatanggal ang kamay nitong mahigpit ang hawak sakin ngunit masyado siyang malakas. Bakit kasi ngayon pa?
"Bahala kana nga dyan!" Pagalit pa nitong anya ng bitawan ako.
Walang pasubali 'kong tinakbo ang lugar papunta sa maliit naming bahay.
Kahit pa nakikita 'kong pinagtatanggal at sinisira na ng ibang pulisya ang ibang tirahan at pinagkukuha na ang ibang batang walang magulang ay tinungo ko pa rin ang daan pabalik sa bahay.
—
MCVG.
YOU ARE READING
GRANDEUR: The Last Empress
Fantasy"Hindi maaring pagkasawi ang maging wakas." Maria Celes Villarca.